Wendy’s POV
“Damn!”
I stomp my feet so hard on the floor. Nabasag din ang cellphone ko dahil sa naibato ko pero wala akong pakealam! Shit! My boyfriend is with this “Charissa” I don’t know!
Nagmamadali akong bumaba ng hagdan na halos ikadapa ko na. Mabuti at magaling ako magbalance kaya hindi ako nalaglag.
“Senyorita, kakain na daw—
Hindi ko na pinatapos pa ang katulong at nagmamadali akong lumabas ng bahay. Humanda talaga sakin yang Charissa na yan! Nanggigigil ako, shet!
Bago ako nakasakay sa sasakyan ko, narinig ko pa ang pagsigaw ng pangalan ko ni mommy. Saglit akong lumingon sa kanya sabay sigaw ng, “I will be back. Just gonna finish some business!”
Pagsakay ko sa sasakyan, agad kong pinaharurot ito. Ewan ko pero malakas ang kutob ko na nasa bahay sila ni Mrs. Valderama. Oh wait, baka naman…yung Charissa nay un ay part na naman ng plano ng mommy nya? Pinapagselos ako? Bakit ganon ka grabe yung text nya? How dare her to call me a bitch!
Napahigpit ang hawak ko sa manibela. Mabuti nalang at madali akong makatanda ng direksyon. Naaalala ko pa yung daan papunta sa kanila.
After 30 minutes, nakarating na ako sa tapat ng malaki nilang gate. Now, this will be problem. How can I get in there? Baka hindi ako papasukin ng guard dito. Timing naman ang biglaang pagbukas ng malaking gate na nasa harap ko.
I didn’t dare to move my car. Naghintay ako kung sino man ang lalabas mula sa malaking gate na yun. Malakas ang kutob ko na, ang boyfriend kong magaling ang lalabas doon.
Pagbukas ng malaking gate, napangisi ako ng makita ang papalabas na sasakyan. Kitam? Sinasabi ko na nga ba at siya ang lalabas dito eh. Yung sasakyan niya.
Dahil kilala niya ang sasakyan ko, napahinto ang sasakyan niya sa paglabas. Hindi ko makita kung sino ang nasa loob ng sasakyan niya dahil tinted nga ito. Sana naman siya lang ang tao sa loob ng sasakyan na yan, kung hindi…
Nakita ko ang guard na papunta sa direksyon ng sasakyan ko. Sisitahin siguro ako dahil nakaharang ang sasakyan ko sa daraanan ng sasakyan ni Wessley.
Kakatukin n asana ako ng guard ng makita ko ang pagbaba ni Wessley sa sasakyan niya. Oh great! Let the show begin.
Bumaba din ako ng sasakyan ko at tinignan ng masama si Wessley. Nagmamadali siyang lumapit sa akin. Nakatingin ako sa front seat ng sasakyan niya. Tsk, hindi ko makita kung may tao sa loob!
“Mam, pwede ho bang umalis kayo sa daan kasi hindi po makadaaan si sir.” Sabi ng guard
Tinaasan ko lang siya ng kilay. “Manong, I got this. She’s my girlfriend, don’t just sue her like a beggar.” Naiinis na sabi ni Wessley sa guard
Napayuko naman yung guard sa akin. “Sorry ho mam.” Aniya sabay kamot ng ulo
Nung nakaalis na yung guard, saka ko hinarap si Wessley. He looks so stressed? And…sad?
“Wendy, what are you doing here? You should have just text me. Para ako nalang ang pupunta sa inyo.” Sabi niya
“Oh really? Oo nga naman ano? Dapat nag text ako para malaman mo kung darating ako o hindi! Why? Naistorbo ko ba kayo? Naudlot ba ang pagdedate niyo, ha?!”
I cant control myself anymore kaya nagawa ko siyang sigawan. Shit! Sa tuwing naaalala ko yung text ng babaeng yun, kumukulo talaga ang dugo ko sa galit! Hayop nay an!
BINABASA MO ANG
My "Little" Sweet Revenge...(On-Going)
أدب المراهقينMinsan akala natin "siya" na yung the right one para sayo. Dahil sa sobrang pagmamahal mo sa kanya, nagagawa nating ibigay ang lahat. But then, in the end, masasaktan ka lang lagi sa huli. Katulad ko, isa sa mga tangang ibinigay ang lahat, iniwan a...