Kabanata 8

732 33 1
                                    

Tatlong araw na ang nakalipas simula ng kumalat ang balita tungkol kay tandang gwapo. Halos lahat ay nangamba dahil sa biglaang pagbabago ng Gobernador Heneral.

Si tandang gwapo ay bumaba ang posisyon at naging isang Alkalde Mayor ng Maynila na lamang samantalang ang tatay ni Adonia ang naging Gobernador Heneral. Parang nagswitch lang sila ng position.

Kasalukuyan akong naghuhugas ng plato nang pumasok si Isa sa kusina, nagpapanic.

"Andiyan si Señor Efeso, kailangan natin maghanda." agad syang naghanda ng ingredients. Inis naman akong ngumuso.

"Ano ba yan, kakahugas ko palang ng mga plato, magkakaroon na naman ng panibago!" Konti na lang, magiging pro dishwasher nako eh. Ang dami lagi ng hugasin kahit iisa lang naman sa bahay si Señor Alejo. Ito naman kasing sina Aling Indang, kung maghanda kala mo lagi fiesta.

"Shhh, huwag ka ng magreklamo. Baka marinig ka ni Señor, sige ka. " pananakot nya pa sakin.

"Ano naman kung marinig nya? Tayo na nga nagpapakapagod dito e. Sya paupo upo lang, puro pagpapasarap." mag quit na lang kaya ako as a maid? Pero nakakahiya naman kina Bernardo at Aling Felisa kasi kumakain rin ako. Arghhh! I miss my life na! At isa pa, baka asarin lang ako nung Alejo na yon tungkol sa mga gawaing bahay. Baka isipin nya totoo ang sinasabi nya. Asa sya! No way! Hindi ako ganon kadali sumuko.

"Ano ka ba Meisha?" mahina nyang tinapik ang aking kamay. "Kaya nga tayo nagtratrabaho bilang kasambahay e, para maglingkod sa kaniya."

"Maglingkod?" grabe namang term yan. "Ako nga dapat pinaglilingkudan no. Tignan mo tong mukhang to. Diyosa ako, hindi dapat ganito."

"Hay naku! Ewan ko na sayo." inirapan ko sya. "Kung yan ang prinsipyo mo sa buhay, osige bahala ka." she sighed. Mukhang hindi nya na kayang makipagtalo sakin.

Nagpunas ako ng kamay sa basahan bago umupo.

"Magluluto ako ng paboritong pagkain ni Señor Efeso na Adobo at kakaning bibingka na may maalat na itlog. Siguradong matutuwa sya. " parang kinikilig nyang sabi. Nakataas ang kilay ko syang tinignan. "Halika't tulungan mo akong haluin ang harina habang tinitimpla ko ang lasa ng Adobo."

"May gusto ka ba kay Señor Efeso?" straightforward kong tanong. Napatigil sya at naibaba ang sandok bago tumingin sakin.

"A-anong sinasabi mo dyan, Meisha?" kitang-kita ko ang pagkamula ng pisngi nya. I smirked.

"May gusto ka kay Señor Efeso." umiling-iling sya. Pakipot! Ayaw pang sabihin sakin kahit huling-huli ko na siya. "Huwag ka ng magtangka pang tumanggi sakin. Huling-huli na kita. Tignan mo nga yang pisngi mo, namumula na."

"Hala!" hysterical nyang hinalo ang Adobo. "Sobrang halata ba, Meisha? Hindi dapat ito malaman ng Señor."

"Alin ang hindi dapat malaman?" sabay kaming napatingin. Halos mawalan ng hininga si Isa nang makitang pumasok sa kusina si Efeso. "Hindi ba't ikaw yung babae? Yung napagkamalan ng aking ama?"

She gave me a meaningful look.

Okay hindi ko sasabihin pero nasa mood ako mang-asar ngayon.

"Oho ako nga at ang hindi nyo pwede malaman ay ang... aksidente kong nabasag ang isang pinggan kanina." ngumuso pako. "Huwag mo ho sanang sasabihin kay Señor Alejo, baka mapatalsik ako sa trabaho." pinagdikit ko pa ang dalawa kong hintuturo atsaka tumungo ng nakanguso.

"Hindi ka naman siguro tatanggalin ni Alejo sa trabaho, kilala ko sya, mapagpasensya sya at mabait." nginitian nya ako. Kitang kita ko ang pagtitig ni Isa kay Señor Efeso at sakin. Parang naiinggit dahil nginitian ako ng crush nya. "Ngunit hindi ko sasabihin sa kaniya kung iyan ang iyong nais." ngumiti ako sa kaniya bago patalong yumakap sa kaniya, dahilan ng pagkatigil nya.

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon