Feeling ko ang laki-laki ng eyebags ko ngayon.Gosh!Hindi kasi ako nakatulog kagabi eh.Bukod sa binabagabag ako ng mga iniisip ko,hindi rin mawala sa isip ko yung lalaki kagabi.
Nakakainis kasi hindi ko man lang natanong yung name nya,address atsaka number nya.Ay teka,hindi pa nga pala uso ang cellphone dito at isa pa'y hindi ko rin pala nadala yung cellphone ko.Hindi ko alam kung bakit ako hinayang na hinayang basta gusto ko syang makilala.Gusto ko sya isama sa collection ko and flings ko.Tamang tama,gwapo sya.
Sumasakit din yung ulo ko ngayon.Napakainit kasi.Gusto ko na ngang hubadin tong suot ko at magtwo piece na lang kaso baka naman kung anong isipin ni Aling Felisa at Bernardo.
"Ang init naman dito.Wala bang aircon o kahit electric fan man lang?Mamamatay na ko sa init." pagrereklamo ko pa.Pumasok ako sa kusina nila na ewan ko kung matatawag mo pa bang kusina o hindi.Gutom na kasi ako,hindi pa kami nag-aalmusal at kahapon pa ko di nakakakain. "Ahm excuse me Aling Felisa,may breakfast na po ba?" humarap sya sakin at parang nagtataka yung tingin nya. "Ahhh ang ibig ko pong sabihin ay kung meron na po ba tayong almusal?"
"Ahhh teka lang iha.Matatapos na tong niluluto ko."
Umupo na lang ako sa silya nilang kahoy na parang inaanay na.Yuck!Wala ba silang maayos-ayos na silya?
Pinagmasdan ko ang buong paligid.Maliit lang tong bahay nila tapos halos sira-sira na rin ang gamit.Gawa din kalimitan sa kahoy yung gamit nila.Tinignan ko din kanina yung closet ni Aling Felisa at nakita kong maunti lang yung damit nya,ang panget pa ng style.Nakaramdam tuloy ako ng awa.Kung makababalik lang ako sa panahon ko,babalik ako dito at bibigyan ko si Aling Felisa ng maraming dress at coat and tie naman para kay Bernardo,pati saklob nadin na matibay,yung hindi gawa sa rattan.Bibigyan ko din sila ng furnitures and toilet bowl.
"Iha may tanong ako sa iyo." nabalik ako sa reyalidad at napatingin kay Aling Felisa na ngayo'y naghahain na.What the hell?Kamote na naman?
"Ano po yon?" nakasimangot kong sabi.Kainis naman kasi eh.Ayoko ng kamote pag di naman ako kumain edi gutom ako at baka mamatay pa ko sa gutom.
"Saan ka nakatira?Nasaan ang pamilya mo?Bakit may tama ka ng bala kahapon?"
Eh kung sabihin ko kaya sa kaniya na galing ako sa year 2018?Baka di naman sya maniwala.Tapos pagkamalan akong baliw,ayoko nga nun.
"Nakatira po ako sa—" isip Meisha. "—malayo.Malayong malayo po dito, sa may Davao po. Napunta lang po ako dito para sana maghanap ng trabaho." I lied. "Tapos yung nanay ko naman po ay patay na." bigla akong nalungkot.Well,totoong patay na si Mom,yung umampon sakin.
"Ganoon ba iha?Nakikiramay ako sa iyo.Andito naman ako.Isipin mong ako ang iyong pangalawang ina." ngumiti na lang ako kay Aling Felisa. "Eh ang iyong itay?Pasensya ka na kung masyado akong mapagtanong.Gusto ko lang malaman ang ilang impormasyon tungkol sa iyo.Baka kasi hinahanap ka din sa inyo."
Sana nga hinahanap na ko ngayon nina Blaze.Gusto ko ng umalis dito.
"Ang ama ko po ay.......hindi ko po alam kung nasan. Iniwan nya po ako noong bata pa. Siguro po ay wala syong pakialam sakin.Tsaka po kaya ako may tama ng bala ay dahil sa mga—" teka,anong sasabihin ko?Alangan namang sabihin kong dahil sa aking misyon.Ang hirap naman! "—ligaw na bala.Hindi ko alam kung saan po yun nanggaling.Naglalakad lang po ako and then BENGGGG!Natamaan na ko."
Okay,mukhang naniniwala naman sya dun sa kwento ko sa baril and bala part. Yung ka dad naman, ang totoo ay nasa ibang bansa sya.Nasa America si dad kasi inaasikaso nya yung business namin.And yeah,sobrang busy nya at wala na syang oras para sakin.Simula nang mamatay si mom,naging ganan na sya.Minsan nga naiisip ko na baka ako ang may kasalanan kung bakit namatay si mom kaya ganun si dad.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionShe's Meisha Buenavista. Isang sadista,mataray,may pagkamasama ang ugali,independent,hindi marunong magmahal at higit sa lahat ay isang secret agent. But what if may matuklasan syang isang secret door?Isang mahiwagang pinto na kung saan pwede kang i...