Chapter 32
Wendy’s POV
Pagkatapos akong maihatid ni Wessley sa bahay,nakatanggap ako ng isang text message sa taong hindi ko inaasahan. Si Jervin.
Jervin: Hi, kamusta? :)
Hindi ko nalang muna iyon pinansin at pagkain nalang muna ang inatupag ko. Pagkatapos kong kumain, dumiretso na ako sa kwarto ko para makapagpalit ng damit at makapagpahinga.
Paghiga ko sa kama, muling tumunog ang cellphone ko. Akala ko nga si Wessley eh, napasimangot ako ng hindi siya ang nagtext.
Jervin: Hi, kamusta? :)
Itinirik ko ang mata ko at tamad na nagtype para mareplayan siya. Kainis, ewan ko kung bakit ako naiinis.
Ako: Ok lang.
Muli akong nag compose ng message at isinend naman iyon kay Wessley. Siguro baka tulog na iyon, pagod marahil. Inilagay ko na ang cellphone ko sa bed side table at nahiga na ng tuluyan.
Naiisip ko parin yung kalokohang ginawa ko kanina kay Charissa, natatawa na naman ako! Hahaha! Akala niya huh? Hindi ako katulad ng iba na basta basta nagpapaapi. Matapang kaya ako!
Napaigtad ako ng marinig ang tunog ng cellphone ko. Nagmamadali akong bumangon para kunin ito pero gayon nalang ang pagkadismaya ko ng hindi parin ang inaasahan ko ang nag text.
Jervin: That’s nice. Galit ka parin ba sakin?
Ngumisi ako sa tanong niya sa akin. Galit pa nga ba ako? Sabagay, last time na nagkausap kasi kami, hindi kami nagkaroon ng maayos na closure. Kaya siguro akala niya galit padin ako.
But seriously, wala na akong galit na nararamdaman pa sa kanya. All is well na ang lahat ngayon. Tanggap na tanggap ko na ng maluwag sa dibdib ko ang lahat ng nangyari sa amin noon ni Jervin. No hard feelings.
Ako: Why are you asking?
Dahil naging malapit din naman kami at may naging past naman kami ni Jervin, alam ko na magrereply parin siya sa txt ko. Hindi ko na itinabi pa ang cellphone ko sa bed side table bagkus nahiga ako na katabi ang phone ko.
Jervin: Wala lang. Gusto ko kasi makita ka.
Napabuga ako ng hangin sa nabasa kong text sa kanya. Napailing ako. Hindi niya pa kaya nababalitaan? Parang imposible naman.
Ako: You don’t know? I’m sorry I can’t come, boyfriend will be jealous.
Hindi ko na hinintay pa ang reply niya at tuluyan na akong naghikab. Ipinatong ko ng mula sa bedside table ang phone ko at natulog na.
---
Pagpasok ko kinabukas, este namin pala dahil kasabay ko na ulit si Wessley sa pagpunta sa school, may in-announce agad yung teacher namin sa first class.
BINABASA MO ANG
My "Little" Sweet Revenge...(On-Going)
Teen FictionMinsan akala natin "siya" na yung the right one para sayo. Dahil sa sobrang pagmamahal mo sa kanya, nagagawa nating ibigay ang lahat. But then, in the end, masasaktan ka lang lagi sa huli. Katulad ko, isa sa mga tangang ibinigay ang lahat, iniwan a...