Kabanata 6

1K 40 9
                                    

Dahan-dahan akong naglakad sa gitna habang nakangiti ng pagkatamis-tamis.Lahat ng gwapong lalaking nakikita ko'y kinikindatan ko.Lahat sila nakatingin sakin,wala eh.Maganda kasi ako. *flip hair*

Anyway,ngayon na ang birthday party ni tandang gwapo.Nagpahuli talaga ako para agaw pansin hahaha.Syempre,yung suot ko hindi basta-basta.Kung ano-ano ang ginawa ko dun sa saya na pinahiram sakin ni Aling Felisa.Ayoko ngang magmukhang kawawa at walang binatbat dito no.

Umupo na lang ako basta sa isang upuan sa isang table na hindi ko alam kung sino ang nakapwesto.Habang si Aling Felisa naman ay may pinuntahan muna.Susunod na lang daw sya dito.

"Meisha?" napatingin ako kay hhmmmm sa gwapong-gwapong si Alejo.

"Alejo." nginitian ko sya.Parang nagtataka pa sya sa tinawag ko sa kaniya pero nananatili lamang syang nakatitig sakin.

Hmmmm. Ganiyan nga, Alejo hahaha. It looks like he's trying to memorize my face.

I smirked.

Napansin nya ata ang kakaiba kong ngisi kaya napaiwas sya bigla.

"Pasensya na sa aking inasal." bumaba ang tingin nya sa sahig. Napansin nya sigurong napansin kong nakatitig sya sakin kanina. "Hindi ko mapigilan.Sadyang napakaganda mo lang talaga ngayon."

Napatingin ako sa kaniya habang pinipigilan kong mapangisi pa lalo. Baka sabihin nya naman ang assuming ko masyado. Let's take it slow, baby.

How about Adonia? Siguro kailangan ko munang isure kung sila ba talaga para naman makapagsaya ako before na umalis ako sa panahong ito.

"Pwede ba?Hahaha. Matagal ko ng alam yon." tumawa-tawa ako. Napakunot noo naman sya. Maybe he's thinking that I talked to him casually, like a friend. Or, pwede ring napaisip sya na tama ang sinabi ko? Oh well.

Nagmasid masid ako, hinahanap si Adonia. Hindi ba sya invited? Poor her. Pero impossible! Mukhang anak rin sya ng mayaman. At isa pa, posibleng magkakilala din sila ni Efeso.

"Alejo!" sabay kaming napatingin kay—ehem—Adonia.I rolled my eyes. Speaking of.

"Adonia,mabuti naman at nakarating ka." ani naman ni Alejo.

Ngumiti naman si Adonia hanggang sa mapadako sakin ang tingin nya.

"Oh?Hindi ba't ikaw yung kasambahay sa kanila?" sabay turo nya kay Alejo.

Teka teka!Kasambahay talaga?Hindi ba pwedeng "Oh?Hindi ba't ikaw yung magandang babae sa kanila?"

"Si,Adonia." (Yes,Adonia.) muli na namang nagtama ang titig namin ni Alejo. "Kasambahay,kasama sa bahay."

Medyo nashook ako sa sagot ni Alejo. Crush nya na ba ko?! Wow, kala ko ay mahihirapan ako sa kaniya kasi ibang panahon to at gawa narin ni Adonia. Pero on the other hand, baka mabait lang siguro talaga sya sa mga kasambahay nila? Kaya ayun ang meaning ng kasambahay sa kaniya.

Umupo si Adonia sa tabi ni Alejo. Nakikinig ko pang nagtatawanan sila. Nagmamasid-masid lang ako sa kanila to make sure if girlfriend ba sya ni Alejo o hindi. For now, wala pa silang ginagawa na PDA or kung ano mang couple thingy. Siguro nahihiya silang ipakita sa public yung paghaharutan nila.

Napairap ako atsaka tumayo.

Lumabas ako at nagpahangin. Ayoko namang magdamag lang na tumitig sa dalawang yon. Hindi naman naikot sa kanila ang mundo ko no.

Sa ngayon, iisipin ko na lang muna kung paano ako makakabalik.

Kung magsearch kaya ako uli sa may damuhan kung saan ako nakita ni Aling Felisa? Tama! And baka nasa isang puno lang din ang sagot para makabalik ako? Baka may puno na malapit don sa damuhan na may secret door!

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon