Kabanata 20

533 25 7
                                    

Halos mag-iisang oras na 'ko sa loob ng kwarto namin.

Nakatulala lang ako sa kawalan at natuyo narin ang mga luha ko. Iniisip ko parin ang nangyari kanina.

Yung mga sinabi niya na sobrang tumagos sa puso ko. Na ako lang ang gugustuhin niya pero sa iba siya nakatakda. Ibang babae ang kapalaran niya.

Hindi kami pwede.

Natawa ako sa naisip.

Hindi naman talaga kami pwede sa simula pa lang. Galing ako sa taong 2020 at siya'y nasa nakaraan. Kahit saan mo tignan, hindi kami pwedeng magsama.

Grabe naman. Magkakagusto na nga lang ako, don pa sa forbidden. First time na nga lang mahulog, dun pa sa hindi ka pwedeng saluhin.

Nang masiguradong kalma na 'ko, mabibigat ang paa na lumabas ako ng kwarto.

This is life.

Hindi lahat ng gusto mo, pwede. Hindi lahat ng gusto mo, makukuha mo. And all you need to do is to go with the flow.

Yes, I'll do that but I want to stay away from him. Lalayo na muna ako sa kaniya. I still need to heal and move on. At kapag okay na ako, pwede naman akong bumalik.

Kakausapin ko na lang siguro siya mamaya.

Sa ngayon, magtratrabaho na lang muna ako habang iniisip kung saan ako pupunta at magtratrabaho.

"Meisha...... " Tumingin ako kay Isa na halata mong nag-aalala sa'kin. "Alam ko ang nangyari, nakita kitang tumatakbo habang naiyak papasok ng kwarto."

Nanigas ako sa kinatatayuan nang maramdaman ang pagyakap niya sa'kin.

"Alam kong kailangan mo nito."

Tipid akong napangiti atsaka dahang-dahang yumakap pabalik sa kaniya.

Alam kong sa pag-alis ko, hahanap-hanapin ko si Isa. Siya kasi ang lagi kong nakakasama, nakakachismisan at higit sa lahat siya ang laging dumaramay sa'kin. She even made me realize a lot of things. She's the reason why I changed. And I'll miss her.

"Aalis muna ako pansamantala." Napatanggal ang pagkayakap niya sa'kin at kitang-kita ko ang panlalaki ng mata nita. "Napagdesisyunan kong lumayo muna. Gusto ko munang makalimot at kapag ayos na ako, babalik ako."

Hindi pa man ako naalis, napansin ko na agad ang pamamasa ng mga mata niya. Napailing ako.

Si Isa talaga.

"Gusto ko sanang sabihin na huwag ka ng umalis pero naiintindihan kita, Meisha. Alam kung nahihirapan ka sa sitwasyon at mas mahihirapan ka pa kung palagi mo lamang siyang nakikita."

She always understand me and I'm very thankful to have her. Lagi niya akong inaalala at narealized ko, na kahit minsan, hindi ko man lang natanong ang nararamdaman niya. Ni hindi man lang ako nagtatanong tungkol sa pinagdaraanan niya.

"Ikaw ba? Ayos ka na ba?" Taka niya kong tinignan. "Kay Señor Efeso,"

She gave me a small smile while nodding.

"Ayos na ako, may konti pa akong pagkagusto sa kaniya pero alam kong malapit na rin to mawala. Tinanggap ko na lang na hindi kami pwede at magiging masaya na lang ako para sa kaniya. Hindi ko naman pwedeng ipagpilitan ang sarili ko sa kaniya."

Acceptance, this is the key to move on. But in my state, I can't accept the truth wholeheartedly because it's still fresh. But I hope that someday, I can be like her. Tama naman ang desisyon niya at alam kong tama rin ang naging desisyon ko. Para rin to sa ikabubuti namin ni Alejo.

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon