Tulala lang ako habang pinapakain ang mga alagang baboy ni Señor Alejo. Halos hindi rin ako nakatulog kakaisip dun sa babaeng nakita ko.
Sino siya?
Malakas ang kutob ko na siya yung babaeng tinutukoy ni tandang gwapo na parang ako daw, yung mahal niya daw na babae.
Pero iisa lang ang sinisigurado ko.
May koneksiyon kaming dalawa.
Kaya pala ganon yung feeling ko kahapon nang makita ko siya. May kakaiba.
Posible kayang iisa lang kami? Katulad nung naisip ko dati nang banggitin sakin siya ni tandang gwapo? Na isa akong reincarnation niya?
I shrugged. Nalilito na ko. Hindi ko na alam kung anong iisipin ko.
Arghhh!
"Anong ginagawa mo riyan, binibini?"
Nanlaki ang mata ko sa gulat nang marinig ang boses ni Señor Alejo. Humarap ako sa kaniya at napatingin sa baba.
"Bakit ka naiiling kanina?" parang natatawang aniya. Siguro iniisip niya na parang nababaliw nako!
"Wala naman ho. Kagaya ng dati, may naiisip lang." Napakagat ako sa labi nang sinubukan kong makipag eye to eye sa kaniya.
Bakit ako naiilang?!
"Mukhang napakarami mong isipin." Tumango lang ako sa kaniya.
Ano bang pakielam mo? Umalis ka na Alejo. Nananahimik ako dito eh.
"Nagustuhan mo ba ang regalo ko?" Naramdaman ko ang paghakbang niya palapit sakin. "Pasensya kana sa aking regalo. Nang makita ko kasi iyon, ikaw agad ang pumasok sa isip ko."
Mas dumiin ang pagkagat ko sa labi, pinipigilang ngumiti.
Oh my gosh Meisha! Calm yourself!
"Ga–ganoon po ba? Bakit naman?" Did I just stutter?
"Pluma dahil ginagamit ito sa pagsusulat kung saan naipapakita natin yung ating mga saloobin, positibo o negatibo man, parang ikaw." He looked at me and smiled. "May pagkamatalas ang iyong bibig ngunit alam kong sinasabi mo lang ang iyong naiisip. Malaya ka kung magsalita ,parang walang makakapigil katulad sa pagsusulat. At itim dahil sa iyong pinapakitang katapangan."
Grabe! Hindi ko alam na may ibig sabihin pala yung regalo niya sakin. Hindi ko alam na ako pala ang sinisimbolo non para sa kaniya.
"Paano nyo po pala nalaman ang kaarawan ko?" Hindi kaya, stalker siya?! Oh my gosh!
"Sinabi sa akin ni Bernardo, inaya ko kasi siyang sabayan akong mag-almusal noong isang araw. Tumanggi siya sakin dahil marami daw siyang nakain. Naghanda daw ang kaniyang ina dahil kaarawan mo." Napatango ako sa sinabi niya.
Ganon pala, akala ko pa naman crush niya nako or stalker siya kaya alam niya.
Pero...
"Señor.... may nakalimutan nga pala akong sabihin." Kumunot ang noo niya sa akin. "Salamat." I gave him a small smile.
Ang pinakaunang sincere at genuine na ngiting binigay ko sa kaniya.
Napansin ko ang pagtitig niya sakin, siguro hindi siya makapaniwala na sincere ako. Pero kinalaunan ay nginitian niya din ako dahilan ng pagbilig ng tibok ng puso ko.
"Walang anuman, binibini." He said, still smiling at me.
Ngiti palang niya, nagwawala na yung puso ko.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionShe's Meisha Buenavista. Isang sadista,mataray,may pagkamasama ang ugali,independent,hindi marunong magmahal at higit sa lahat ay isang secret agent. But what if may matuklasan syang isang secret door?Isang mahiwagang pinto na kung saan pwede kang i...