Kabanata 26

3 0 0
                                    

Kabanata 26

Necklace

Awkward. Sobrang awkward. Ang tahimik ng mga kasama ko dito sa lamesa. Pati ang anak ko ay halatang natatakot sa pagiging tahimik ng dalawang lalaking kasama namin ngayon. Kandong-kandong ko si Rayven, nakaupo sa kanan ko Rich at sa tapat ko naman ay si Uno. Kanina pa masama ang tingin nila sa isa't isa. Mukhang hindi pa sila tapos sa kung ano mang meron sa pagitan nila.

Hindi ko na sinubukan pang magsalita. Kung ano mang issue nila, sakanila nalang 'yon. I don't want complications with life na. Ang dami-dami ko ng iniisip, ayoko ng dagdagan pa.

"Uhm. Hill. May gagawin ka pa ba mamaya?" Uno asked after naming kumain.

"Wala naman. Bakit?" Agaran kong sagot dito. Rinig na rinig ko ang malakas na pagbuga ni Rich ng hangin.

"Catch-up lang. Just like the old times. Sama mo si Rayven kung ayos lang." Ngumiti na lang ako at tumango. Maybe the reason why Rich stood immediately and left us here.

'Yun ang hirap sa kaniya. Kapag may ayaw siya 'di niya agad masabi. Bigla nalang nananahimik, tas aalis gaya ng ginawa niya ngayon. Ganoon din siya nung kay Kurt, nung nagkasabay sila pagpunta sa bahay. May mga bagay na hindi naayos lalo na kung lagi nalang niyang iniiwan basta kung ano mang problema.

Bahala siya.

Sinabi ko kay Uno na magpapalit muna akong damit pati na rin si Rayven. Pero siyempre, iniisip ko rin kung nasa kwarto ba namin si Rich. Kaso pagdating namin doon ng anak ko wala. Kaya binilisan ko na pagkilos para hindi naman nakakahiya kay Uno.

Ang tanong.

Nasaan naman kaya si Rich?

Tsk. Bahala siya.

Nag-ikot ikot lang kami sa buong resort at nagkwentuhan kagaya noon. Rayven is swimming in the pool now.

"Sorry about earlier. I just want to piss him. Remember what I've told you before? I wanna punch him in his face for making you cry. Kaso... Rayven was there. I can't punch that guy infront of his kid." Paliwanag niya habang nakaupo kami sa gilid ng pool. Hindi naman mainit dito at maghahapon na naman kaya sakto lang na dito kami nakapwesto. "Hindi ko lang maiwasan na hindi mainis para sa'yo. Sorry talaga Hill." Dagdag pa niya.

"You okay?" Biglaang tanong niya nang hindi ako sumagot. Sa totoo lang, kahit anong tanggi ko sa sarili ko. Naiisip ko kung nasaan na ba si Rich. Hindi ako mapakali na ganito kami, lalo na we're starting to work things out.

"Ah oo naman. Sorry." Nahihiya akong ngumiti kay Uno. "Binabantayan ko lang si Rayven ng tingin." Palusot ko.

"I guess you're tired now. Maybe we can check the beach tomorrow nalang. I am here for a vacation naman." Alam kong ramdam ni Uno na may bumabagabag sa'kin. He's always like that kagaya dati, na para bang basang-basa na niya ako lalo na tuwing nasa malayo ang utak ko.

At ang pinaka-gusto ko sa ugali niya. He never cross the line. Lagi lang siyang nakikinig at nagpapayo. Pero he never meddled with my issues. He's such a great person.

Naintindihan ko naman kung bakit siya ganoon kanina. Kahit naman sinong napagsabihan ko ng mga naging problema ko biglang nagkakaroon ng inis kay Rich, even his brother, Kurt.

Dati malabo lang na maging kami kasi alam kong hindi siya purong lalaki pero ngayon matapos kong malaman lahat malabo pa din. Parang lahat nalang pagdating kay Rich, everything seems to be blurry.

Inihatid kami ni Uno sa kwarto namin dito. Halatang napagod ang anak ko kakalangoy, namumungay na ang kaniyang mga mata habang buhat-buhat siya ni Uno, panay na rin ang paghikab niya.

