Kabanata 15
Baby Sister
The party ended so well. Sobrang hyper kanina ng anak namin kaya ngayon ay tulog na tulog na siya sa aking kandungan. Masayang masaya ako dahil I saw my son happy. Tanggap na tanggap siya at mahal na mahal siya ng mga kamag-anak ni Rich. Naramadaman ko rin ang buong puso nilang pagtanggap sa akin pero hindi ko pa rin maiwasan ang matakot. Matakot para sa sarili ko at sa aking anak. Mayroon pa ring parte sa utak ko na nagsasabi na baka kaya nila kami tinanggap ng maayos ay dahil no choice lang sila. Dahil ako ang ina ni Rayven, na naanakan lang ako ni Rich. Masakit. Masakit kung ganoon man ang maging dahilan. Pero wala naman akong magagawa kung sakali. Hindi ko naman ginusto lahat ng ito. Na mauna ang anak kesa sa kasal. Lalong lalo na, na nauna ang anak kesa sa relasyion.
My relationship with Rich is still a blur. He said that he wanted to marry me. But after I said na ayoko dahil feeling ko ay nagpapakasal lang siya dahil sa obligasiyon niya sa amin ay wala na muli akong narinig na pagpupumilit mula sa kaniya. Ibig sabihin ay tama ako na gusto lamang niyang magpakasal dahil sa may anak na kami at hindi dahil mahal niya ako.
After everything that happened to my parents, at a very young age I witnessed how painful love can be. Kaya I distant myself from people, lalong lalo na sa mga lalaki. My trust issues grow as how I grow old. My walls were unbreakable. And my heart became as hard as a stone. But when I met Rich, nagbago lahat. Kahit pa alam ko na bawal, na mali ay sumugal pa din ako. I took all the risk and it cause me a lot of pain. And in the process I lost myself again. But now, I'm just not deciding for myself. May Rayven na kasama na. I already have a child kaya kahit gaano pa kasakit, I need to face his dad para maging masaya siya. Although, Rich and I had some closure about some things in the past may mga unsettled issues pa rin kami na hindi napag-uusapan. But now, I need to act okay for my child. All I want now is to give him all the happiness in the world even it breaks my heart.
Just like now, I'm packing our things para lumipat sa condo ko dati. We need to act like a whole family. It's for my son. Ayoko namang lumaki siya at magtaka kung bakit hindi magkasama ang parents niya sa bahay. The first week of his stay here is like hell. My son is a very clever boy kaya lagi niyang tinatanong kung bakit hindi namin kasama sa bahay ni mom ang kaniyang daddy. I need to lie of course. Hanggang sa natuto nang magtampo ang bata at magsumbong sa mamu niya, which is my mom. Kaya ngayon ay humantong kami sa ganito. Mukang okay naman sila lahat sa ganitong set up bukod lamang sa akin. Because being with Rich is risking my heart again.
"Mommy faster. I'm so excited!" My son exclaimed while giggling.
"Oh yes baby." Nakangiti kong sinabi pero halata sa boses ko na hindi ko nagugustuhan ang mga nangyayari.
"Mommy! Come! Daddy's here already." My son shouted.
I'm annoyed. Really annoyed. So kailangan pa niya kaming sunduin dito? I'm causing too much delay na I'm doing on a purpose. Kasi nga ayaw ko siyang makita agad. Umuusbong kasi ang galit ko sakaniya.
"Hill." Bati ni Rich nang nakangiti.
"Oh aga mo ah." Naiinis kong sinabi.
"Stop frowning. Sumbong kita sa anak natin sige ka." Nang-iinis niyang sambit.
Nilagpasan ko lamang siya at dumiretso na sa kotse. Want to be with me? I'll give him what he wants, in a very hard way possible.
"Just wake me up when we arrive." Masungit kong sinabi at ipinikit na ang aking mga mata.
Hindi ko alam kung dala na rin ng pagod kaya nakatulog ako basta. Kaya buong biyahe ay payapa ang naging tulog ko. I'm also wondering kasi hindi nag-ingay ang anak ko. Madalas madaldal iyon lalo na kapag kaharap niya ang kaniyang ama. Sa sobrang himbing ng tulog ko ay nagising na lamang ako na nasa kwarto na pala ako. I took shower first bago ko naisipang lumabas. Tantsa ko ay tanghali na rin base sa sikat ng araw.
BINABASA MO ANG
Lips Don't Lie
Ficción GeneralThey say lips don't lie but I guess they are fvcking wrong 'coz lips do lie, terribly.