Kabanata 1

3.1K 70 6
                                    

Cool at walang kahirap-hirap kong binaril ang mga tauhan ni Mr. Chui na humarang sa dadaanan ko.

Tss.Paharang-harang pa kasi sila eh.Hindi ba nila alam na ayoko ng istorbo atsaka yung pinipigilan ako sa pagdaan ko?Kaya dapat lang sa kanila yan.

"Stop there,Miss." may narinig akong nagsalita sa likudan ko.

Hhmmmm.Mukhang kilala ko na kung sino to ah.

Dahan-dahan pa kong humarap sa kanya para mas maganda ang effect.Humangin nga din ng malakas kaya naglipadan yung buhok ko.Gosh!Feeling ko tuloy nasa isang action movie ako.Sabagay,nakikipaglaban naman talaga ako ngayon.

Parang natulala naman sya sakin.Siguro nagandahan sakin?Well,di ko naman sya masisisi.Bukod sa ayun naman talaga ang plano ko ay dyosa naman talaga ako.

"Hi there Mr. Lexter." ngumiti pa ko sa kanya.Yung ngiting nang-aakit.

"Ba-bakit mo ko kilala?" nakatulala nyang sabi sakin.

Tss,nagfifeeling naman ata sya.Kilala ko sya dahil ampon sya si Mr. Chui at syempre dahil isa akong secret agent at dahil sila ang target ko,eh malamang na makikilala ko talaga sya.Duh.

"Paanong hindi kita makikilala e sikat ka?" lumapit pa ko ng konti sa kanya. "They are right.Ang gwapo mo nga talaga."

Inisang hakbang ko ang pagitan namin atsaka ko sya hinawakan sa mukha.

Dahan-dahan kong inilapit yung mukha ko sa kanya.At ang loko!Pumikit pa!

BENGGGGGG!

Ngumisi ako nang makitang nakahiga na sya ngayon at naliligo sa sariling dugo.

Ito talaga ang plano ko sa mga tulad nyang madaling mauto.Iseseduce ko lang ng konti at walang kahirap-hirap tsaka sila papatayin.

Pasalamat pa nga sya at tinagalan ko pa ng konti yung buhay nya no.

Pati yung gwapo gwapo thing?Pwe!Hindi totoo no.Ang panget nya kaya.

Parang model lang akong naglakad sa loob ng mansyon nila.

Nasaan na ba ang matandang yon?

Mukhang alam nya na ang nangyayari.Siguro nagtago na yung gurang na yon.Napakaduwag!

Umakyat na ko sa second floor at hinanap si tanda.

"He's in the fourth room,sa kanan."

Napairap ako nang marinig na naman yung boses nya.

Yung boss ko kasi eh!Sinasabing ayoko ng may partner,todo pilit pa din.Akala naman nya hindi ko kayang mag-isa.Tss!Eh kayang kaya ko ngang talunin tong mga to kahit nakapikit pa eh.

Sinunod ko na lang yung sinabi ni bakulaw.Nasa labas sya at nagkakausap lang kami gamit ang ear piece namin.Sya yung taga bantay para kapag may dumating ay mawawarningan nya ako kaagad.Grabe lang,lakas makaaso.

Kung aso nga sya,siguro sya na yung pinakagwapo.

Hindi ko naman matatanggi na sobrang gwapo nya at naattract ako sa kanya pero hanggang dun lang yun no.

"Hey there.Are you ready na ba?" tumawa pa ko ng nakakaasar kay Mr. Chui.Mukha namang natakot sya.What a coward!

"Ano bang kailangan mo?Pera?Oh iyo na!" tapos hinagisan nya pa ko ng bundle bundle na pera.Mas lalo ko tuloy syang gustong patayin.Hello?Tumama lang naman sa mukha ko yung pinaghahagis nya.

"Thanks but no thanks." lumakad ako papasok. "Isa lang naman ang gusto ko eh.At yun ay ang mamatay ka." tinutok ko sa ulo nya yung baril at mabilis na pinutok iyon.

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon