"Inay, andito na kami ni Meisha."
Nagtaka kami ng wala sumagot. Agad na binuksan ni Bernardo ang pintuan.
"Bakit ang gulo ng bahay?" takang tanong niya. "Inay!" tumakbo siya papunta sa may kwarto.Kunot noong pumasok naman ako sa loob.
Sobrang gulo ng mga gamit. Parang may bagyo na dumaan. Ang daming nakakalat, yung iba nasira na.
I followed Bernardo and saw Aling Felisa. Pati kwarto magulo! Yung mga damit na sa may sahig na.
"Aling Felisa ano pong nangyari?" lumapit ako sa kaniya. I was shocked when I saw her face. Putok ang kaniyang labi. "Bakit ganito po ang bahay? At bakit ganiyan ang labi niyo?"
Nagulat ako nung bigla niya kong yakapin. Nakinig ko ang mahina niyang pag-iyak sa balikat ko.
"Ma-may dumating dito na mga gwardiya sibil. Pinipilit nila akong magbayad ng buwis ngunit ayaw ko kaya ginulo nila ang bahay. Sinubukan ko silang pigilan ngunit sinapak lang ako ng isa."
I clenched my fist.
"Simula nang mahalal na Gobernador Heneral si Señor Arsenio, may malupit na patakaran na agad silang ipinatupad. Ang tributo at polo y servicio."
Itinuro to sa amin dati sa Araling Panlipunan! Tributo ay kung saan kailangan magbayad ng buwis ang mga mamamayan samantalang ang polo y servicio naman ay ang sapilitang pagtratrabaho ng mga lalaki na may gulang na sixteen hanggang sixty na maglilingkod sa pamahalaan sa loob ng forty days.
Grabe! Ang sama nila! Talaga inaalila nila ang mga Pilipino. Kung sa present time ay mga druglord ang problema, dito sa panahong to, mismong pamahalaan ang problema! Or in other words, ang mga Kastila!
Napatingin uli ako sa sugat sa labi ni Aling Felisa.
Nagagalit ako.
Sobra akong naiinis.
"Gamutin po muna natin yang sugat nyo." inalalayan ko siya sa pag-upo.
I was in the kitchen when I remembered that they don't have a cold compress or any ointment. Wala rin naman silang ref kaya walang yelo, paano na to?
Feeling ko tuloy, wala akong kaalam-alam sa panahong ito. Masyado na kasing makabago sa panahon ko. Arghhh!
Nakanguso akong bumalik kila Aling Felisa.
"Ano po ba ang gamot para diyan?" taka naman silang napatingin sakin na parang sinasabing common knowledge na yon.
"Ako na lang ang gagawa." pagpriprisinta ni Bernardo sakin. Tahimik naman kaming naiwan ni Aling Felisa.
"Sa totoo lang.... " I looked at her. "natatakot ako sa maaaring mangyari." She held my hand and squeezed it a little. "Lalo na para sa inyo ni Bernardo. Ayokong mapahamak kayo......anak."
For the second time, narinig ko uling anak ang tawag niya sakin. Pero sa pagkakataong ito, I felt happy. Lalo na nang marinig na mas nag-aalala pa siya samin ni Bernardo kaysa sa sarili niya.
May kung ano sa sinabi niya na parang nagpupush sakin. Para bang gusto kong maging malambot kahit ngayon lang.
I smiled at her.
"Huwag niyo po akong alalahanin, kaya ko po ang sarili ko. At huwag rin po kayong mag-alala, hindi ko po kayo papabayaan ni Bernardo." Super ekis na talaga sakin si Bernardo. Parang.....pamilya narin kami. I can't believe that I'm saying this right now.
Sinabi ko sa sarili ko na ayokong maattached sa mga tao dito pero mukhang tinatraydor ako ng sarili ko. Kasi kahit anong gawin ko, may parte parin sakin na gusto silang makasama at makilala kahit sa konting panahon lang.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionShe's Meisha Buenavista. Isang sadista,mataray,may pagkamasama ang ugali,independent,hindi marunong magmahal at higit sa lahat ay isang secret agent. But what if may matuklasan syang isang secret door?Isang mahiwagang pinto na kung saan pwede kang i...