Kabanata 11

712 34 5
                                    

I walked back and fourth in our room. I felt bothered and uneasy because of what happened yesterday.

Ang mga ngiti niya!

Bakit hindi ko malimutan?!

Lalo na yung kahapon nang ibigay niya sakin yung regalo niya.

Thoughts were already formed inside my head. And I'm not that stupid to not know what will be the outcome of this. At hindi ko dapat hayaan ang sarili ko na tuluyang mangyari yon.

Umupo ako sa may gilid ng kama atsaka tinignan uli yung bigay niya saking pluma.

Natandaan ko tuloy kahapon nung ibigay niya to sakin. Kinuha ko lang yon tapos sinabi ko na naiihi nako sabay alis. Parang ang epic ng reaction ko! Baka kung ano ang isipin niya!

Paano niya pala kaya nalaman na birthday ko kahapon? Hindi kaya? Isa siyang stalker?

Kinuha ko uli ang box na lalagyan ng pluma at itinago iyon.

Hindi ako dapat mahulog o magkacrush man lang sa kaniya dahil alam kong kami lang din ang masasaktan sa uli. At isa pa, ayoko! Hindi ko matanggap! Ang plano ay siya ang papafall ko sakin. Bakit nabaligtad ang sitwasyon? Is this my karma?

Arghhh!

Gagawin ko ang lahat, kailangan kong pigilan ang sarili ko. Hindi dapat yun mangyari! Ayoko!

Huminga ako ng malalim bago dahan-dahang lumabas ng kwarto. Sinilip ko muna kung nasa labas si Alejo bago tuluyang lumabas.

As much as I can, dapat ko siyang iwasan. Ayun lang ang way na naiisip ko para hindi pako tuluyang magkagusto sa kaniya.

Nakakakilabot talaga pag binabanggit ko yung gusto eh.

"Girl!!" halos mapatalon ako sa biglang pagsulpot ni Isa sa harapan ko. Mukhang natataranta siya. "Kailangan nating maghanda ng maraming pagkain! Dadating ang mga magulang ni Señor Alejo!"

Mga magulang?

Oo nga pala, hindi ko pa nakikita yung parents niya. Hindi rin naman ako nagtataka, malay ko ba kung wala na sila or independent lang talaga tong si Alejo.

"Ako na dito." kumuha ako ng kutsilyo atsaka sinimulan ang paghihiwa ng mga gulay.

Habang inaantay na kumulo ang niluluto, napag-isipan ko na ring hugasan yung mga nakatambak na hugasin sa lababo.

"Ang sipag natin ah!" pang-aasar ni Isa na inirapan ko lang.

Hindi ako nagsisipag ngayon dahil sa parents ni Alejo, gusto ko lang talagang maging busy para madivert yung atensyon ko. Ayoko na kasing isipin pa yung pinag-iisip ko kanina. Arghhh! Kakasakit sa bangs!

Pagkatapos magluto ay pumunta narin ako sa sala para paltan yung mga kurtina. Masyado yung mataas kaya kumuha ako ng bangko para tumungtong don. Kaso nahihirapan akong kumilos at tumungtong don dahil ang haba ng suot ko! Nakakahassle kaya itinali ko yon hanggang tuhod.

Akmang pababa na ko nang makarinig ako ng parang umuubo ubo. Napatingin ako sa pinanggagalingan non at napaayos ng tayo. Mabilis ko ring tinanggal ang pagkakatali ng palda.

Nakita ko ang pagkailang niya. Ni hindi siya makatingin sakin. Nakita niya siguro ang binti ko.

Pero bakit ganito ka Meisha?

Parang automatic kanina na tinanggal ko yung palda! Parang nahihiya ako na ewan! Hindi ba dapat pinanlandakan ko pa sa kaniya? Bakit tiklop ako ngayon?!

Kainis!

Nagpatay malisya na lang ako atsaka nagkunwaring inaayos yung mga unan sa sofa.

Umalis kana please lang.

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon