Kabanata 25
Uno
Nakakapagod. Pangatlong araw na namin dito at puro trabaho lang ang ginagawa namin. Ni hindi ko man lang ma-enjoy ang beach dahil baka daw masunog ang balat ko at mahirapan mag-edit sa picture. Ghad. Hindi naman ako mabilis kung umitim.
Napakasungit ng direktor na kinuha nila Mom. Bawal man lang mag-enjoy. Puro work, work, work. Sarap sampalin ng baklang 'yon. Ugh.
Naawa tuloy ako sa anak ko. Panay katulong lang ang kasama lagi. Nakakainis. Lalo pa at hindi pa daw tapos ang photoshoot. Hindi makuntento ang baklang 'yon sa dami ng gusto niyang mangyari. Nakakairita talaga. Kahit kumain ng madami at uminom ng alak bawal. Nakakapikon.
"What's the problem?" Malumanay na tanong ni Mom sa kabilang linya. Narinig ko ang pagsara ng pinto ng kotse niya. Sa tingin ko ay kakauwi niya lang. Napaka-workaholic talaga.
Umirap ako kahit hindi naman niya nakikita. "Nakakainis ang direktor na kinuha mo Mom. Napakadaming arte. Tatlong araw na pero hindi pa rin siya kuntento sa mga nangyayari. Ni hindi man lang kami makapag-enjoy dito. Panay work lang. 'Yung apo mo malapit ng magtampo at panay katulong lang ang kasama lagi." Gigil na reklamo ko.
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa. "Calm down Hill. Last day na ng shoot bukas. Isang linggo naman ang pina-reserve ko diyan para sa lahat. Magrelax ka nalang after tomorrow. Don't stress yourself."
Doon natapos ang pag-uusap namin. Doble-doble ang inis ko. Paano ba naman kanina parang tuwang tuwa pa si Rich sa mga babaeng nagpa-picture sa kaniya. Panay ang pa-cute ng mga babae at ang talipandas na lalaki naman ay panay lang ang ngiti. Sarap bunutin lahat ng maputi niyang ngipin at ang sarap sabunutan ng mga malalanding babae na 'kala mo linta kung makadikit.
"Anong nginingiti-ngiti mo diyan ha?!" Singhal ko sa lalaking tumabi sa akin.
Nakaupo ako ngayon dito sa may malapit sa pool side na nasa hotel nitong beach resort namin. Nagpapahangin ako at kinakalma ang sarili ko. Paano pagdating ko kanina sa kwarto tulog na ang anak ko at katabi ang magaling niyang ama na akala mo pagod na pagod matapos makipaglandian sa mga pesteng babae kanina. Nakakapikon talaga.
"Para kang papatay diyan. Nakakatakot." Tawa nito.
Tinignan ko siya ng masama. "Tigilan mo ko ha. 'Pag ganitong mainit ang ulo ko. Not now Anton. Baka lunurin kita diyan sa pool makita mo."
Tila natakot ata siya sa sinabi ko dahil bigla siyang tumayo. "Scary." Sarkastiko niyang sinabi. "Try to get some sleep Hill. Para may energy ka ulit bukas mainis." Aniya bago biglang tumakbo.
—-
As usual, maaga ulit ang shoot today. Iritang irita talaga ako. Una, puyat ako. Wala akong masiyadong tulog. Nagbabad ako sa bathtub kanina at natagalan kaya nahuli ako ng kaunti ngayon. At ang baklang direktor ay pinapagalitan lang naman ako, sa harap ng mga tao dito."Hindi mo ba alam kung gaano kaimportante ang oras ko ha!" Sigaw niya sa mukha ko.
Kanina ko pa pinipigalan ang sarili ko. Self kalma. Baka hindi niya alam na hindi ako basta model lang dito.
"Wala akong pakialam sa mga dahilan mo. Irespeto mo ang oras ko at ng mga tao dito. Be professional!" Muli niyang sigaw.
"Hoy baklang walang alam kundi trabaho. Una at huli limang minuto lang ako nalate at galaiting-galaiti ka na diyan. Ikaw ang rumespeto ng oras namin. Ako pa ang be professional? Hindi lang ako basta model dito. Alamin mo kung sino ang sinisigaw-sigawan mo. Ngayon kung magagalit ka at ititigil mo na 'to. Aba ayos lang. Makakaalis ka na sa resort namin at hahanap nalang kami ng kapalit mo." Nakita ko ang paglapit ng isang babae, sa tantsa ko ay assistant niya ito.
BINABASA MO ANG
Lips Don't Lie
Художественная прозаThey say lips don't lie but I guess they are fvcking wrong 'coz lips do lie, terribly.