Hanggang ngayon wala pa rin dito si Rich. Malapit ng maggabi.

"Are you hungry baby?" Tanong ko kay Rayven matapos ko siyang liguan. Parang anytime kasi makakatulog nalang siya bigla.

"Sleepy po. 'Tsaka dami po nakain ni Rayven na fruits and sandwich po kanina sa pool side." Muli siyang humikab.

Pinatulog ko lang siya bago tinawagan si Manang para pabantayan ito sa kaniya. Dalawa naman ang kama sa kwarto kaya kung ayaw man akong makatabi mamaya ni Rich ay ayos lang. Tatabi nalang ako kay Rayven at sa kama niya mahihiga.

I started to roam around the resort. Ilang pool area na ang nalibot ko pero wala pa rin akong Rich na makita. Nagpunta na rin ako kanina sa beach pero wala din siya doon.

Ugh. Rich, where the hell are you?

Tinawagan ko kanina ang phone niya bago ako umalis ng room namin. Hoping that he'll answer but to my dismay, he left his phone in our room. Seems like he doesn't want to be disturbed.

Bahala siya. Kung nasaan man siya bahala siya. Napapagod na kong maghanap sa taong tila ayaw naman mag-pahanap.

I was walking at the hotel lobby when someone grabbed my arm. "Hi Hill. Not nice to see you here."

Agad ko siyang nilingon at hindi nagpaapekto sa mukha niyang sobrang nakakainis at ang sarap ingudngod sa semento. "The feeling is mutual Brit the bitch." Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. "The last time that I've checked, no pets were allowed here. How come na nakapasok ka?" I mocked her. Halatang halata na naapektuhan siya sa sinabi ko.

"Should I call the security na ba? Baka kasi mangagat ka dito. Matindi pa naman ang rabies mo." Dagdag ko pa na mas lalong nagpainis sa kaniya.

She smirked. "Like how I've bitten Rich kaya ulol na ulol sa'kin ang future husband mo." I was stunned or should I say I want to wring her neck para tumigil siya sa mga walang kwentang bagay na sinasabi niya.

"Cat got your tongue?" Tumawa siya ng mahina. "Paano mo mahahanap si Rich kung nasa kwarto ko siya mula kanina?" She crossed her arms.

"Bakit naman ako maniniwala sa'yo?" Kinakalma ko ang sarili ko. I know that she's just messing with me. "And Rich in your room? That's next to impossible." I raised my chin para hindi niya mahalata na medyo naapektuhan ako sa sinabi niya.

"Okay." She just shrugged. "Kaya pala naiwan niya 'to." Inabot niya sa'kin ang isang kwintas and left me dumbfounded.

This is his necklace. This was my gift to him when we were in College. Bukod sa bestfriend's bracelet na mayroon kami ay binigyan ko siya ng kwintas as a graduation gift. So, all this time nagsasayang lang pala ako ng pagod kakahanap sa kaniya. At nagsasayang lang kami ng oras para ayusin ang mga bagay na hindi na maayos dahil panay kasinungalingan lang ang lahat ng sinasabi niya.

I should have known better.

Hanggang kailan ba ako magiging tanga pagdating sakaniya.

Hanggang kailan ako aasa na sa huli magiging kami talaga.

If I could just unlove him. Sana nasa Paris pa rin ako at nagsimula na ng bagong buhay. I can ask anyone naman to be a father of my child.

But...

I hoped. Umasa ako. Pero hanggang ngayon. Nasasaktan pa rin ako.

Dahil kahit anong gawin ko hindi ko siya mabura bura sa lintik na pusong 'to.

Dumiretso ako sa bathtub sa loob ng kwarto. What to do next Hill?

If things won't work out fine between the two of us... I'll allow him to be a father to my child. Siguro ganoon na lang. And I'll talk to him to cancel the engagement na. Oo tama, ganoon na lang. I'll return the ring and will said that we're off. Para naman hindi na kami parehong mahirapan pa. Pwede naman kaming maging magulang kahit hindi kami.

It will hurt me again for sure but I think this will be the best option that left to me. Kaysa naman risking my heart again knowing na he's just doing it to be with our son.

Lips Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon