Kabanata 9

675 35 1
                                    

"Paano uli? Bakit hindi ko makuha?"

For the fifth time, I showed Isa how to walk like a model.

Nakafierce pa ko habang feel na feel ang pagcacatwalk ko. Umikot ikot pa ako sabay flip ng hair.

"Ang ganda mo talaga Meisha!" taas noo ko naman siyang tinignan, nagyayabang. Alam ko naman yon, wag namang ipagkalat please. "Bakit kapag ako gumagawa, ang panget? Parang ang panget tignan."

"Alam mo girl, kumendeng kendeng ka naman kasi. Para kang tuod diyan eh. Seksihan mo pa tas tarayan mo mukha mo para pag nakita ni Señor Efeso, nganga siya."

Alam na ni Isa ang ibig sabihin ng girl, sexy at kung ano ano pa. Nagpumilit kasi siya sakin kahapon. Ano daw yung mga word na yon. Ang ganda daw kasing pakinggan, pang mayaman daw dahil Ingles.

"Oo ito na nga girl." confident na confident siyang naglakad kaso muntik ng matalisod. Nakanguso siyang umayos ng tayo bago nag inhale at exhale.

"Ano ba yan Isa?" nauubusang pasensyang sabi ko. "Paano pa kaya kapag nakatakong ka? Edi mas hirap ka? Hindi ka talaga pwede mag model pag ganan."

"Pero gusto ko magmodel sa harap ni Señor Efeso." nakapout pa nyang sabi. Grabe ang tama nya kay Efeso! Nakakakilabot! I can't imagine myself na ganon katindi ang tama sa isang tao.

"Bakit hindi mo na lang sya sayawan?" umupo siya sa tabi ko.

"Anong sayaw? Tinikling, Cariñosa?"

Napasapo ako sa noo. Tss tss.

"Sa tingin mo ba ay mahuhumaling sayo si Señor Efeso kapag ganon ang sasayawin mo?"

"Oo naman sa tingin ko... "

"Hay naku! Buti na lang andito ako Isa." tumayo ako at pumuwesto sa harap nya. "Ganito dapat ang sayawin mo." kumembot kembot ako sa harapan nya na parang nag bebelly dancing atsaka tumalikod para magtwerk.

I heard her gasped.

"Oh my gosh! Ano yang ginagawa mo?" oo alam nya na ang omg. Ewan ko ba dito kay Isa. Sobrang gusto nyang mag impluwensya sakin. "Parang medyo malaswa pero... maganda panoorin. Pero ayokong gawin! Hindi kasi ako ganon kagaling magsayaw. Matigas ang aking katawan."

"Halata nga." tipid kong sagot. "Magagaling lang ang nakakagawa non."

"Mag eensayo na lang ako don sa paglalakad!" excited nyang sabi atsaka nagpractice pa uli.

"Isa! Meisha!" tawag sa amin ni Aling Indang. "Kanina ko pa kayo hinahanap. Ano bang ginagawa niyo diyan?"

"Inay, nag eensayo po ako ng paglalakad." taka naman siyang tinignan ni Aling Indang.

"Paglalakad? Sanggol ka pa ba at hindi ka pa maalam lumakad?" mahina niyang kinurot si Isa sa tagiliran. "Kayo'y maglinis ng bahay at mamalantsa!"

Hay naku, nakakatamad naman. Mga ganito kasing oras, nagsyesyesta na ako eh. This beauty needs rest!

Tanda ko pa nung huli akong mamalantsa. Muntikan ng masunog ang aking damit, buti na lang at naagapan ko. Naamoy ko kaagad kaya dali-dali kong tinanggal ang plantsa.

Iniwan kami ni Aling Indang sa living room kung nasaan ang kabayo.

"Ako na lang ang magwawalis. Ikaw na ang mamalantsa." sabi ko na agad namang sinang ayunan niya.

Kinuha ko ang walis tambo. Nakita ko pa nga sa siwang ng pinto si Alejo na nagbabasa. Hindi ko alam na may pagka nerd pala siya. Pero bakit pati pagbabasa ang sexy sa kaniyang tignan?

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon