Kabanata 17
Talk?
Dumiretso agad ako sa kwarto at tumabi sa aking anak. Tila ba sakaniya ako humuhugot ng lakas habang yakap siya. Minsan talaga kahit anong iwas at tanggi mo isasampal sayo ng mga nangyayari ang katotohan. Kung ano ang iyong tunay na nararamdaman. Kung gaano kasakit at kung gaano ka kaapektado kasi mahal mo siya. Shit lang 'di ba. No matter how hard you try, babalik at babalik ka pa rin sa umpisa.
I've spent four fucking long years in Paris. Apat na taon akong nag-ipon ng lakas ng loob upang ibangon ang sarili ko. Apat na taon para maghilom pero sa isang iglap wala na. Game over na balik na naman sa umpisa.
Ito ung pinakamahirap sa pagmu-move on. Iyong tipong akala mo ayos ka na. Akala mo ready ka na. Kasi 'di ba hinanda ko na iyong sarili ko. Apat na taon nga 'di ba. Pero sa isang iglap, nabasag na naman ako. At ngayon hindi ko na naman alam kung paano babangon.
Nagising na lamang ako sa halik ng anak ko."Wake up mommy. Rayven loves you."
Hindi ko alam pero bigla na naman akong naiyak. Kahit ayoko mang ipakita sa anak ko ang aking mga luha pero sa mga sinabi niya ay hindi ko napigilan ang pagpatak ng mga luha sa aking mga mata.
"Mommy why are you crying?" Malambing niyang tanong habang pinupunasan ng kaniyang maliliit na kamay ang aking mga luha.
"Nothing baby. I'm just happy." Sagot ko sabay yakap sakaniya at hinahalikan sa kaniyang buhok.
"Let's eat na po mommy. Rayven is hungry na. Don't cry na po ha." Halik niya at saka ako hinatak patayo ng kama.
"Daddy! Mommy's here na po. Let's eat na." Masayang sambit ni Rayven habang pumapalakpak pa.
Umupo si Rayven sa tabi ng kaniyang ama at ako naman ay umupo sa tapat nito. Kahit kaharap ko siya ay hindi ko siya makuhang tignan. Naiinis ako na ewan. Hindi ko alam kung sa kaniya ba o sa aking sarili. Tch.
We ate peacefully pero hindi nakatakas sa akin ang manaka-nakang pagsulyap ni Rich habang kami ay kumakain. Nang matapos kami ay nagpresinta na ako na maghugas ng aming pinagkainan. It's some sort of diversion para hindi ko siya gaanong nakikita at nakakaharap. Baka kasi hindi ko na naman mapigilan itong bibig ko at kung anu-ano na naman ang maitanong at masabi ko. Kaya naman matapos ko sa kusina ay dumiretso ako sa kwarto upang maligo muna.
Sadyang tinagalan ko ang pagligo nang sa gayon ay hindi ko makaharap si Rich. Hindi ko kasi alam kung anong napag-usapan nila kagabi ng bruhang iyon. Okay I am dying to know the details pero hindi ko alam kung kakayanin ko ba. What if, he only wants Rayven. Ayoko naman na salitan sa'min ang bata dahil una ako ang ina. At sa marami pang dahilan ako ang ina. At sa apat na taon, nabuhay naman kami ng wala siya. Kaya kakayanin namin ulit kung wala man siya.
"Oh aalis ka?" Gulat na tanong ni Rich matapos kong lumabas ng kwarto.
"Uhm. Work." I simply uttered.
Lumapit siya sa akin at sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan.
"Work? Really?" Aniya nang makalapit na sa akin.
Tumango lamang ako bilang sagot.
"Sasama kami. Hindi ka aalis ng bahay na ito na hindi kami kasama."
So we're now on our way to my mom's company. Rayven is very excited kanina kaya ngayon ay tulog na tulog ang bata sa aking kandungan.
BINABASA MO ANG
Lips Don't Lie
Ficción GeneralThey say lips don't lie but I guess they are fvcking wrong 'coz lips do lie, terribly.