Chapter 20
Wessley’s POV
“Where’s Wendy?’’
Kinalabit ako ni Richelle suot suot ang kanyang nagtatanong na tingin. Ipinagkibit balikat ko nalang iyon at ibinalik ang tingin ko sa bintana.
Nakakainis. Sobrang nakakainis.
Bakit kailangan niya pang puntahan ang gagong iyon para kausapin? Para ano? Para utuin siya at bolahin ng sweet words para bumalik si Wendy sa kanya?
That son of a bitch! Hinding hindi ako papayag na muli niyang saktan si Wendy!
“Mr. Valderama, are you with us?!”
Nilingon ko ang teacher ko na nakataas ang isang kilay sa akin habang nakaturo yung index finger niya sa white board.
“Yes mam.”
Muling bumalik ang paningin ko sa bintana habang nakabusangot. Tumingin ako sa relos ko at napailing ako ng mapagtantong may isang oras pa kaming natitira.
Ano na kayang nangyayari sa pag-uusap nila? Shit! Napaparanoid ako!
Marahas akong tumayo mula sa upuan ko at naagaw ko lahat ng atensyon ng tao sa room. Nagmartsa ako palabas ng sumisigaw ang teacher ko at wala akong pakealam.
Darn, hindi na ko maghihintay pa ng isang oras ulit dahil hindi na ako makapapayag pa na bolahin na naman ng sira ulong yun ang utak ni Wendy.
Wendy’s POV
Shocks! What is he doing?
Nanatili siya sa ganong ayos habang nakatingin na sa amin ang lahat. Lumapit ako at lumevel sa nakaluhod niyang tuhod.
“Stop this Jervin. Stand up. We are making a scene.” Kalmado kong sabi
Ibinalandra niya sa akin ang mga mata niyang punong puno ng labis na emosyon. Panghihinayang, pagsusumamo at pagsisisi ang tanging nabasa ko mula roon. Lumihis ako ng tingin sa ibang direksyon dahil hindi ko na kaya pang basahin ang mga mata niya. Ayoko na.
Sabay kaming tumayo mula sa pagkakaluhod niya at mabilis niya akong niyakap. Hinayaan ko lang siya. Gusto ko din malaman sa sarili ko, kung meron pa talaga.
Pagkatapos niya akong yakapin, hinila niya na ako paupo sa table namin. Bumalik na rin ang mga tao sa kani-kanilang gawain. Ipinaghila ako ni Jervin ng upuan bago siya umupo.
I remember this scene…Yun nap ala yung last date naming as a couple dahil malalaman ko na rin pala ang pang gagago niya sakin.
“Talk and explain now. My time is limited, I just want a formal closure.” Malamig pa sa yelo ng Antartica kong sabi
Ngumiti siya ng malungkot at muling nalalaglag sa kanang pisngi niya ang isang luha. Shit! Hindi ko akalain na siya pa ang lubos na maaapektuhan sa break up naming dalawa. Nakikita kong sobra siyang nasasaktan at nahihirapan. Bakit?
Dali-dali niyang pinunasan ang tumulong luha niya at humarap sa akin ng may malungkot na ngiti.
“S-Sorry. I know I look so damn idiot to show you how weak I am when I was the one who made us to this. B-But…hindi ko kasi mapigilan eh. Tangina Wendy! Ang sakit eh, ang sakit sakit sa dibdib kong makita na wala na tayo. Oo, gago ako. Ang gago ko para lokohin at saktan ka. Wendy, mahal na mahal kita, walang halong panloloko. Lahat ng sinabi ko sa yo totoo yun.”
Huminto siya sa pagsasalita at huminga ng malalim. Nararamdaman ko na din ang mga nagbabadya kong luha na lumabas. Bakit kailangan niya pang sabihin sa kin na mahal niya ko ng sobra? Eh malinawag pa sa sikat ng araw na may ugnayan sila ni Sandy.
BINABASA MO ANG
My "Little" Sweet Revenge...(On-Going)
Teen FictionMinsan akala natin "siya" na yung the right one para sayo. Dahil sa sobrang pagmamahal mo sa kanya, nagagawa nating ibigay ang lahat. But then, in the end, masasaktan ka lang lagi sa huli. Katulad ko, isa sa mga tangang ibinigay ang lahat, iniwan a...