Kabanata 16

7 0 0
                                    

Kabanata 16

Witch

It's been a week simula nang magbahay bahayan kami ni Rich. That's the term na ibinansag sa amin ng magaling niyang kapatid na si Kurt. Ang siraulo na iyon. Kung anu-ano ang tinanim sa utak ng anak ko. Hindi ko pa rin makalimutan ung hirap ng pagpapaliwanag ko kay Rayven tungkol sa paghingi niya ng baby sister.

"Mommy! You'll grant my wish na po?" Maamong tanong ng anak ko habang ang kamay ay tila nagdadasal kasama ang mga matang punong puno ng pag-asa.

"Uhm." Halata ang hirap sa aking boses. "Baby kasi hindi ka pa pwedeng magkaroon ng baby sister pero promise bibigyan kita noon. Pero hindi pa ngayon baby. Kasi gusto pa ni mommy na ikaw lang muna ang baby niya." Lambing ko sa kaniya saka siya inakap at hinalikan sa tuktok ng kaniyang ulo.

"Promise po mommy?" Muli pa niyang hirit.

"Yes baby. Lahat naman ng wish mo tinutupad ni mommy 'diba." Malambing kong sagot sa kaniya kahit hindi ko alam kung paano matutupad ang hiling niya.

Laking pasalamat ko na simula noon ay hindi na muli pang nangulit ang aking anak tungkol sa pagkakaroon ng kapatid. Kaya ngayon ay hindi lang si Rich ang problema ko kundi pati ang pangako ko sa aking anak na magkakaroon siya ng kapatid.

Makalipas ang pitong araw o isang linggo ay masasabi ko na mas nahihirapan ako sa mga nangyayari. Rich is acting so sweet and so nice. Isang mabuting asawa ang datingan niya. Kaya mas mahirap sa parte ko dahil baka mas malunod ako sa mga pinapakita niya. Baka kasanayan ko lahat ng ginagawa niya. Na baka isang araw maglaho na naman lahat ito ng parang bula. Na sa huli pakitang tao lang pala ang lahat. It's hard getting attached when you know that you'll end up getting hurt.

One ordinary day when we are resting here in our so called home. Rich is teaching Rayven how to read when we are disturb by a doorbell. So since ako ang walang ginagawa, ako ang tumayo para magbukas ng pintuan. Nakangiti pa ako nang buksan ko ang pintuan pero lahat naubos nang makita ko kung sino ang dumating.

"Hi Hill." Nakangiti niyang saad pero ramdam ko ang kaplastikan rito.

I know her. Of course. Nagpunta lang ako ng Paris pero may balita pa rin ako sa Pilipinas. Kaya hindi ko kailangang magbait baitan sa isang tulad niya. Bitch is an understatement to describe her. She's more than that. She's an enemy. She's evil. I know. Because I've already met her before. Tipong sinadya niya talaga ako para lang makausap. How could I forget someone na binantaan ako at ang anak ko na huwag haharang sa mga gusto niya.

"Papapasukin mo ba ko o magdamag tayong tatayo rito?" Maarte niyang tanong.

"Oh sorry. I think it's my house so it's my decision if I will let you enter or not. But my inner self says no. So una na ko ha. You're not welcome I'm sorry." Isasarado ko na sana ang pinto nang sumigaw siya.

"Rich! Talk to me! You a'hole!"

Then Rich come rushing to the door. Aalis sana ko sa harap ng pintuan pero pinigilan niya ako."Stay." Aniya habang hawak ang aking braso.

"But what about Rayven? Talk to that bitch and I will stay with my son. I don't want him to hear anything." Akmang aalis na ako nang bigla niyang higpitan ang hawak sa aking braso.

"Nakatulog na ang bata. Let's face this together."

So I don't have any choice but to stay beside him. He opened the door and we were welcomed by an evil witch. Agad na umirap ang bruha matapos akong makita sa tabi ni Rich. I just smirk to annoy her more.

"Let's talk babe." Maarte niyang saad.

Hindi ko alam pero natatawa talaga ako sa kaniya. Kanina parang tigre nung ako ang kausap pero ngayon mas malala pa sa kuting sa amo nung si Rich na ang kaharap. Sobrang plastik.

"What are you doing here?" Diretsahang tanong ni Rich.

So here I am like an audience. At para kaming mga tanga dito na nakatayo sa tabi ng pintuan.

"I told you let's talk. Privately. You have lots of explaining to do. Please." Pagpapaawa pa niya habang inaabot ang isang kamay ni Rich.

"Can you please stop this Brit. Wala na tayong dapat pag-usapan dahil una pa lang ay alam mo na kung ano talaga ang meron tayo." Seryosong saad ni Rich matapos tabigin ang kamay ng bruha.

I can't see his expression clearly kasi masiyado akong naiinis sa nakikita ko. Like yeah, he's holding my hand but shit the girl in between is in front of me. I can still clearly remember every word she said when I was in Paris.

"Don't ever come back kasi wala ka nang babalikan. So stay in your place. Huwag na huwag ka nang babalik kung ayaw mong idamay ko ang anak mo."

So how can I even forget her face na pati anak ko ay idadamay niya sa kabaliwan niya.

"You told me to wait pero ano 'tong nakikita ko. Akala ko ba anak mo lang ang kukunin mo. Bakit pati 'yang babae na iyan ay kasama." Gigil niyang sabi habang dinuduro ako. "I've waited enough Rich. Ilang buwan na ang nakalipas. Pero ayoko nang maghintay pa ng ilang araw o buwan. Dahil bawat oras na kasama mo siya may tendency na mawala ka sakin. So please umuwi ka na sakin. Kagaya ng dati."

Gulong gulo ako. Kasi masakit pa rin pala. Hanggang ngayon masakit pa rin pala. Alam ko naman, na kaya lang siya mabait sakin dahil sa anak namin. Hindi totoo na he wants me back. Ramdam ko naman pero ang sakit pala. Mas masakit pa sa isang sampal. Kaya bago pa ako maiyak ay umalis na ako roon. Ayoko nang makarinig pa ng kahit ano. Hindi ko pa kaya. Na kahit kailan ay hindi ko ata talaga kakayanin. Simpleng sagot. Kasi kahit anong gawin ko mahal ko eh. Kaya masakit. Kahit anong tanggi ko alam ko sa kaibituran ng puso ko na siya pa rin. Na never namang nawala. Na kahit kailan masasaktan at maaapektuhan pa rin ako basta tungkol sa kaniya.

"You talk to her. I'll check my son." Sabi ko bago tuluyang umalis sa tabi niya kasabay ng mga luha ng sunod-sunod ang patak mula sa aking mga mata.

Lips Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon