*TRENTA'Y QUATRO*

124 5 1
                                    

Chapter 34

Wendy’s POV

                      “Anong akala mo sa boyfriend ko? Laruan na basta basta pinamimigay? Back off bitch and watch out your dirty words!”

                        Dinuro ko siya sa mukha niya. Umingay ang paligid. Maraming nag asaran at nagkampihan pa talaga between me and this bitch side. Nag cross arms siya sa akin at tumaas ang kanyang kanang kilay.

                         Nakaharap kami sa isat-isa ni Charissa habang maingay na nag kakantyawan ang mga tao sa paligid. Naramdaman ko ang paghawak ng mariin sa akin ni Wessley sa braso ko mula sa likuran ko.

                          “Stop it Wendy. Let’s talk in private.” Bulong niya sa kanang tenga ko

                           Ramdam na ramdam ko ang determinasyon at pinalidad sa boses niya. Papalag sana ako at babaliwalain ang sinabi niya pero hinatak na ako ni Wessley palabas sa caf. Nag ingay ang mga tao. Mga dismayado kasi walang gulo na nangyari.

                              “Bitin naman!”

                             “Sayang walang nangyaring catfight!”

                             Nag roll eyes nalang ako sa mga narinig kong bulungan habang binabagtas namin nitong lalaking to ang daaan palabas sa cafeteria. Hindi parin humuhupa ang galit ko sa lalaking to.

                              Paglabas namin, sinalubong kami ng limang kababaihan na may ngisi sa mukha nila. Napahinto kami sa paglalakad ni Wessley lalo’t nakaharang sila sa daraanan namin. Nakahawak padin si Wessley sa kamay ko kaya tinanggal ko iyon. Tumitig ako sa babaeng nasa harap namin ni Wessley. Si Cezz.

                                “Tapos na ang palabas? Ang bilis naman!”

                                  Nilingon ko si Orianna ng masamang tingin. Napapalatak pa siya sa inis habang binalingan si Jade na may hawak na popcorn.

                                    “Sayang naman! Bumili pa naman ako ng pop corn. Si Laarnie kasi eh! Ang tagal kumilos! Di tuloy naabutan ang magandang palabas! Leche!” inis na inis si Jade tapos tinapon na lang niya yung popcorn sa tabi

                                       Tinignan ko si Wessley at gayon nalang ang gulat ko ng makita ang namumula niyang mukha. Masama din ang tingin niya sa limang babae na nakaharang sa daan namin. Ngayon ko lang siya nakitang mainis ng ganito. Kilala si Wessley bilang may mahabang pasensya. Pero ngayon, mukhang ubos na ubos na ang pasensya niya.

                                      “Huwag na huwag mong gagawing libangan ang pag-away namin ng girlfriend ko dahil nakakainsulto na kayo!”

                                      Nanlaki ang mata ko sa pagsigaw ni Wessley sa kanila. Namutla din ang mukha nilang lima lalo na si Cezz. Dinuro ni Wessley si Orianna sa mukha. Kitang kita ko ang galit na mukha ni Wessley sa kanila.

                                       “Akala niyo ba hindi ko alam ang lahat ng pananakit na ginawa niyo kay Wendy?! Nagpipigil lang ako dahil mataas ang respeto ko sa mga babae. Pero ngayong harap-harapan niyong irapan at tignan ng masama ang girlfriend ko, hindi ko na kaya pang manahimik nalang!”

My "Little" Sweet Revenge...(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon