Pagkatapos ko yong basahin ay agad ko iyong binalik sa loob ng briefcase at tinago uli sa ilalim ng kama.
Tulala parin ako dahil sa nabasa habang itinutuloy ang kanina kong ginagawa.
I'm speechless.
Parang too much yung nalaman ko.
At sa lahat ng merong ganon, bakit si Señor Alejo pa?
Anong ibig sabihin non?
Posible kayang....
kasali siya sa mga mag-aaklas?
Medyo tulala parin ako hanggang sa makalabas ng kwarto niya.
"Meisha! Tapos na ko sa paghuhugas ng pinggan. Ikaw ba? May gawain ka pa?" ani Isa na kakalabas lang din sa kusina.
"Wala naman, maya-maya ko na papakainin ang mga baboy at manok." Hindi ko alam, sasabihin ko ba sa kaniya? Pero may kailangan muna akong kausapin, saka ko na lang sasabihin sa kaniya. "Ngunit may kailangan muna akong puntahan saglit. May sasabihin lang ako kay Bernardo." Tumango lang siya kaya't umalis nako.
Pumunta ako sa sakahan at nakita si Bernardo na nagpapahinga sa may lilong.
Tamang-tama pala ang punta ko, hindi siya busy.
"Oh Meisha! Ano't naparine ka?" Salubong niya sakin.
"Ano ba ang binabalak mo?" Deretso kong tanong na nakapagpatigil sa kaniya. Hindi niya siguro inaasahan.
Malakas ang kutob ko na may alam siya sa dyaryong nakita ko.
Ang sabi niya kasi ay sasali siya sa kanila. Sa tingin ko ay isa yong organisasyon at ang dyaryong nabasa ko'y mukhang inilimbag ng isang organisasyon. Nasisigurado ko yon, lalo pa't nakalagay doon ang panghihikayat nila na sumali sa kanila.
Hindi ko alam na may ganto na palang nangyayari dito.
"Hindi mo na dapat pa yong malaman." Aniya kaya pinanliitan ko siya ng mata.
"At bakit hindi, Bernardo? Nawalan din ako. Nawala din si Aling Felisa sakin at masakit yon para sakin. Kala ko ba ay kapatid ang ating turingan? Pamilya ang tingin ko sa inyo kaya gusto kong malaman ang iyong plano."
Well, totoo naman ang sinasabi ko. Gusto kong malaman 'yon para makasigurado na maayos ang plano niya at hindi siya sasabit, concern naman ako dito kay Bernardo noh. Pati may gusto akong malaman tungkol kay Alejo.
"Ayun na nga Meisha! Pamilya na rin ang turing ko sayo, kaya't mas maigi ng wala kang alam para hindi ka mapahamak. Ayoko ng mawalan ng pamilya, parang awa mo na. " I looked at him and saw pain in his eyes.
Alam ko ang pakiramdam na mawalan kaya medyo nalungkot din ako.
Sa panahong to, masyado silang concer sakin. Ayaw nila kong masaktan, para tuloy may humahaplos sa puso ko.
"Hindi naman ako mawawala, Bernardo. Kaya ko ang aking sarili, nakalimutan mo na bang marunong akong makipaglaban? Kaya sabihin mo na sakin." Pangungulit ko pa.
Napabuntong hininga naman siya. Parang wala na siyang magagawa.
Tumingin-tingin siya sa paligid.
"Sige, sasabihin ko sayo ngunit huwag mong ipagsasabi ito sa iba dahil ito'y isang sikreto. Sikreto na kapag nalaman ng mga Kastila, mapapatay tayong lahat."
Tama nga ang hinala ko.
"Sumali ako sa isang samahang ang pangalan ay samahang -"
"Anak ng Bayan na sa Espanyol ay Hijo del pueblo." Gulat siyang tumingin sakin. Confirmed!
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionShe's Meisha Buenavista. Isang sadista,mataray,may pagkamasama ang ugali,independent,hindi marunong magmahal at higit sa lahat ay isang secret agent. But what if may matuklasan syang isang secret door?Isang mahiwagang pinto na kung saan pwede kang i...