Chapter 33
Wendy’s POV
“Nakakainis talaga! Feeling ko may ginawa si Charisse kaya hindi kayo naging partner ni Wessley!”
Tumango ako ng marahan sa sinabi ni Charmae. Nandito kami ngayong tatlo nila Richelle sa library. Nag-uumpisa na kami sa baby thesis namin sa H.B. Hindi sila sumama sa mga partners nila kasi wala daw akong kasama. Sweet noh? Wala si Wessley, nandon kasama ng haliparot! Nakakainis! Right after ng dismissal ng klase kanina, hindi niya na tinantanan si Wessley. Kesyo kailangan na daw nilang gumawa ng project dahil mabilis lang daw ang two weeks.
“Jusmio! If I know gusto niya lang na masolo si boyfriend mo! Landi talaga nun! Nakakairita!”
Nag roll eyes pa si Richelle kaya natawa ako. Umupo na kami sa upuan doon matapos naming makakuha ng libro. May assignment kasi kami sa isang subject.
“Bakit ba kasi pinayagan mo pa si Wessley sumama dun?” naiiritang tanong sa akin ni Daphne
“Hayaan niyo na siya, tignan lang natin kung hindi siya magsisi sa pagpilit niya kay Wess. Kawawa siya.”
Sabay sabay naman silang nangunot ang noo. “Paano naging kawawa yun? Eh ikaw nga ang kawawa ngayon dahil kasama niya boyfriend mo.”
“Ganito kasi yun, kahit na kasama niya si Wessley, ako parin ang bukambibig non at nasa isip.”
“Taray huh? Sigurado ka?” si Daphne
Nagnod ako. “Siguradong sigurado. Nakatatak na ko sa isip at puso nun.”
“Sabagay, knowing Wessley, patay na patay sa’yo yun girl!” si Richelle
Tumawa ako ng mahina dahil nasa lib kami. “Ako din naman eh, deds na deds kay Wessley!”
Tapos sabay sabay na kaming nagtawanan tatlo. Nasita pa nga kami ng bantay sa lib kaya impit nalang kaming tumawa.
Nagulat ako ng may nagtakip ng mata ko mula sa likuran ko. Ngumiti ako ng una dahil akala ko si Wessley pero agad din akong nagtaka ng maamoy kong ibang pabango.
“Anu ba?” sita ko sa taong nagtatakip ng mata ko mula sa likuran
Alam kong lalaki ito dahil sa tapang ng kanyang pabango. Dahan-dahan niyang tinanggal ang pagkaka-piring sa akin. Lumingon ako sa likod at gayon nalang talaga ang pagkagulat ko.
“Blaise?” nakakunot noo kong tanong
Ngumiti siya ng matamis sabay hila ng silya mula sa kabilang mesa at itinabi iyon saakin. Naiilang ako dahil itinapat niya ang mukha niya sa mukha ko. Nakangiti parin siya. Lumalabas tuloy yung dalawang dimples niya. Oo, gwapo rin itong si Blaise. Misteryoso siya at kung minsan naman ay puro kalakohan. In short, magulong tao.
BINABASA MO ANG
My "Little" Sweet Revenge...(On-Going)
Teen FictionMinsan akala natin "siya" na yung the right one para sayo. Dahil sa sobrang pagmamahal mo sa kanya, nagagawa nating ibigay ang lahat. But then, in the end, masasaktan ka lang lagi sa huli. Katulad ko, isa sa mga tangang ibinigay ang lahat, iniwan a...