"Magandang umaga, Pilipinas!" Maliksi akong tumayo sa higaan atsaka nag unat-unat. Ibinuhol ko din ang kurtina kaya nakapasok sa silid ang konting liwanag mula sa araw na pasikat pa lamang.
Dahil don, nagising sina Aling Indang at Isa.
"Magandang umaga Aling Indang! Magandang umaga Isa! Bumangon na kayo't kailangan na nating magluto ng almusaaaaal." Kitang-kita ko ang pagtataka nila sa'kin. Sinundan nila ko ng tingin hanggang sa lumabas ako ng silid namin.
Sumisipol pa ako habang nagluluto ng aming almusal. Magiliw rin akong nagtimpla ng kape ni Señor Alejo.
Damihan ko kaya ang asukal? Hihi para sweet.
Pa sway sway ko iyong pinatong sa tapat ng upuan ni Alejo.
"Anong mayroon at kay ganda ng iyong gising?" Kunot noong tanong sa'kin ni Isa.
"Kay ganda ng buhay, Isa." Bigla akong kinilig nang maalala ang pag-amin sakin ni Alejo. Oh my gosh! "Kay ganda ko!" I flipped my hair and smiled widely.
"Bakit? Anong nangyari? Mukhang may nangyaring maganda ah. Tuwung gigising kasi tayo ng maaga, nakasimangot ka."
Tumingin ako sa paligid to make sure na wala si Aling Indang bago ako lumapit sa kaniya.
"Umamin sakin si Señor Alejo kagabi! Gusto niya daw rin ako!" I covered my mouth to stop myself from screaming. Gusto kong magtitili!
Ang saya malaman na crush ka rin ng crush mo. Oh my! Para akong nasa cloud nine.Natandaan ko tuloy kagabi, napansin niya kaya ang pamumula ng pisngi ko?
Nang aminin niya kasi sakin yon, nakipagtitigan lang ako sa kaniya habang pinipigil ko ang kilig ko. Gusto ko pa sana siyang kausapin kaso medyo nahihiya ako sa kaniya. Feeling ko tuloy, napakahinhin ko. Kaya ang ending ay nag goodnight na lang uli ako sa kaniya tapos pumasok ako sa kwarto. Don ko na sa unan inilabas ang kilig ko.
Pero dapat ba may sinabi pa 'kong iba?
Ang dami kong gustong itanong sa kaniya pero grabe lang yung kilig ko kagabi! Parang pakiramdam ko nag-iimagine lang ako at panaginip lang ang lahat. Tapos nailang din ako ng konti sa tingin niya sakin. Basta, nakakaspeechless! Andami mong gustong sabihin pero ayaw lumabas ng words na yon. Hindi ako makapagsalita kasi hindi ko inaasahan yon.
"Seryoso?" Napatalon siya sa tuwa kaya nagtatalon din ako. "Pero paano ang kasal nila ni binibining Adonia?"
"Ayan nga din ang gusto kong itanong kagabi, kaso hindi ako makapagsalita! Sobra akong nagulat sa pagtatapat niya." Hindi ko alam kung ano bang nangyayari sa kanila ni Adonia pero bakit siya magtatapat sa'kin? "Balak ko siyang kausapin mamaya."
Sana lang ay makapagsalita ako ng maayos. Sana rin ay makaya kong makipagtitigan sa kaniya kagaya ng dati.
Bigla akong napaayos ng tayo nang panlakihan ako bigla ng mata ni Isa. Sa tagal na naming magkasama, alam ko na ang meaning non!
"Magandang umaga sa inyo." Napalunok ako nang marinig ang boses ni Alejo. Pati boses ang gwapo!
"Magandang umaga rin ho Señor." Mahina akong kinurot ni Isa sa braso ko. Nakatikom naman ang bibig na humarap ako kay Alejo pero gosh! Hindi ko kayang tumingin sa kaniya! Sa sahig lang ako nakatingin.
"M-magandang umaga rin ho."
Mabilis parin ang tibok ng puso ko kahit hindi ko pa man nakikita ang mukha niya. Boses pa lang niya, ang lakas na agad ng epekto sa'kin.
Sinundan ko lang ang paa niya at nakitang umupo siya sa usual seat niya. Narinig ko pa ang pagtunog ng kutsarita na tumatama sa tasa niya.
"Ang tamis ng kapeng 'to." I heard Isa laugh a little but she restrained herself.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionShe's Meisha Buenavista. Isang sadista,mataray,may pagkamasama ang ugali,independent,hindi marunong magmahal at higit sa lahat ay isang secret agent. But what if may matuklasan syang isang secret door?Isang mahiwagang pinto na kung saan pwede kang i...