Kabanata 4
Just like before
"Happy Birthday! Let's party!"
Sabay-sabay kaming sumigaw ng nga pinsan ko kasama ang mga ibang friends namin dito sa bahay. It's not my birthday pero birthday ng isa sa mga pinsan ko ngayon. He's celebrating his twenty-first birthday, debut ng mga lalaki kumbaga. Sa bar sana kami magcecelebrate kaso medyo KJ si mom. Wala daw magwawala sa labas. So funny, so dito kami magwawala sa loob? Akala niya ata ay mga bata pa kami.
"So what now Hill? Nagkita na kayo?" Biglang tanong sa akin ni Kuya Ron matapos akong abutan ng alak.
"Oh yeah." Kaswal kong sagot sabay lagok ng alak sa harap ko.
Kahit wala siyang sabihing pangalan ay alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya.
Nakaupo kami ngayon dito sa may garden sa bahay. At sinisimulang magpakalunod sa alak hanggang sa hindi na namin kayanin.
"Anong naramdaman mo nung makita mo ulit siya?" Muli niyang tanong.
Here we go again. Kuya Ron is one of my closest cousin. Halos lahat naman sila ay kaclose ko. Mas kaclose ko lang siya kasi tumira siya kasama namin ni Kuya. Siya iyong medyo seryoso sa buhay at sa relasiyon, medyo lang. Kasi hindi rin niya maiwasang magkaroon ng maraming flings kahit seryoso siya sa girlfriend niya. Sa kaniya ako natuto magparty at mag-inom. Sa kaniya ko rin natutunan iyong mga pambobola at mga kalokohan. He's strict pero mas strikto si Kuya. That's why buddy buddy kami lalo na sa mga kalokohan. Siya rin nakakaalam ng mga relationshits and relationships ko. He's like my guy version kaya close talaga kami. And now, heto na naman siya. Alam ko na agad kung saan papunta ito. Tsk.
"Do I need to feel anything?" Natatawa kong tanong sa kaniya.
Kumunot ang noo niya bago magsalita.
"You don't want to talk about it huh?" Paratang niya.
"Eh?" Tanging sagot ko.
Nagkibit-balikat lamang siya.
"Stop this non sense Kuya." Medyo iritable kong sinabi.
He's right. I really don't want to talk about it now. 'Coz that fvcking gay is ruining my moving on process. Seriously? Nag momove on ako? No! Let me rephrase it. He's ruining my new life, new life without him.
"You haven't move on couz." Seryoso niyang sinabi.
"Hey!" Bigla ko siyang tinapik bago muli magsalita.
"You know what? Let's just party."
Umalis na ako doon sa tabi ng pinsan ko at nakihalubilo sa iba naming mga pinsan at mga kaibigan. Mas okay dito kesa naman sa mga tanong ni Kuya Ron na tila daig pa ang NBI. Grabe mang interrogate eh.
"Whoo!" Sigaw ko habang nagkakasiyahan na kami.
Tumatama na ang alak sa sistema ko, ganoon na din sa mga pinsan ko. Kanina pa kami nag-iinom at wala kaming pakialam sa paligid.
Alak dito, alak doon. Tawa dito, tawa doon. This is life!
"De pota kayo!" Mura ko matapos akong biglang ibato ng mga pinsan ko sa pool.
Tawa lang sila ng tawa. Mga luko-loko. Natatawa na din ako matapos makita ang sarili kong basang basa. Mga siraulo talaga. Nawala tuloy amats ko. Mga pasaway.
Naiiling akong naglakad papasok sa bahay namin. Nang malapit na ako sa pinto na nagdudugtong sa bahay namin at sa garden ay may biglang humatak sa akin.
BINABASA MO ANG
Lips Don't Lie
General FictionThey say lips don't lie but I guess they are fvcking wrong 'coz lips do lie, terribly.