Dalawang araw na ang lumipas simula nang matanggap ni Señor Alejo ang sulat galing kay Adonia.
Naalala ko tuloy noong araw na pumunta kami sa bahay nila pero..... wala na siya.
Naabutan naming naiyak ang ibang kasambahay habang tulala si Arsenio.Nakita naming nakahiga sa kama si Adonia sa kaniyang kwarto at walang buhay.
Grabe yung pigil ko na bugbugin si Arsenio non! Nagkukunwari pa siya diyang malungkot at pighati pero siya naman ang may kasalanan ng nangyari.
Hindi ko akalaing may mga ganito rin palang nagaganap noon. Paano nasisikmura ng isang ama na gahasain ang sarili nilang anak?
Sinabi ko kay Señor Alejo na ipakulong ang lalaking yon pero sinabi niyang wala kaming laban. Pwedeng ibasura lang ng korte ang kaso dahil malakas ang kapit ni Arsenio. Kahit na may ibidensya kami, kayang-kaya nila yong lusutan.
Sa totoo lang, sa loob-loob ko, natutuwa ako ng very slight dahil alam kong wala ng hahadlang samin ni Alejo. Pero syempre, nakaramdam parin ako ng awa kay Adonia.
Hindi na rin natuloy ang pag-alis ko dahil sa dalawang araw na lumipas, minsan ko na lang makita si Alejo kaya't hindi namin natutuloy ang pag-uusap namin. Masyado siyang busy dahil sa trabaho. At alam kong nasaktan din siya sa nangyari, lalo na si Efeso na pinuntahan pa ni Alejo para damayan.
"Meisha! Ang iyong niluluto ay kumukulo na. " Nabalik ako sa reyalidad nang marinig ang sigaw sa'kin ni Isa.
Agad kong kinuha ang sayoteng hiniwa ko na kanina at nilahok sa nilulutong Tinola.
"Sa tingin mo ba ay magugustuhan to ni Señor Alejo?" Tanong ko kay Isa na kasalukuyang pinupunasan ang lamesa. Favorite niya kasi to kaya kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya.
"Ang tanong ay kung uuwi ba siya ngayong tanghali?"
Malungkot akong napatingin sa niluluto.
Madalang na din siyang kumain dito ng lunch. Sobrang busy niya. Hindi nga matutuloy ang kasal nila ngunit masyado naman siyang busy.
"Mukhang napakarami niyang proyekto nitong mga araw."
"Baka naman nililibang niya lang ang kaniyang sarili para hindi maalala ang nangyari kay binibining Adonia." Tinanggal ko ang niluluto mula sa kalan na de uling atsaka nagsalok nito sa isang bowl.
Sinabi ko nga rin pala kay Isa ang tungkol sa sulat. Mapagkakatiwalaan naman si Isa kaya alam kong itatago niya ang sinabi ko. Bale kami lang apat ang nakakaalam non.
"Oo nga pala! Natandaan ko noon ang usap-usapan nina inay tungkol kay binibining Adonia. Sa pagkakatanda ko, sabi daw ng iba'y hindi tunay na anak ng Gobernador Heneral si binibining Adonia. May nobyo kasi noon ang asawa ng Gobernador Heneral bago ikasal sa kaniya. H-hindi kaya..... kaya niya naatim na gawin yon ay dahil totoo yon?"
Napaisip ako sa sinabi niya.
"Maaaring totoo ang sinasabi mo o pwede ring sadyang kay sama lang niya talaga. Kahit hindi man siya ang ama ni Adonia, hindi niya dapat ginawa yon." Nailing ako.
Sa ganito talaga ako nagagalit eh, yung pangrarape ng mga lalaki sa mga babae dahil alam nilang kahinaan namin yon. Ang mas nakakainis pa'y sinasaktan pa nila ang ibang nabibiktima nila. Dapat talagang mawala na ang mga ganyong klase ng lalaki katulad ni Arsenio sa mundong ito.
Natapos ang tanghalian na walang dumating na Alejo at oo, nalulungkot ako. Feeling ko tuloy, may hadlang parin sa'min.
Pumunta muna ako sa kwarto para humiga saglit nang may makita akong nakapatong sa kama ko.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionShe's Meisha Buenavista. Isang sadista,mataray,may pagkamasama ang ugali,independent,hindi marunong magmahal at higit sa lahat ay isang secret agent. But what if may matuklasan syang isang secret door?Isang mahiwagang pinto na kung saan pwede kang i...