Halos mapuyat ako kakaisip sa nakita ko kahapon. Ang daming pumapasok sa isip ko like may connection ba yung telang yon sa nakita ko o magkaparehas lang talaga sila? May kinalaman ba yung telang yon sa pagkakasaksak kay Señor Alejo o nagkataon lang na nandon lang talaga yon?
Kahit ayokong isipin, pilit paring tumatakbo sa isip ko na baka may kinalaman si Bernardo sa nangyari.
Pero sana hindi...
At kung oo man, bakit niya naman yon gagawin? Halata namang mabait sa kaniya si Alejo, mabait din naman siya. Kaya bakit?
At isa pa, nasa loob ng bahay namin si Bernardo non, hindi niya naman ata magagawa agad yung ganon. O may kasagpi pa siya?
Arghhh!
I don't know what to think anymore!
I shrugged.
Hindi muna ako dapat mag-isip ng kung ano-ano. Dapat maging sure muna ako. Ayoko munang magconclude, katulad noon.
Siguro mag-iimbestiga ako o di kaya'y kokomprontahin ko siya. Tama, tama.
Nagfocus ako sa pagplaplantsa ng damit ni Señor Alejo. Mahirap na, baka masunog na naman. Winisikan ko iyon ng tubig saka muling pinalansta. Idinamay ko na rin yung panyo ni Isa, nilabhan ko na rin kasi yon kahapon kaya ibabalik ko na sa kaniya.
Inayos ko ang pagkakatiklop ng damit ni Alejo atsaka iyon inamoy-amoy.
Ang bango talaga! Parang binabad sa bulaklak ng magdamag eh! Pero mas mabango parin ako ha.
Dahan-dahan kong binuksan yung pintuan ng kwarto ni Señor Alejo at sinilip siya ng kaunti don. Nakita ko siyang seryoso na tinitignan ang isang papel na nakapatong sa lamesa niya.
I bit my lower lip to stop myself from smiling. Tumingin din ako sa ibang direksyon.
Bakit ang gwapo kahit seryoso? Sana ako na lang yung papel.
Napataklob ako sa bibig para pigilan ang pagtawa dahil sa naisip.
Hindi ko alam na may ganto pala akong kaharutan sa katawan.
I cleared my throat and was about to knock on the door when I saw him staring at me, wondering.
Nanlaki ang mga mata ko at daliang tumindig ng ayos.
Okay, relax Meisha. Chill ka lang, kunwari wala lang lahat. Parang normal lang, okay?
"Hnmm he-hello?" nagwave pa ko ng kamay. Mas lalo naman siyang napakunot noo. Napasapo ako sa noo, wrong move Meisha! "Ay, magandang umaga po pala. Ito na ho ang inyong damit."
Pumasok ako sa loob, itinuro niya naman yung kaniyang kama kaya doon ko yon nilagay.
"Magandang umaga rin." Tipid siyang ngumiti at muling tumingin don sa papel. "Ano nga pala ang iyong ginagawa kanina? Bakit nakatakip ang iyong kamay sa iyong bibig?"
Oh my gosh!
"Nakita ko po kasi kayong seryoso sa ginagawa. Ayoko lang pong makagawa ng anumang ingay na makakaabala sa inyo." Whooo. Hindi ko naman pwedeng sabihin na natatawa ako dahil sa naisip ko. Napa ahh naman siya at tango-tango.
Aalis na ba ko? Pero ayoko pang umalis. Hindi ko siya ganon kadalas makita, kaya parang gusto ko pang magtagal dito.
My ghad Meisha!
"May gusto pa po ba kayong ipagawa? Maglinis ng kwarto niyo? Magpunas? Ayusin ang inyong kama?" Nakinig ko ang mahina niyang pagtawa.
Parang musika yon sa tainga ko.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionShe's Meisha Buenavista. Isang sadista,mataray,may pagkamasama ang ugali,independent,hindi marunong magmahal at higit sa lahat ay isang secret agent. But what if may matuklasan syang isang secret door?Isang mahiwagang pinto na kung saan pwede kang i...