Kabanata 17

545 31 2
                                    

Maaga kaming gumising ni Isa para gawin na agad ang mga gawain namin sa umaga kagaya ng paglilinis ng bahay para makapagpractice na agad siya pagkatapos.

Kailangan narin kasi niyang matuto kaagad. Wala pa kaming plano at nag-iisip palang kaya siguro, ito na lang muna ang gagawin namin. Mas okay narin naman to kesa sa wala kaming ginagawa para sa gagawin naming paghihiganti sa mga Kastila.

"Subukan mong ilagan ang mga suntok ko't sipa." Umamba ako sa kaniya kaya mukhang naalert naman siya.

Minsan ay natatamaan ko siya pero mas lamang na nakakailag siya. Medyo okay na siya sa defense.

"Ngayon naman, ako ang dedepensa."

Nagpalipad siya ng mga suntok at sipa na mabilis ko namang naiilagan.

Kaso biglang kong natanaw si Alejo sa 'di kalayuan na naglalakad kaya medyo natigilan ako kaya't natamaan niya ko sa tiyan.

Napangiwi ako habang si Isa naman ay tuwang-tuwa.

"Huwag kang magsaya, may nakapagpawala lang ng aking pokus."

"Naku naku! Hulaan ko? Si Señor Alejo yan noh?" Nang-aasar niyang sabi. "Kala ko ba dapat nakatuon lang ang atensyon natin sa pakikipaglaban? At bawal mag-isip ng anumang makakapagpagulo sa'yo."

Tinaasan ko siya ng isang kilay.

"Eh anong magagawa ko! Eh nakita ko siya kanina eh alam mo namang handa kong ibuhos lahat ng atensyon ko sa kanya."

Napatili si Isa kaya biglang nag sink in sa utak ko ang sinabi ko.

Gosh!

Ano yong sinabi ko? Napakacheesy!

Ang rupok rupok pakinggan. Pero ano bang magagawa ko? Ano bang magagawa ko eh isa siya sa mga kahinaan ko? Anong laban ko sa puso ko na siya ang sinisigaw?

Pagdating sa kaniya, hindi ako makapag-isip ng tama. Pano na lang kung nasa isa akong gyera? Siguradong talo ako.

Wala eh, nagkagusto ako.

"Mukhang iniibig mo na ang Señor." I looked at Isa. Iniibig? I don't know.

"Hindi ko alam kung mahal ko na nga siya. Ano bang pagkakaiba ng pag-ibig at pagkagusto sa isang tao?"

Wala pakong experience sa love. At ang tangi ko lang naiisip na difference nila, kapag love mo ang isang tao, special siya sayo at takot kang mawala siya sayo while pagkagusto ay crush crush lang, madaling mawala at humahanga ka lang dahil sa physical appearance nito.

"Hmm madalas ang pagkagusto sa isang tao ay dahil lamang sa pisikal na anyo nito. Nakikisigan ka o di kaya'y nagagandahan lamang. Samantalang ang pagmamahal ay ang mas malalim na pagtingin natin sa isang tao. Kadalasan ay minamahal natin ang isa tao dahil sa kanilang katangian. Dahil sa mabait o masama man siya, positibo man o negatibo, basta handa kang tanggapin siya. Sa madaling salita, ang pagkagusto ay maihahalintulad sa mga taong nahuhumaling sa isang ginto. Nagugustuhan nila ito dahil sa panlabas nitong katangian at dahil ito ay may malaking halaga. Samantalang ang pagmamahal ay ang pagkahumaling sa isang tanso. Hindi iyon ganon kalaki ang halaga pero maaari itong mapaganda at gawing alahas." Ngumiti siya sakin.

Napatitig ako sa kawalan at inisip ang sinabi niya.

Ang pagkagusto ay maihahalintulad sa mga taong nahuhumaling sa isang ginto. Nagugustuhan nila ito dahil sa panlabas nitong katangian at dahil ito ay may malaking halaga.

Kumbaga naattract ka lang sa isang tao dahil maganda ang panlabas nitong anyo. May mga sitwasyon din na dahil mayaman yung tao o di kaya'y nakakaangat. Sikat at sadyang kinahuhumalingan.

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon