Kabanata 7

799 33 2
                                    

Nagkatinginan kami ni Aling Felisa na ngayo'y nanlalaki na ang mga mata, gulat sa narinig.

Mabilis akong tumakbo palabas, naabutan ko si Alejo na nakahiga na sa damuhan.

"Anong nangyari? " mukhang nasasaktan sya. I saw blood coming from his right arm. Halatang may sumaksak sa kaniya.

Tumakbo si Bernardo at gulat ding napatingin sa kaniya.

"Buhatin mo sya papasok dali! " sigaw ni Aling Felisa na ngayo'y nagpapanic na.

Lumapit narin ang lalaking nagpapaandar ng kalesa ni Alejo.

I looked around and saw nothing! Siguradong nakaalis na kaagad ang gumawa nito sa kaniya. Ipinasok na sa loob si Alejo habang naiwan ako dito sa labas.

I saw a black fabric. Mukhang napunit sa isang damit. I scanned it pero wala akong maisip kung kanino ba yon. Itinago ko na lang muna atsaka sumunod sa loob.

May ginagawa na sa may kusina si Aling Felisa nang makapasok ako. Halatang nagmamadali sya habang nakahiga naman sa may papag sa kwarto si Alejo na mariin ng nakapikit.

"Mas mabuti kung dinala na natin siya sa pagamutan." sabi nung lalaki, you can see that he's worried for him.

"Hindi na tayo aabot kung ganiyon. Matagal pa tayong makakarating at mas mababawasan lamang ang dugo na mawawala sa kaniya." ani Aling Felisa atsaka pumasok sa loob mg kwarto na may dalang parang bowl na gawa sa ceramic.

Kinuha nya ang isang tela na nakababad sa bowl. Pinunasan nya muna ang tabihan ng sugat para malinis bago pigaan ng gamot na ginawa nya ang sugat.

Kita kong mukhang nasasaktan si Alejo. Napapangiwi ito.

"Sino naman kaya ang gagawa nito sa kaniya?" tanong ni Aling Felisa. My gaze went to the man, yung nagpapaandar ng kalesa.

"Wala ho ba kayong nakita?" I asked him.

"Wala binibini, kasalukuyan akong naihi sa tabihan nang maganap ang pagsaksak sa Señor." napakunot noo ako sa narinig.

Iwww disgusting!

Lumayo ako ng kaonti kay manong. Aba! Baka mamaya madumi pa ang kamay nya. Wala pa naman akong dalang alcohol.

"Mga ilang araw pa ito gagaling dahil mukhang malalim ang pagkakasaksak sa inyo, Señor Alejo." binalutan na ng tela ni Aling Felisa ang sugat ni Alejo. "Bukas ay ipatingin nyo po agad yan sa pagamutan, sa ngayon ay magpahinga muna kayo."

"May nakaaway kaba Alejo?" tanong ko sa kaniya. Nakita ko ang pagsulyap sakin ni manong, pinanlalakihan naman ako ng mata ni Aling Felisa. Bakit?! Wala naman kami sa trabaho kaya okay lang yon. Hindi ako sanay mangopo sa kasing edad ko lang no.

"Wala naman akong nakakaaway or nakakasagutan.Wala akong ideya kung sino ang gumawa nito."

"Nakita mo ba ang sumaksak sa iyo?" tanong ko pa. Wow, mukhang magpapaka secret agent ako ngayon ah. And for now, I need to gather information.

"Hmmm hindi ko nasilayan ang kaniyang mukha sapagkat natatakluban ito ng itim na tela." tumingin sya sa ibaba, mukhang nag-iisip. "Dahil sa pagsigaw ko ay nagmadali syang tumakbo at muntikan pang madapa."

I stopped myself from laughing. Naku!Kung ako yon, epic fail na yon para sakin. Nakakahiya yung ganoon no.

"Sino naman kaya ang may kagagawan nito? Ano bang nangyayari? Una'y si Señor Efeso, ngayo'y naman si Señof Alejo." nagaalalang sabi ni Aling Felisa. "Uuwi na ba kayo Señor ngayong gabi? Kaya nyo po ba? Ayos lamang na matulog kayo sa amin, bukas ang aming munting tahanan para sa inyo."

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon