Kabanata 1

50 0 0
                                    

Kabanata 1

So you're back

Apat na taon na ang nakalipas simula nang umalis ako. Apat na taon ang itinagal ko sa ibang bansa para ihanda ang sarili ko upang makaya lahat ulit. Apat na taon na pala ang nagdaan, ang bilis, sapat na nga ba ang apat na taon pag nagkaharap ulit kami?

Pagkalapag na pagkalapag ng eroplano ay ramdam na ramdam ko ang init dito sa Pinas, walang pinagbago. I never told anyone na babalik ako kaya magtataxi nalang muna ako para makauwi. Alam ko na pagkauwi ko ay kailangan ko nang harapin lahat ng what ifs ko. Like what if magkita ulit kami? What if nasa harapan ko na siya? Gaya na lang ng ubod ng guwapong nilalang na nasa billboard. Wait! Seriously? Sobrang guwapo, parang hindi tao, parang ipinatapon mula sa Mt. Olympus.

"Manong, do you know that guy?" Bigla kong tanong sa driver ng taxi na sinasakyan ko.

Umubo siya ng peke. "Type mo ba? Miss di mo ba kilala iyan? Sikat na sikat ang batang iyan." Natatawang sagot ng driver.

"Hindi po eh, pero mukha pong pamilyar." Pagtataka ko.

Sa tagal kong nawala dito sa Pilipinas ay tila kahit mga lugar ay nakalimutan ko na. Sa sobrang sakit kasi ng mga nangyari ay iniwan ko na lahat dito bago ako umalis. Pero may isang bagay talaga ako na kailanman ay hindi ko makakalimutan. Isang bagay na nagpabago ng takbo ng buhay ko.

"Richard Concepcion, ang pangalan niya iha."

Halos maestatwa ako sa kinauupuan ko nang marinig ang pangalang iyon. Kaya pala mukhang pamilyar. Ang laki nang ipinagbago niya. Ang layo sa Rich na nakilala ko noon. Hindi na siya mukhang gay. Sobrang tikas na ng dating niya kaya halos hindi ko siya nakilala.

"Sigurado po ba kayo manong?" Hindi makapaniwala kong tanong sa driver.

"Ilang taon ka ba nawala sa Pinas iha? Marami na ang nagbago." Makahulugang sagot ni manong driver.

Unbelievable. Iyong taong mas maarte pa sa akin ay nag model sa isang sikat na magazine? So lantaran na ngayon ang pagkatao niya? Alam din kaya ng lahat na may pilantik ang lalaking iyon? Na lalaki rin ang gusto niya? Tss.

Nung umalis ako siya ang huli kong nakita at ngayon namang pagbalik ko siya pa rin? Parang mas kailangan kong ihanda ang sarili ko dahil maya-maya ay makabangga ko na lang siya basta kung saan.

Imbes na dumiretso ako sa bahay ay nandito ako ngayon sa isang bar. It still stings. Four fvcking years pero ganun pa din. Fresh. Parang kahapon lang ang lahat.

"Forget about me as we forget everything that happened last night because we both know that everything is just a mistake."

I never forget anything about it. I've tried every single day to forget but I guess my best was not good enough. Sht. Bakit pa kasi bumalik ako dito kung maganda na naman ang career ko sa ibang bansa. Why? Why Hill? Tapos ngayon I'm like an idiot here na kinakausap ang sarili. Mag-isa na nga lang umiinom, tila baliw pa. Hay. Fvck.

Kahit gaano pa karaming alak ang inumin ko. At kahit lunurin ko pa ang sarili ko sa sandamakmak na alak ay tiyak akong hindi ko makakalimutan  ang hinayupak na lalaking iyon. Bakit? Simple lang. I want answers. Answers na kahit kalian ay hindi ko alam kung saan ko hahanapin. Babalik at babalik pa rin ako sa una, sa taong nanakit sa akin, sa taong halos sirain ang kabuuan ko.

So now, I'm here. Bumalik para sa sagot na matagal ko nang hinahanap. But I'm still not yet ready to face him. Ayoko. Baka masampal ko lang siya gamit ang stilettos na suot ko. He's a fvcking coward. He's a douche. Baklang a'hole.

Lips Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon