Umiwas ako ng tingin kay Señor Alejo nang lumabas siya mula sa kaniyang kwarto.
Nasa sala ako ngayon at nagwawalis. Kasama ko si Isa na nagpupunas ng ibabaw. Ang parents niya ay nasa labas at hinihintay siya. Mukhang aalis sila.
"Kaarawan ngayon ni binibining Adonia kaya't mamaya pa ang uwi namin. Kayo na ang bahala dito sa bahay. Aalis na kami." aniya bago lumabas ng bahay.
Napatingin ako sa pinto at napataas ang isang kilay.
Ang kwintas na binili namin noong isang araw, kay Adonia kaya yon?
Speaking of Adonia.....
Lumipat ang tingin ko kay Isa na tahimik na nagpupunas ng bintana. Kanina pa siya tahimik, mula pagkagising.
"Alam ko ang iniisip mo." sabi niya nang mahuli akong nakatingin sa kaniya. "Ayos lang ako." tipid siyang ngumiti.
"Hindi ko naman tinatanong." pinagpatuloy ko ang pagwawalis bago kumuha ng basang basahan para punasan ang sahig. Bakit kaya kailangan namin maglinis araw-araw? Bakit hindi na lang isang beses sa isang Linggo? Nakakapagod kaya! Ang daming arte naman oh!
"Naranasan mo na bang magkagusto sa isang tao? Meisha?" napatigil ako sa ginagawa. Magkagusto? Malapit na. Pero as long as I can, pipigilan ko. "Mukhang alam ko na ang sagot." napakunot noo ako sa kaniya. Ano ang ibig niyang sabihin? "May nagugustuhan ka na, hindi ba?"
Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Ganito pala kapag seryoso si Isa! Nagiging parang ako. Straightforward at parang hindi mo dapat biruin.
"Ano bang sinasabi mo diyan? Nababaliw ka na naman."
"Nung isang araw, bago matulog, nakita kitang nakangiti habang pinagmamasdan ang iyong pluma. Kaninang umaga, nakita uli kitang nakangiti habang nakatulala. At alam nating dalawa kung sino ang dahilan ng pag ngiti mo."
Masama ko siyang tinignan na nginitian niya lang.
Oo, alam niyang si Señor Alejo ang nagbigay sakin ng pluma. Paano ba naman? Diba nang ibigay niya yon sakin, tinanggap ko yon at sinabing naiihi nako pero sa kwarto namin talaga ko pumunta. At ang inaakala kong nasa kusina na si Isa, nandon pala! Kaya nakita niya kong hawak yung regalo sakin ni Señor Alejo, and as expected, nangulit siya hanggang sa sabihin ko sa kaniya kung kanino yun galing.
"Nakangiti lang? May gusto na agad na tao? Hindi pa pwedeng may naalala lang na masaya?"
"Hindi mo na yan matatanggi sakin dahil ganiyan din ako kay Señor Efeso." I saw sadness in her eyes. "Sa totoo lang, nahihimigan ko na noon na may gusto siya kay binibining Adonia ngunit hindi ko parin mapigilan ang sarili kong magkagusto sa kaniya." napalunok ako nang titigan niya kong mabuti. "Kapag kasi pinigilan natin yung nararamdaman natin, mas lalo itong magkakawala at mas lalong lalala."
Napatigil ako sa pagpupunas ng sahig. Tumitig din ako sa kaniya ng seryoso.
"Paano kung hindi lumala? Pagkagusto lang to, Isa. Mawawala rin ito kapag iniwasan ko siya."
This only infatuation. An admiration that usually don't last. Pang short time lang.
"Bakit ba, sobrang takot ka Meisha?"
Napakagat labi ako sa narinig.
May katapangan nga ako, suplada at masungit pero lahat naman tayo may kinakatakutang bagay. At ito, ito ang kinatatakutan ko. At naiinis ako sa sarili ko dahil ayoko ng may kahinaan. Magiging hadlang lang yon sakin.
"Hindi mo alam ang pinagsasasabi mo. Wala kang alam tungkol sakin."
"Oo, wala akong alam. Hindi pa tayo ganoong magkakilala pero bakit kailangan mo laging magtapang tapangan? Bakit sinasarado mo ang iyong isip at puso sa mga taong nasa paligid mo?"
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionShe's Meisha Buenavista. Isang sadista,mataray,may pagkamasama ang ugali,independent,hindi marunong magmahal at higit sa lahat ay isang secret agent. But what if may matuklasan syang isang secret door?Isang mahiwagang pinto na kung saan pwede kang i...