1895?!
A-anong?Bakit?!
"Waaaaahh!No!!Maybe I'm just hallucinating or imagining.Hindi dapat ako nandito,sa taong 1996 dapat ako napunta." halos naghehysterical kong sabi na may pagpapadyak pa.
Taong 1996 ako pinanganak kaya dapat doon ako napunta.Ayun ang inisip ko kanina pagkapasok ko sa secret door.Gusto kong malaman kung ano ang rason nila sa pang-iiwan nila sakin.But why am I here?
Pati I didn't know that I am deserving.Hindi ba dapat yung mga may busilak lang na puso ang makakakita ng secret door?Ganon kasi dun sa iba kong nababasa.
"Iha!Huminahon ka.Ano ba ang sinasabi mo dyan?Kailangan mo munang magamot."
What the hell?Anong bang nangyari?Baka naman sira yang secret door na yan kaya dito ako napunta?!Ano ba naman yan?Kung alam ko lang sana edi sana hindi na ko pumasok sa loob ng mahiwagang pintong yun.Ugh!
"Bernardo!Tulungan mo ako dito!" sigaw pa nya.
"Inay!Ano pong nangyari?" may biglang sumulpot na matangkad na lalaki.Hindi sya ganon kaputian pero may itsura sya.
"Mayroon syang tama sa balikat.Magmadali ka at buhatin mo ang dalagang ito!"
Parang sa una ay naiilang pa yung lalaki pero binuhat nya din naman ako.
Ano bang akala nila?Hello?Sa balikat kaya ako tinamaan,hindi sa paa so kaya kong maglakad.
Pumasok kami sa isang kubo tapos inihiga nila ko sa isang kahoy na sofa.Ang sakit nga sa likod eh!Wala ba silang malambot na couch?
Mga ilang minuto lang ay lumapit sakin yung matandang babae.May hawak syang lalagyan na maitim.
Baka mamaya kung ano yun.Baka lason o kaya naman gayuma.
"Wait a minute.Ano po yang hawak nyo?Anong tawag dyan?" tinuro ka pa yung hawak nya.
Kumunot ang noo nya sakin.
"Hindi ko naintindihan ang una mong sinabi ngunit palayok to iha.May laman itong katas ng halamang gamot nailalagay natin dyan sa sugat mo."
Palayok?Palayok pala yun?Hindi ba't ayun yung ginagamit sa mga birthday party?Yung sa pukpok palayok?Hindi ko alam na lutuan pala yun noon.Samantalang sa panahon ko ay binabalewala na lamang yon at binabasag na lamang basta.
Natandaan ko tuloy yung bago pa lamang ako bilang isang secret agent.Noong unang mission ko'y ginamit ko ang palayok para patulugin yung isa kong kalaban.Simple lang,pinukpok ko yon ng malakas sa ulo nya kaya nakatulog sya.
"Aray ko!" sigaw ko ng makaramdam ng kirot,hapdi,sakit at kung ano pa bang term para don.
"Kailangan mong magtiis iha.Para din ito sa ikabubuti mo."
Napatingin ako dun sa ginagawa nya.Gamit ng isang balisong ay tinatanggal nya yung bala ko sa isang balikat.
It hurts!
Napakagat labi na lang ako nung tanggalin nya sa balikat yung bala.
"Wala po ba ditong hospital?Wala ba kayong medical tools dito sa inyo para gamutin ako?Bakit yan pa ang ginamit nyo?"
Napangiwi ako ng ibuhos nya yung laman ng palayok sa sugat ko.
"Hospital?Tuls?" takang tanong nung matandang babae.
Nakalimutan kong sa panahong ito ay bilang lang ang mga Pilipinong nakakaintindi at nagsasalita ng Ingles.
"Ang ibig ko pong sabihin ay wala po ba ditong pagamutan atsaka yung mga gamit po talaga para sa panggamot?"
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionShe's Meisha Buenavista. Isang sadista,mataray,may pagkamasama ang ugali,independent,hindi marunong magmahal at higit sa lahat ay isang secret agent. But what if may matuklasan syang isang secret door?Isang mahiwagang pinto na kung saan pwede kang i...