Hawak-hawak at binabasa ko ngayon ang imbitasyong nakuha ko para sa gaganaping kaarawan ng Gobernador Heneral sa Sabado.
Nagulat pa nga sina Aling Felisa dahil nakatanggap kami ng invitation card eh.Kesyo mayayaman at may mga position lamang daw ang iniimbitahan sa ganoong kaarawan.And the discrimination goes again.
Ganito ba talaga sa panahong ito?Lagi na lang inihihiwalay ang mayayaman sa mahihirap?Para silang may invisible wall na naghihiwalay sa kanila.
Anyway,naglalakad ako ngayon papunta sa bahay ng mga Laparan.May dala-dala akong pagkain na nakalagay sa bao ng niyog at nakabalot sa dahon ng saging.
Muli akong nagpunas ng pawis sa aking noo.
Gosh!Nakakainis talaga.Ayokong-ayoko talaga yung maglalakad eh tapos ang layo-layo pa ng pupuntahan.
Napairap ako sa hangin.Kung wala lang talaga akong konsensya at awa'y hindi ko to gagawin.Dadalhan kasi ni Aling Felisa si Bernardo ng lunch sa mansyon ng mga Laparan kung saan ito nagtratrabaho nang sumakit bigla ang kaniyang mga tuhod.So ako ang nagdala imbes na siya.Nagdahilan pa nga ako sa kaniya na hindi ko alam kung saan yung Laparan residence kaso itinuro nya sakin ang daan.
Pinagmasdan ko ang gate na nasa harapan ko.Ito na siguro yon.
Papasok na sana ako ng bigla akong tawagin ng isang lalaki.Mukhang isa syang gwardiya sibil.
Hhhmmmm...speaking of gwardiya sibil.Kamusta na kaya yung parang leader na lalaki nung isang araw?Pati yung isa pa? Ang alam ko'y isinugod sila sa pagamutan.
"Binibini,ano pong kailangan nyo?" magalang nyang tanong sakin.
"Ahm ibibigay ko lang sana to kay Bernardo babe." tapos ngumiti ako sa kaniya.Napakunot noo naman sya sa huli kong sinabi.
Okay,okay.Nakalimutan kong hindi pa pala uso ang ganyong tawag at marami ding Pilipinong hindi pa alam ang salitang yon.
Magsasalita pa sana sya nang makita naming patakbong papalapit na samin si Bernardo.
Nagwave sya sakin at ngumiti.
Woaaah.Ang gwapo talaga nya talaga. Hihihi.Kung siguro katulad ako ng mga normal na babae,malamang na ngayo'y crush ko na sya but unfortunately I'm not.
Hindi ko din alam kung bakit ako ganito,naging ganito.I just woke up one day and then ayun na,naging ganon na ang pananaw ko sa buhay.Na manloloko ang mga lalaki at sasaktan ka lang ng mga yan.Siguro.....because of what happened.
"Binibining Meisha!" hinahabol ang hiningang huminto sya sa harapan ko. "Bakit ka nandito?" his gaze went to the guardia civil who's standing beside me. "Kilala ko sya." aniya.Tumango naman yung lalaki atsaka lumayas.
"Dinala ko ang tanghalian mo." sabi ko habang pinapasadahan ng tingin ang kaniyang hmmmmmm muscular chest.
Napatingin sya sa hawak ko at kinuha ito.
"Salamat.Ngunit na saan ba si inay?Bakit ikaw ang nagdala?" aba't choosy pa sya't ako ang nagdala.
"Masakit ang tuhod ni Aling Felisa.At bakit ako?Kasi gusto kitang masilayan." I gave him my sweetest smile.
Parang nashock naman sya at naawkwardan sa sinabi ko bago ngumiti ng pilit.
"Ganoon ba?Hehe." aniya.
Dapat nga kiligin at matuwa pa sya sa sinabi ko eh.Tss,tss.
"Bernardo!" sabay kaming napalingon ni Bernardo sa isang lalaking disenteng-disente ang itsura't suot.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionShe's Meisha Buenavista. Isang sadista,mataray,may pagkamasama ang ugali,independent,hindi marunong magmahal at higit sa lahat ay isang secret agent. But what if may matuklasan syang isang secret door?Isang mahiwagang pinto na kung saan pwede kang i...