Nakangiti ako habang sinusuot sa sarili ang kwintas na gawa sa santan na bigay ni Alejo. Inayos ko rin ang buhok ko at pinagpag ang suot ko bago lumabas ng kwarto.
Hapon na at ngayon na kami pupunta ni Alejo sa plaza. Tinapos ko na rin ang mga gawain ko para naman hindi nakakahiya kina Aling Indang at kay Alejo.
Umupo ako sa sofa, wala pa kasi siya eh. Siguro nasa kwarto niya, nagpapagwapo hihi.
For the nth time, I smiled again when I remembered what happened earlier.
Even though this necklace he gave is not as expensive and as beautiful as the necklace he gave to Adonia, I'm still happy and contented with it.
Nag-effort kasi siya dito kaya mas naappreciate ko ang kwintas na 'to. Pati nakakakilig kaya, ang thoughtful niya.
May narinig akong tumikhim kaya napatingin ako sa may bandang kanan kung saan nakita ko si Alejo na nakatayo at nakatingin sa'kin.
"K-kanina ka pa ba diyan?" tanong niya. I nodded. "Pasensya ka na, meron lamang akong inasikaso saglit."
"Ayos lang yon." Napaiwas ako ng tingin sa kaniya.
Simula talaga nang malaman ko na gusto ko siya, hindi ko na kayang makipag eye-to-eye contact sa kaniya. Naiilang ako at hindi makatingin sa kaniya ng diretso. Kapag din nasa paligid siya, hindi ako mapakali. Hindi ko malaman kung anong gagawin ko, kung kikilos ba 'ko o hindi. Kapag naman kumilos ako o may ginagawa, nacoconscious ako. Ganito ba talaga yon?
"Tara na?" He smiled at me. Tumango naman ako sa kaniya nang nakangiti din.
Sabay kaming naglakad palabas. Sumakay na din kami sa kalesa niya.
Oh my gosh!
Mukha talaga kaming magdadate. Naeexcite tuloy ako sa mga gagawin at pupuntahan namin.
Nakatingin lang ako sa labas habang nililipad ng hangin ang buhok ko nang mapansin na may nakatingin sa'kin.
At sino pa ba?
Napalunok ako nang magtama ang mga tingin namin.
Iba talaga ang epekto niya sa'kin. Pero sana mawala yung ilang, gusto kong maging komportable kami sa isa't-isa.
Naiisip ko tuloy kung naiilang din ba siya sa'kin? O ako lang ang nakakaramdam ng ganon?
"Suot mo pala iyan." He said then he flashed his smile again at me. Nakatingin siya sa santan na kwintas na nasa leeg ko.
"Oo, sadyang n-nagagandahan lang talaga ako dito." Nakita ko naman ang mas paglawak ng ngiti niya. "Salamat uli dito. Aalagaan at itatago ko ito habang buhay."
Natawa naman siya sa sinabi ko.
"Paano kapag natuyo at nalanta na?"
"Ayos lang, itatago ko parin ito." Nakagiti akong tumingin uli sa labas.
Kahit mabulok o masira man ito, iingatan at itatago ko parin to. Mahalaga sa'kin si Alejo kaya mahalaga rin ito sa'kin. Kung para sa iba, maliit na bagay lang to, sa'kin malaki ang halaga nito.
Katulad ng napag-usapan, sa plaza kami bumaba ni Alejo. Medyo nagulat pa 'ko nang sa simbahan kami dumeretso. May misa ba ngayong Martes?
As we entered, humanap kami kaagad ng pwesto atsaka doon umupo. Pinanood ko lang siya habang tahimik na nakapikit.
Inadmire ko muna ang face features niya bago nagfocus at humarap narin sa unahan.
I closed my eyes and prayed.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionShe's Meisha Buenavista. Isang sadista,mataray,may pagkamasama ang ugali,independent,hindi marunong magmahal at higit sa lahat ay isang secret agent. But what if may matuklasan syang isang secret door?Isang mahiwagang pinto na kung saan pwede kang i...