Kabanata 22

599 31 2
                                    

"Marami tayong bagong miyembro ngayon na sumali dahil sa tulong ng isang ginoo. Kung kaya't lumagpas na ang ating bilang sa tatlong libo." Inikot niya ang tingin sa'min. "Sa Biyernes, magaganap ang pag-aaklas kaya ngayong gabi ay pag-uusapan natin ang mga kailangan nating gawin. Ngunit bago iyon,"

Nagulat kaming lahat nang sa isang iglap ay hawak at nailagay niya na ang dalawang kamay ng isang lalaking nakaupo sa unahan sa likudan nito kung kaya't hindi ito makakilos.

"Ano ang iyong ginagawa?" Tanong nung lalaking hawak niya.

"Isa kang taksil." Malamig na sabi ni Matilda.

Ibig sabihin....

"Akala mo ba'y hindi namin malalaman ang iyong mga ginagawa kapag kami'y nakatalikod?"

"A-ano ang iyong ibig sa-" Hindi niya na natuloy ang sasabihin dahil napasigaw siya sa sakit nang pilipitin pa ni Matilda ang kamay niya.

"Huwag ka ng magmaang-maangan pa. Ikaw ang sumaksak sa dalawang Señor. Nag-iwan ka pa ng telang itim na kagaya ng sa ating pandong para sirain ang samahang ito." Sinipa niya ang lalaki papunta don sa lalaking nakapulang hood na palaging nagbabantay sa may entrance. "Nang makita ko si Señor Alejo na nakikipag-usap sa mga mamamayan sa pamilihan, andon ka at nagmamasid. Saan man siya pumunta, sinusundan mo siya. Akala mo ba'y hindi kita makikita at mahahalata?" She smirked. "Buti na lamang at sinundan ko kayo."

Biglang pumasok sa isip ko yung lalaking nakita ko noong umalis kami ni Alejo para bumili ng regalo? Yung nagtatago sa puno? Siya rin kaya yon?

"At isa pa'y, bakit ganto ang iyong pandong? Mukhang binawasan?"

Mukhang natakot naman bigla yung lalaki nang humakbang papalapit sa kaniya si Matilda.

"Ngayon, sabihin mo sa'kin ang dahilan kung bakit mo iyon ginawa? Bakit gusto mong sirain ang samahan?"

He looked at Matilda. "Dahil kinamumuhian ko ang mayayamang katulad nila." Bumagsak ang mga tingin niya sa sahig. "Nagpadala ako noon ng sulat sa dating Gobernador Heneral. Humihingi ako ng tulong pampagamot sa aking kapatid ngunit wala siyang tugon. Namatay ang aking kapatid at gusto kong ipakita sa kanila ang aking pagrerebelde. Nakakaangat sila sa ating lipunan kung kaya't ang tataas na ng tingin nila sa kanilang mga sarili. Ni hindi nila kayang tumulong at tumingin sa mas nakakababa sa kanila."

Gusto kong maawa sa kaniya pero nangibabaw sa'kin ang inis kung kaya't tumayo ako kaya napatingin silang lahat sa'kin. Balak pa 'kong hilahin paupo ni Bernardo at Isa pero lumayo na ako kaagad sa kanila.

"Sigurado ka bang nabasa ng dating Gobernador Heneral ang iyong sulat?"

"Hindi ngu-"

"Mga gwardiya sibil ang unang makakatanggap non sapagkat sila ang bantay sa kaniyang tirahan. Paano kung hindi nila yon binigay sa kaniya?" Matatalim ko siyang tinignan. "Iba sina Señor Romulo at Señor Alejo sa sinasabi mong mga mayayamang matataas ang tingin sa kanilang sarili. Sila'y mapagkumbaba at pantay ang tingin at trato sa mga mas nakakababa sa kanila. At kung natanggap man ni Señor Romulo ang iyong sulat, nakakasigurado akong tutulungan ka niya." Humarap ako kay Matilda na nakaharap na din sa'kin. "Hindi ba?"

Kahit natatakluban ng red hood ang mukha niya, alam kong nagulat siya sa tanong ko.

Ngumisi ako.

Alam kong hindi niya alam na may alam ako tungkol sa kanila ni tandang gwapo.

Nang makabawi, hindi siya sumagot sa'kin at tumingin nalang uli don sa lalaki. "Bakit mo dinamay ang samahan?"

"Para lamang lituhin sila. Para hindi nila malaman na a-" Halos lahat kami ay nagulat nang sa isang iglap ay kinuwelyuhan ni Matilda yung lalaki.

Way Back 1895Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon