Kabanata 5

32 0 0
                                    

Kabanata 5

Revelations

There's a certain moment in your life na gustong gusto mong balik balikan. Kahit na past na iyon ay ang sarap pa ring alalahanin at ramdamin ang bawat sandali na nangyari. And realizing that many things have changed. Maybe for the better or maybe to teach you a lesson to be a better person. But no matter what the reasons behind are, things happened and you cannot go back there to redo it or erase it. It happened already and you just need to move on to your present life.

Even if I had a chance before na hindi gawin iyong bagay na iyon, a chance na hindi siya halikan at mangyari lahat iyon. I'll still choose to do the latter kahit pa that's the reason kung bakit nasira ang lahat. Maybe I regret it 'coz the timing is wrong but it's one of the happiest moment in my life.

"Do you still remember how happy we were before?" Halata ang lungkot sa kaniyang mga mata.

Finally ay nagsalita na rin siya dahil kanina pa ako nauubusan dito ng ideas kung paano magkaroon ng topic para mapag-usapan.

Kanina pa kami dito nag-iinom pero wala naman kaming matinong mapag-usapan. Laging one-sided lang ang convo. Ako lang iyong nag-uusap. Pero ngayong siya naman ang nagtanong ay hindi ko alam kung saan kukunin ang isasagot. He's right. Sobrang saya nga namin dati. Puro kalokohan at walang tampuhan. Never ata kaming nagkagalit. Noong nagkagalit naman kami ay halos kalimutan na namin ang isa't isa. That was just one time big time.

"If it didn't happen..." Natigilan ako.

"Sa tingin mo okay pa din tayo?" Dagdag ko bago muling nilagok ang beer.

Ibang lakas ng loob talaga ang naibibigay sa akin ng alak. I really wanted to know kung iyon lang ba talaga ang dahilan kung bakit nagkasira kami. Para kasing may kulang. Parang hindi sapat iyong dahilan.

Uminom muna siya ng beer bago lumingon sa akin at nagsalita.

"Maybe we will just prolong the agony."

Natatawa siya nang nagsalita. Ano bang nakakatawa? And ano iyong prolong the agony? So nagtitis lang siya sa akin before? Gago lang.

"Prolong the agony?" Naka kunot-noo kong tanong.

Sa inis ko ay hinarap ko talaga siya habang nakataas ang kilay ko. Prolong the agony? Alam kong brat ako, kapag ayaw sa akin dapat ay sinasabi hindi iyong ganun. Parang lumalabas na pinagtiisan niya lang ako maging bestfriend.

Imbes na sumagot siya ay tumawa lang siya.

"Ano bang nakakatawa ha!" Sigaw ko sa kaniya. Naiinis na talaga ako.

"You." Tinuro niya ako saka idinikit ang kaniyang hintuturo sa tip ng ilong ko.

Argh. Naiinis na talaga ako sa kaniya at naiilang sa simpleng ginawa niya. Kaya kinagat ko iyong hintuturo niya saka tumawa.

Tawa ako ng tawa kasi ang pula ng mukha niya, parang kamatis.

"You're so red." Bulalas ko habang patuloy na tumatawa.

"Silly girl."

I heard him say. Sa kakatawa ko ay hindi ko namalayan ang mga susunod na mga nangyari.

Nakakalasing. Nakakalasing. Lasing na lasing ako sa mga halik niya. We were kissing now like there's no tomorrow. I can taste the alcohol in his mouth. Pinaghalong mint at alcohol.

Gusto ko sanang magprotesta nang tumigil siya. I wanted more. Kaso mas nabigla ako ng itayo niya ako at ipinagpatuloy ang ginagawa namin kanina.

Lips Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon