Wendy’s POV
The next days were unbelievably great. It’s been a week since that day. After that night na maging kami, Wessley became more extra sweeter and caring. Nasabi ko na din kay mom and dad yung relasyon namin, and unlike with my previous relationship with Jervin, tanggap na tanggap nila ang relasyon namin. They even said na we must celebrate it. Happy na happy si mom and dad sa amin.
Sa school naman, gumawa pa ng pakulo si Wessley para malaman ng lahat na “kami” na. Nagulat ako ng araw na iyon dahil pagpasok ko, isang napakalaking taurpalin naming dalawa ang naka display sa may labas ng gate. Ang nakalagay doon ay ang picture naming dalawa at may nakalagay na; “Officially on.”
Maraming natuwa pero marami din naman ang nainis. Feeling ko nga, napakadami ko ng “haters.” Even media, nalaman na rin nila. At first kabado ako dahil ang timang na “boyfriend” ko, nagpatawa ng press conference para sa big revelation niya.
At ngayon feeling ko, halos buong mundo na ang nakakalaam na kami na ni Wessley. Masaya. Sobrang saya ko. Nandito ako ngayon sa loob ng kwarto ko, busy. Sobrang busy sa pag-aayos. Alas-tres ngayon ng hapon, Linggo.
Pumasok si mommy sa kwarto ko at nilapitan ako. Nakatayo ako sa harap ng closet ko at nakapamewang na nakatingin doon.
“Mom, which dress do you think will make me beautiful?” I asked habang nakatingin parin ako sa mga damit na nandoon
Nakita ko sa side vision ko ang pag-iling ni mommy sabay kuha ng kulay cream na bestida sa loob ng closet ko. Dress iyon na medyo seksi. I mean, off shoulders iyon na hanggang tuhod ang tabas. Litaw din doon ang cleavage ko. May design iyong pearls sa may leeg ng dress. Maganda nga yong dress nay un. Simple pero elegante.
Nag thumbs up ako kay mom ant kinuha iyong damit sa kanya. “Thanks mom!” sabi ko at saka dumiretso sac r at nagbihis
Paglabas ko, nandoon parin si mom nakaupo sa pink sofa ko. Tumingin ako sa kanya sabay tanong, “What do you think?”
Umiling ang ulo niya kaya akala ko hindi bagay sa akin. Napatungo ako. Hay.
“You have grown so beautiful Wendy. Don’t stress yourself picking dress just to impress his mother. Act natural anak. Maging totoo ka sa kung sino ka talaga.” Sabi niya
Naramdaman ko ang malamig na metal sa aking leeg. Inangat ko ang ulo ko at nakita ko nalang na nilalagyan na pala ako ng kwintas ni mommy. Tumingin ako sa salamin.
“Mom? Nung pinakilala kaba ni daddy kay lola, nagustuhan ka agad niya?” tanong ko habang nakatingin sa kanya sa salamin
Tumingin sa akin si mom sa salamin. “Nope. Alam mo bang ang sungit sungit sa akin noon ng lola mo? Palibahasa, nag-iisang anak na lalaki ang daddy mo.” Natatawa niyang sabi
Umupo ako sa upuan na nakaharap parin sa tokador ko habang si mom naman ay kinukulot ang dulo ng buhok ko.
“At firt, ayaw ng lola mo sa akin. Why? Maarte daw ako nak at hindi daw kami bagay ng daddy mo sa isat-isa. Pero dahil mahal na mahal ko ang daddy mo at ganun din siya sa akin, araw araw kong sinusuyo ang lola mo. Lagi akong nandoon sa kanila at kung ano anong tinutulong sa lola mo. Hindi naman ganoon kahirap i-please ang lola mo Wendy. Nung nakita niya na kaya kong gawin ang lahat para sa daddy mo, that’s the time na tinaggap niya na ako ng buo.”
Napapangiti ako sa kwento sa akin ni mommy. Ako kaya? Magugustuhan kaya ako ng mommy at pamilya ni Wessley? I hope so. Ngayon kasi ako ipapakilala ni Wessley sa pamilya niya. Kinakabahan ako? Damn yes!
BINABASA MO ANG
My "Little" Sweet Revenge...(On-Going)
Teen FictionMinsan akala natin "siya" na yung the right one para sayo. Dahil sa sobrang pagmamahal mo sa kanya, nagagawa nating ibigay ang lahat. But then, in the end, masasaktan ka lang lagi sa huli. Katulad ko, isa sa mga tangang ibinigay ang lahat, iniwan a...