Anger.
This is what I felt after I processed in my brain that Alejo was already gone.
Gusto kong sumigaw, magwala at manuntok sa sobrang galit kaya napakuyom ang mga kamao ko.
Tumingin ako sa paligid at hinanap ang lalaking iyon na siyang may kagagawan ng nangyari kay Alejo. Nang makita, tumayo ako't kinuha ang baril ko. Busy siya sa pakikipaglaban kay Matilda kung kaya't hindi niya napansin ang paglapit ko.
Itinulak ko siya nang malakas at sinipa ko siyang muli sa kaniyang tuhod dahilan ng pagkatumba niya. Parang gulat pa siya nang makita ako pero walang emosyon ko lang siyang tinignan.
"An eye for an eye," Itinutok ko ang baril ko sa ulo niya. "a tooth for a tooth."
Magsasalita pa sana siya nang kalabitin ko ang baril kong hawak.
Gusto kong matuwa nang makitang nakahiga na siya at naliligo sa sariling dugo pero mas nangingibabaw parin sa'kin ang galit at lungkot. Balak pa sana akong kausapin ni Matilda pero naglakad na 'ko papunta sa iba pang Kastila.
Lahat ng nakikita kong Kastila ay binabaril ko hanggang sa mawalan ako ng bala at kutsilyo ko naman ang ginamit ko. Para akong tigre na nagwawala at sobrang galit.
I felt a stab in my left arm. I looked at it and saw that it was bleeding but I felt numb so I did not feel any pain. Tinignan ko lang ang sumaksak sakin atsaka siya ginantihan din ng saksak. Lumapit din sa'kin si Isa na nag-aalala na ngayong nakatingin sa'kin pero hindi ko siya pinansin at pinagsasaksak lang ang Kastilang sumaksak sa'kin. Nakatumba na siya at gusto ko pa sana siyang saksakin nang pigilan ako ni Isa.
"May saksak ka, kailangan muna nating patigilin ang pagdudugo niyan." Pumunit siya sa kurtinang nakita niya malapit sa'min atsaka iyon binalot sa sugat ko. Pansin niya siguro na wala akong imik kaya tinignan niya ko nang mabuti. "Masakit ba ang saksak sa iyo? Ano ang problema?"
I did not respond.
Hindi magandang ngayon kami magkwentuhan lalo na't nasa gitna kami ng pakikipaglaban.
Umiling lang ako sa kaniya.
"Mamaya na tayo mag-usap." Sabi ko sa kaniya. She just nodded at me.
Maglalakad na sana kami sa magkaibang direksyon nang humahangos na tumakbo papasok sa loob sina Bernardo.
"Ubos na ang mga Kastila!" Masaya niyang sigaw.
"Huwag muna kayong magpakasaya dahil meron paring mga Kastilang hindi pumunta dito." ani Matilda na pumunta pa sa gitna. Inilibot niya ang paningin sa loob. "Ang iba'y sumama sa'kin, lulusob tayo sa may plaza. Ang iba nama'y maiwan at tulungan ang ibang nasugatan. Dalhin niyo sila sa pagamutan."
Nanguna na siya sa paglalakad palabas. Sumunod ang halos mga kalalakihan sa kaniya. Ang mga natira'y inalalayan ang mga nasugatan sa'min.
Malulungkot ang matang tumingin ako kay Alejo na sinundan din naman ng tingin ni Isa. She gasped in shock.
Lumapit si Efeso kay Alejo. Parang may sinasabi siya dito pero hindi nagrerespond si Alejo. Binuhat niya ito kaya sumunod kami sa kaniya ni Isa. Napansin niya siguro ang pagsunod namin sa kaniya kaya humarap siya sa'min. Kitang-kita ko ang pagkalungkot niya.
"Sasama kami sa inyo." ani Isa.
Nag sige lang siya sa'min pagkatapos ay sumakay kami sa kalesa niya. Habang nasa biyahe, alam kong gustong-gusto ng magtanong ni Isa sa'kin pero alam niyang ayoko munang makipag-usap ngayon.
Nakatingin lang ako kay Alejo at iniisip na parang ang bilis ng mga pangyayari.
I smiled sadly.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionShe's Meisha Buenavista. Isang sadista,mataray,may pagkamasama ang ugali,independent,hindi marunong magmahal at higit sa lahat ay isang secret agent. But what if may matuklasan syang isang secret door?Isang mahiwagang pinto na kung saan pwede kang i...