Kabanata 22
Partners
I was here at the airport waiting for my two friends. Yeah, I am considering them as my friends. Ilang taon din kaming naging magkakasama sa trabaho at pinagkakatiwalaan ko sila lalo na pagdating sa negosyo. Alam kong ngayon ang uwi nila at kabilin-bilinan ng magaling na si Anton na ako dapat ang susundo sa kanila. I was about to protest but masiyado akong good mood ng magkausap kami dahil na-approve ang proposal namin.
I decided na maupo muna sa isang bench habang inaantay sila. Wala namang masiyadong tao ngayon since ang aga pa. I was wearing my aviators, na lagi kong gamit lalo na kung nasa public place ako. Naka-gray sweatpants ako, white crop top shirt and white rubber shoes. Nakalugay lang ang maiksi kong buhok. Hindi na ako nag-abala pa na magsuot ng kung ano since susundo lang naman ako, and for sure knowing Anton and Mona malamang ay naka-aviators lang din ang dalawang iyon at simpleng shirt at pants.
Hindi naman nagtagal ang pag-aantay ko dahil tanaw ko na mula rito ang dalawang kaibigan ko. Anton is wearing a black fitted shirt na kitang-kita ang pinagmamalaki niyang katawan na babad lagi sa gym at may naka-angkla sa kaniyang isang babae. Awtomatikong napataas ang kilay ko. Who's that girl? Tumayo ako para salubungin sila at para alamin na din kung sino ba ang kasama nila. Hindi nakawala sa paningin ko ang nakasimangot na mukha ni Mona sa gilid, she's wearing a white fitted shirt, fitted jeans and killer boots.
"Qué está haciendo esa perra aquí?" (What is that bitch doing here?) Hindi ko mapigilang tanong kay Mona ng makalapit na ako sa kanila.
"Nuevo sabor de ese gilipollas." (New flavor of that asshole.) Nakangusong sagot ni Mona sa akin.
"Mezclar negocios con placer ahora?" (Mixing business with pleasure now?) Naiiling kong sinabi. Nagkibit balikat lang si Mona at tumingin ng matalas kay Anton.
We're talking in Spanish para hindi maintindihan ng kasama ni Anton.
"Hey, ladies. I can hear you." Nakangisi nitong sinabi.
"Gilipollas." (Asshole.) Sabay naming sambit ni Mona at saka mabilis na naglakad patungo sa kotse ko.
Knowing Anton hindi magiging tahimik ang biyahe namin. Tapos kasama pa niya ang isa sa mga babaeng kinakainisan namin ni Mona. Ano bang pumasok sa utak nito at nagsama siya ng babae dito sa Pilipinas. Hindi naman bakasyon ang kaniyang ipinunta dito. Kanina pa talaga ako nagtitimpi, lalo na at sobrang arte pa ng babae, 'kala mo naman ay hindi Pilipino kung makapagreklamo sa klima dito.
"It's so hot here babe." Paanong hindi maiinitan ay naka-fur coat pa at panay ang lingkis kay Anton na akala mo ay mahuhulog sa kotse sa sobrang higpit ng hawak.
"I'll stay at your place Hill." Mona said at hanggang ngayon ay nakasimangot pa rin siya.
I am driving kaya hindi ko masiyadong mausisa at isa pa may naglalandian sa back seat ng kotse ko.
"Hill. You know her, right? You walked too fast earlier kaya hindi ko na naipakilala." I saw at my rear-view mirror na nakaakbay na ito sa balikat ng babae.
"Hi Miss Hill." Anito sa isang malanding boses.
"Drop the formality Raquel. I know that you're a class A bitch." Masungit kong sagot dito dahilan para mapatahimik lahat ng nasa kotse.
Inihatid ko lang si Anton at ang babae niya sa isang hotel. Bukas ko na lamang siya kakausapin. Kaya ngayon ay naiwan sa kotse ko si Mona. Nakahalukipkip at tila hindi mapakali sa kaniyang pwesto.
"I really hate him." Nagulat ako sa sinabi niya.
"Who? Anton? Bakit ba? What happened ba?"
At doon nagsimula ang kwento niya. Alam ko naman na noon pa lang ay may kakaiba na sa kanilang dalawa. Pero ngayon ko lang talaga nakumpirma, since hindi ko naman ugaling makialam lalo na 'pag tungkol sa mga ganitong bagay. Pero kahit noon pa ay talagang gago na ang lalaking iyon at alam kong alam na alam naman iyon ni Mona pero bakit kaya pinili pa rin niyang mahulog? There are really unexpected things na wala ka ng magagawa minsan, lalo na 'pag lunod na lunod ka na.
"So, what's your plan now?" I asked.
Hindi siya umimik at eksaktong nandito na kami sa bahay ni Mom. I told Mona earlier na I can't bring her at my condo since nandoon ang mag-ama ko. Maybe, I'll just stay here for a while muna lalo na at iniiwasan ko na naman si Rich dahil sa nangyari sa amin nung nakaraan.
Napakalabo talaga minsan, tila ang tapang tapang ko every time our lips meet pero after ng lahat para akong tinutubuan ng hiya sa buong katawan ko. Ghad. Tandang tanda ko pa din bawat detalye. Lalo na, na ako mismo ang nag-initiate ng lahat. Nakakahiya talaga. Hindi ko maiwasang sapukin ang sarili ko.
"Take a rest for now friend. May meeting tayo bukas with Mom."
Iniwan ko lang muna si Mona sa isang guestroom namin at tumawag sa anak ko na dito muna ako sa bahay ng Mamu niya. Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya ng sabihin niyang susunod sila dito ng daddy niya. Minsan talaga ay nagtataka ako kung tatlong taon lang ba ang batang iyon, para kasing matanda kung mag-usap. Tila matanda na nasa loob ng katawan ng isang bata.
Papunta ako sa baba ng marinig ko ang pagtunog ng phone ko. "Is Mona with you?" Tanong nito sa kabilang linya.
Napairap ako sa kawalan. "Ano namang paki mo ha?" Singhal ko sa kaniya.
"Sungit. I am just asking." Narinig ko ang pagtawa niya. "Pero kasama mo nga?" He asked again.
"Iniwan ko kina Kurt. You know Kurt, right? Doon daw muna siya eh." Pinipigilan kong matawa.
I hear him sigh. "Stop joking Hill. It's not funny."
"Alam mo kasi Anton isa kang malaking gago at nagsama ka pa talaga ng babae. Alam mo ayusin mo 'yan ha. Kapag ako napuno sa kalokohan mo puro lalaking model na lang nag ititira ko sa kumpanya natin. At talagang si Raquel pa? Alam mo bang sagad ang inis namin doon ni Mona. Ghad. Hindi ko alam ang pumasok diyan sa utak mo Anton." Inis kong litanya dito.
"Alright." Pumalatak siya. "But not now. I still hate her for dating my friend." Aniya saka ibinaba ang tawag.
I have my own problem to deal with tapos ngayon ang mga kaibigan ko ay dumadagdag pa sa problema ko. As far as I am concern, they were here for our business and not because I need to fix their issues. Ugh.
BINABASA MO ANG
Lips Don't Lie
قصص عامةThey say lips don't lie but I guess they are fvcking wrong 'coz lips do lie, terribly.