Kabanata 25

697 21 10
                                    

I was still shocked when I heard gunshots. Agad akong napatingin sa paligid, inaabsorb ko pa ang nangyayari nang maalala na nasa gitna nga pala ako ng pakikipaglaban noon nang pumasok ako sa secret door.

Ibig sabihin, nagstop ang panahon ko nang mapunta ako sa taong 1895? At ngayong nakabalik na 'ko, nagresume na uli?

Tumakbo akong muli, natingin tingin din ako sa likod at hinahanap ang mga kalaban.

Shocks!

Masyadong occupied ang utak ko ngayon kaya hindi ako makapag-isip ng matino.

Nakatingin parin ako sa likod nang may mabangga akong isang bulto ng tao. Napakurap-kurap pa 'ko nang makita si Blaze na masungit lang na nakatingin sa'kin.

Oh my gosh!

Hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya. Maluha-luha na rin ako pero pinigilan ko lang ang sarili kong maiyak.

"Namiss kita!" Sabi ko pa sa kaniya dahilan nang pagkatigil niya.

"What...." Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kaniya at kitang-kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. "What are you saying?"

Okay, naalala ko bigla na wala nga pala siyang alam sa mga nangyari sa'kin. Baka iniisip niya na ngayon na baliw ako!

"Anong ginagawa mo rito? Ako lang ang pinadala sa misyon na to ah?" Pagpapalit ko ng topic.

"Pinasunod kami nina Tin ni boss as your back up. Alam naming ayaw mo ng mga back up but you can't do this alone." Kunot noong aniya.

Parang nagulat uli siya nang ngumiti ako sa kaniya.

"Mabuti naman at pinasunod niya kayo. Mukhang hindi ko nga sila kaya nang wala kayo." Tinaasan niya ko ng kilay sa sinabi ko.

"Weird." bulong niya pa.

Wait, may sinabi ba 'kong mali?

Hmmmm.

Then a realization hits me.

Hindi niya pa alam na nagbago na 'ko. Hindi na ako yung dating Meisha. Oo, may pagkayabang parin akong taglay pero alam ko na ngayon kung pano yon ilugar.

"C'mon! We need to hurry and hide. Papalapit na sila." Nakatingin si Blaze sa isang device na ginagamit namin sa mga mission namin. Doon nakikita kung may papalapit ba na kalaban sa'min.

Nag-okay lang ako atsaka sumunod sa kaniya. Umakyat kami sa isang puno habang may kausap si Blaze na kasagpi rin namin gamit ang earpiece niya.

Ilang minuto pa ang hinintay namin bago kami makarinig ng mga yabag na papalapit sa pwesto namin.

"Alam kong nasa paligid ka lang, agent M!" sigaw pa ni tanda, yung pinaka boss nila.

Nang sa wakas ay nasa baba na ng puno namin sila, sumenyas sa'kin si Blaze. Tinutok niya ang baril sa baba at ganon din ang ginawa ko.

In just a second, we pulled our gun's trigger at the same time, killing the two enemies. Titingin palang sila sa'min sa taas nang bumaba na kami at pinaputukan uli sila. Dumating rin sina Tin kasama ang iba pang back up kaya napaatras ang mga kalaban. Nakipagpalitan kami ng bala sa kanila pero mas magaling kami kaya napatumba namin silang lahat hanggang sa si tanda na lang ang natira.

He smirked at me.

"Alam ko kung bakit ka iniwan ng nanay mo." Aniya. Medyo nagulat siya nang makitang nginisian ko lang siya pabalik.

"I already know the reason." I said seriously before pointing the gun at him. Mabilis ko yung pinutok sa braso niya kaya napahawak siya don at nabitawan niya ang kaniyang armas. Lumapit ang iba naming kasamahan sa kaniya at pinosasan siya.

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon