*TRENTA'Y SINGKO*

97 3 1
                                    

Wendy’s POV

Kinabukasan, maaga akong nagising. I bet at around 6 am, gising na gising na ako. Naghilamos muna ako at nagmumog. I face myself in the mirror and smiled weakly.

“Come on Wendy! You can do it!” pag chi-cheer ko sa sarili ko

Dumiretso ako dito sa kusina at naabutan ko si mommy na naghahanda ng almusal. Kinuha ko mula sa kanya ang isang plato ng bacon na kakatapos niya lang lutuin.

 

 

“Good morning princess, aga mo yata nagising?” tanong niya sa akin habang nagsasangag siya ng kanin

                      

Pagtapos kong ilapag sa mesa ang plato na naglalaman ng pritong bacon, humila ako ng isang upuan at naupo. Nakapangalumbaba ako at nakatingin sa kawalan.

 

 

  “La lang.” walang maisagot kong sagot sa tanong ni mommy

                          

  Sa sobrang pagkawala ko sa aking sarili, hindi ko napansin ang paglapit niya kung kayat nagulat nalang ako ng may tumapik sa likod ko. Si mommy habang dala ang sinangag na kanin.

 

 

 

 “May problema ba?” nag aalala niyang tanong

                     

 Hindi ko sinasadyang hindi pansinin si mommy pero kasi masyadong naagaw ng atensyon ko ang garlic fried rice na gawa niya. Bigla tuloy kumalam ang sikmura ko at naglaway.

 

                   

 “Sige na, una kanang kumain. Tawagin ko lang daddy mo sa taas at kakain narin kami.” Nakangiting sabi sakin ni mommy

                      

Agad-agad akong sumunod sa sinabi ni mommy at inumpisahang kumain. Nasa kalagitnaan na ako ng pagkain ko pero hindi parin nakakabalik si mommy mula sa pagkakatawag kay dad. Ugh! Maybe nag cucuddle na naman ang tanders sa kwarto nila.

My "Little" Sweet Revenge...(On-Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon