Kabanata 4

1K 45 19
                                    

Napapikit na lang ako nang tutukan nila ako ng kanilang mga baril.

Nakakainis naman tong mga to!Ayoko ngang mamatay dito at ayoko pang mamatay!I want to have a handsome and sexy husband before I die.

Ilang minuto na ang lumilipas pero wala padin akong nararamdaman na tumatamang bala sa akin.

"Itigil nyo iyan." isang maawtoridad na boses ang narinig ko.

Whoaaa.Ano to savior ko?

Tss.Hindi ko naman kailangan ng magliligtas sakin.I can handle myself.

Unti-unti kong minulat ang aking mga mata.Napakunot noo ako nang makitang nakatungo lahat ng mga gwardiya sibil na kanina lang ay ang tatapang.

Teka,sino yung matandang lalaking may bigote na yon?In fairness,kahit may edad na sya'y mahahalata parin ang kaniyang kagwapuhan.Sayang!Well,hindi naman sya ganon katandaan.Siguro nasa forty plus na sya.

Mas lalo pa kong napakunot nang humakbang sya papalapit sakin with a serious face.

Yung totoo?Ano bang kasalanan ko?Bakit wala akong alam?

"Ikaw ba ang may kagagawan sa nangya—" napatigil sya at nakita kong parang nabigla sya nang tuluyan na syang makalapit sakin.

Anyare?Pati anong kagagawan ko?

"Gusto kong kausapin ka tungkol sa nangyari." seryoso padin nyang sabi pero napapansin ko ang kakaibang titig nya sakin.

Feeling ko tuloy hinihypnotize nya ko.Pati parang hinihigop nya din ako sa mga titig nya.

"Sumama ka sakin.Marami tayong dapat pag-usapan." napadako ang tingin nya sa mga gwardiya sibil. "Alalayan nyo sya." bumaba ang tingin nya sa kamay kong nakahawak sa nadaplisan kong tagiliran.

Naiilang na lumapit sakin yung mga gwardiya sibil.Tinignan ko sila ng masama at inirapan.Napatigil naman si tandang gwapo sa paglalakad nang mapansing hindi ako sumusunod sa kaniya.

Bakit ako susunod at sasama kanya?Hello?He's a stranger no.Baka kung anong gawin nya sakin.Alam nyo naman.Maraming nahuhumaling sakin dahil sa kagandahan ko.

"Marahil ay nagtataka ka."

Buti naman at alam nya.

"Ako si Romulo Federizo,ang Gobernador Heneral.Mukhang ika'y bago lamang dito.At may kailangan tayong pag-usapan tungkol sa pangyayari.Hindi ko basta-basta iyon mapapalampas lalo pa't sa anak ko iyon mo ginawa." sandaling tumalim ang titig nya sakin.

Sya ang Gobernador Heneral?At ano ba ang tinutukoy nya?Naiinis na ko sa kanila ha!Wala naman akong ginagawa sa pagkakaalam ko.

"Meisha!Iha!" napatingin ako kay Aling Felisa na ngayo'y tumatakbo na papalapit sa amin.

Sinunggaban nya ako ng yakap dahilan para mapa-aray ako dahil sa pagkakadanggil nya sa aking sugat.Hello?Tao pa din naman ako,nasasaktan at hindi manhid.

"Jusko!May daplis ka.Hindi pa nga lubusang gumagaling ang iyong sugat kahapon,may panibago na naman." nag-aalala nyang sabi.

Nagulat ako nang sirain nya ang laylayan ng kaniyang saya atsaka iyon itinapal sa aking sugat.

"Pinag-alala mo ko anak."

Anak........

Ngayon na lang ulit may tumawag sa akin ng ganan.

Habang pinagmamasdan ko si Aling Felisa,naiisip ko na sana sya na lang ang tunay kong ina.

"Pasensya na kung aabalahin ko kayo ngunit kailangan nya saming sumama." pagsingit ni Gobernador Heneral.

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon