Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Sa isang iglap lang, wala na siya, wala na si Aling Felisa.
Andito na uli kami ni Bernardo sa bahay. Nailibing narin nila si Aling Felisa kanina at hanggang ngayon ay hindi ko parin matanggap ang nangyari.
Parang nung isang linggo lang, andito pa siya. May sugat sa labi pero kami parin ang inaalala.
Tinanong niya pa ang birthday ko dahil gusto niya yung icelebrate.
I wiped away the tears that had escaped from my eyes. Why is my tears like this? It seems like it never runs out.
Pero ang sakit eh.
Ang sakit-sakit.
For the second time, may tao na namang nawala sakin. Kung kailan handa nakong buksan ang sarili ko para sa kanila, kung kailan tanggap ko na na isa kaming pamilya, bakit ngayon pa siya nawala?
Inay Felisa.
Ni hindi ko man lang to natawag sa kaniya.
Siya yung taong handang tumulong sa taong kahit hindi niya kilala. Hindi siya nahingi ng kapalit at isang salamat lang ay okay na.
I smiled bitterly.
Hindi pa ko nakakapagpasalamat sa kaniya sa pagtulong niya sakin, sa lahat ng ginawa niya para sakin. Sa pag-aalaga at pagmamahal sakin na parang tunay niya akong anak.
At sa pangalawang pagkakataon, nawalan ako ng ina.
Tuluyan na nga akong napahagulhol ng tahimik sa pag-iyak. Andito ako ngayon sa kwarto kung saan tabi kaming matulog ni Aling Felisa samantalanag si Bernardo naman ay nasa sala.
Inay, kung sino man ang gumawa nito sa inyo, sinisigurado kong magbabayad siya.
Kinuyom ko ang kamao ko't pinunasan ang luha sa pisngi ko.
Whoever did this to her, be ready. I will make you pay and suffer.
I gritted my teeth but I was startled by a scream.
Si Bernardo!
Agad akong tumakbo papunta sa sala. Napahawak ako sa bibig nang makita ang isang basag na banga. Mukhang hinagis ni Bernardo. Galit na galit ang mata niya na nakatitig dito.
"Alam kong sila ang may gawa nito sa aking ina." He looked at me. "Ang mga kastilang yon ang pumatay sa aking ina!" Nagulat ako nang itumba niya ang isang upuan sa sala.
"Be-bernardo, tama na." Lalapit sana ako sa kaniya pero humakbang siya papalayo.
"Kagaya ng aking kapatid, pinaslang din nila ang aking ina. Pagbabayaran nila ito. Buo na ang desisyon ko, sasali na ako sa kanila."
"Ano ang ibig mong sabihin?!"
Hahabulin ko pa sana siya kaso ay tumatakbo na siyang lumabas ng bahay.
Pumunta na lang uli ako sa kwarto at doon napaupo. Gusto ko siyang habulin but I felt weak. Parang wala akong lakas ngayon na habulin siya. At alam kong may binabalak siya.
He will also take revenge, like me. Ngunit magkaiba kami ng paraan. At ano ang ibig sabihin niya? Anong sasali? Saan sasali? Sinong sila?
Minasahe ko ang aking sentido.
Sa ngayon kailangan ko munang mag-isip ng paraan kung paano ko maigaganti si Aling Felisa at ang kaniyang anak na babae sa mga Kastilang yon.
Pero pinag-iisipan ko parin kung ang mga kastila nga ba ang may gawa non kay Aling Felisa dahil wala pa naman kaming matibay na ebidensya. Pero isa sila sa maaaring gumawa non dahil sabi sa amin ni Pako (yung lalaki kaninang nagturo samin kung nasaan si Aling Felisa) nakita niya ang dalawang gwardiya sibil na nakatok dito samin. Sila ang huling nakitang kasama niya kaya isa sila sa mga suspect.
BINABASA MO ANG
Way Back 1895
Historical FictionShe's Meisha Buenavista. Isang sadista,mataray,may pagkamasama ang ugali,independent,hindi marunong magmahal at higit sa lahat ay isang secret agent. But what if may matuklasan syang isang secret door?Isang mahiwagang pinto na kung saan pwede kang i...