Kabanata 16

571 30 3
                                    

I was just looking at my hands while sitting on my bed. I felt blue.

Para bang may matalim na bagay na tumutusok sa puso ko kapag naaalala ko ang sinabi sakin ni Isa kagabi. Kahit ayaw ko ng alalahanin yon, kusa parin itong nagplaplay sa utak ko. Parang sirang plaka tapos may echo pa. Parang pinapamukha talaga sakin ang katotohanan.

Hindi ko pa nasasabi yung nararamdaman ko sa kaniya, wala na agad pag-asa. Wala ng pagkakataon pa para malaman niya at hindi niya na dapat malaman pa.

Kasi kahit malaman niya, wala na rin namang magbabago. Baka mailang pa siya sakin.

Crush lang naman to pero bakit ang sakit? Paano na lang kung nahulog nako sa kaniya ng tuluyan?

Si Alejo kasi eh! Paasa siya, pafall!

I smiled sadly.

Ako lang pala ang nagbigay ng meaning sa pinapakita niya sakin. Kahit alam ko namang ganon lang talaga siya, nag assume parin ako.

Ito na ba ang karma ko?

Grabe na yung parusa sakin, dalawa-dalawa. Parang hitting one bird with two stones lang. Oo baliktad dahil ako yung ibon at si Alejo at ang nangyari kay Aling Felisa ang mga bato. Ako ang nasaktan, dalawang beses pang binato. Pero grabe yung impact sakin ha, may galit ba yung nagbato?

Napahawak ako sa dibdib nang maramdaman na naman ang kirot.

Bakit ba kirot ka ng kirot diyan? Hoy! Tibok lang kailangan mo gawin bakit mo pinaparamdam sakin yung kirot?

Humiga ako't nagkumot.

Wala akong ganang tumayo at mag-almusal. Ayoko ring lumabas kasi alam kong maaari kong makita si Alejo.

Hindi pa nga naghihilom yung sakit na nararamdaman ko para kay Aling Felisa meron na namang panibago.

Gusto ko na tuloy bumalik sa panahon ko.

Sana.....

sana hindi na lang ako napunta dito.

Edi sana hindi ko mararamdaman at mararanasan ang mga ito.

Pinunasan ko ang aking pisngi nang maramdamang may tumulong luha mula rito.

Nagiging sobrang hina ko dito.

Ayoko na dito.

Gusto ko ng umuwi.

Ano ba ang dapat kong gawin?

Gusto ko ng umalis dito hangga't maaga pa. Pano kapag may nangyari pang mas malalang bagay? Baka hindi ko na kayanin.

Pero paano naman ako makakabalik? Ang gusto ko lang naman malaman ay kung bakit iniwan ako ng totoo kong mga magulang sa ampunan. Pero paano nga eh sa ibang panahon naman ako napunta?

Natawa ako ng may maisip.

Kung nagpatulong ba ko non sa mission ko kina Blake, mangyayari kaya to?

Haysst.

Sa ngayon iisip muna ako kung pano makakabalik. Pero handa na bakong umalis? Gusto ko na ba talagang umalis?

Paano na yung pagbibigay hustisya ko sa pagkamatay ni Aling Felisa pati ng kaniyang anak na babae?

Hindi ko na alam.

Kaya ko pa bang manatili dito kahit nasasaktan nako sa mga nangyayari?

Agad akong napatayo nang may maalala.

Baka yung babae!

Baka siya na ang susi para makabalik ako. Tama! At ang kailangan ko lang lapitan ay si tandang gwapo. Malakas ang kutob kong kilala niya yon.

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon