*BENTE UNO*

178 6 0
                                    

Chapter 21

Wendy’s POV

“And suddenly you’re all I need the reason why I smile!.”

Napa head bang pa ako sa pagtatapos ng kanta ni Avril Lavigne na “Smile’’. I feel so lighted today. Parang alive na alive lahat ng cells ko sa aking katawan and I don’t know why. Siguro, epekto ng chocolate drink ni mommy kanina. Haha!

Pinatay ko na ang stereo sa loob ng sasakyan ko at maingat na nagpark ng aking sasakyan. Alam niyo, pangatlong lingo ko na ngayon dito sa St. Peter. Kung noon naiinis akong pumasok dito, ngayon naman ay halos hilahin ko na ang oras lagi para makapasok lang ulit. Ewan ko ba. Sa ngayon, ganadong ganado ako pumasok ng school.

Pagbaba ko ng sasakyan, sinalubong ako ng mga ngiti ng school mate ko. I got used to it.

“Good morning Wendy!” bati sakin ng mga taong nadadaanan ko

Gayon din naman ako sa kanila. Minsan nga, naiilang na ko sa atensyon na binibigay nila sa akin. Ang isa pang ikinahihiya ko ay nung napabilang ako sa “Most Popular Teen” dito sa school nila. Like my gosh, hindi naman talaga ito ang Alma Mater ko.

Half way nako sa room naming ng salubungin ako ng mga taong matagal tagal ko nang hindi nakikita. Nakangisi silang lima sa akin. Poisonous Rose Girls are blocking my way.

“Long time no see, super girl.” Sarkastikong bati sa kin ni Kerrine

Hindi ako  tumugon sa sinabi niya at balak na sanang lagpasan na lamang sila ng biglang hatakin ni Orianna ang braso ko paharap muli sa kanila.

“Bastos ka ah! Kinakausap kapa tinatalikuran mo na kami!” sigaw niya

Bored ko siyang tinignan at halos lumuwa na ang mga mata niya sa pang gagalaiti sa akin. Nakita ko sa side vision ko na umamba sa akin si Laarnie kaya yumuko ako.

“Aray! Tangina Laarnie, hindi ako si Wendy!” tili ni Orianna

Imbes kasi na sa akin lumanding ang sampal ni Laarnie, sa mukha ni Orianna ito naglanding. Dahil sa lakas, bumakat ang limang daliri ni Laarnie dito na sobrang pula. Hindi ko napagilang mapangisi.

“Kapal ng mukha mo ah! Ngisi ka pa dyan?!” sigaw ni Jade

Nagkibit nalang ako ng balikat at marahas akong kumawala mula sa pagkakahawak ni Orianna sa akin.Tumingin ako kay Cess na tahimik na nakatitig sa akin.

“What? Wala kang gagawin sa akin?” nanghahamon kong tanong kay Cess

Nag smirk siya sabay lapit sa akin. Ngayon, isang dipa nalang ang layo namin sa isat isa. Diresto kaming nakatingin sa mga mata ng bawat isa. Nababasa ko sa kanyang mga mata ang galit sa akin.

“You don’t belong here, bitch. I know what had just happened to you. We are not over, akin lang si Wessley. Don’t you dare get him from me because he is mine.” Dirediresto niyang sabi sakin

Bawat salitang kanyang pinakawalan ay may diin at kahulugan. Impit akong napangiti.

“You don’t own him , desperate bitch!” sabi ko

Nanlaki ang kanyang mga mata at itinaas ang kanyang kanang kamay para ako ay sampalin. Ngunit bago pa man iyon bumagsak sa aking pisngi, maagap kong nahawakan ang kamay niya na nanginginig sa galit.

“Ano? Sasampalin mo na naman ako? Tsk, isip isip din ng ibang paraan Cess. You will not win over me with that style. Ayaw ni Wessley ng mga spoiled brat bitch! Keep that in your mind.” Sabi ko sabay bitiw ng kamay niya

Tumakbo ako palayo sa kanila bago pa man nila ako kuyugin ulit. Hindi sa naduduwag ako kaya ako tumakbo. Ayaw ko na ng away, nakakapagod at nakakasawa. Tapos magkakapasa na naman ako? Nah. Wag na.

My "Little" Sweet Revenge...(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon