Kabanata 21

8 0 0
                                    

Warning: SPG

Kabanata 21

Happy

"You said before that you're moving on already. And now this?" Sermon sa akin ng pinsan kong si Kuya Ron. "Nagpapadalos-dalos ka na naman Hill." Dagdag pa niya.

Galing ako sa opisina ni Mom ng makasalubong ko siya at agad niyang napansin ang singsing ko. So, being my closest cousin, we had a little chitchat pero nauwi ngayon sa isang seryosong usapan.

"I thought... you want him for me." I sipped my coffee. We were now here in a resto near Mom's company. Bigla akong hinila dito ng pinsan ko ng malaman niyang engaged na ako... kay Rich.

"Let me ask you something..." The anticipation is killing me. Ugh.

"What?!" I asked dahil ang tagal niyang ituloy ang kaniyang sasabihin.

"Do you love him?" I was about to answer an immediate yes when he asked again. "Without any buts?"

Doon ako biglang napaisip. Sobrang saya ko kagabi matapos ang pag-oo ko sa proposal ni Rich. Ni hindi ko na naisip kung ano bang mga pwedeng mangyari. Basta alam ko lang gusto iyon ng puso ko. And I know that I am happy.

That my heart is happy.

That my son will be happy.

"Look Hill. I know that you love him. I am sure of that. But... are you sure about this? You're putting your heart at stake again. Hindi ka ba nabibigla lang? Sigurado ka ba talaga?"

Sa lahat ng tao sa paligid ko, siya ang pinaka nakaka-kilala sa akin. And hearing this from him ay tila nalalason ang utak ko. Every happiness that I have was slowly fading. Thoughts start to consume me.

"I don't know. But I wanted to be happy Kuya." Napailing siya sa sagot ko.

"Can you please be extra careful? Nung umuwi ka dito... did you two talked already? About his past here... his whereabouts. His life before Hill to be specific. Paano kung may ex pala siya dito o kaya girlfriend? Anong gagawin mo?" It frustrates me.

Bakit ba niya ginugulo ang utak ko?

Gusto ko lang naman maging masaya sa kabila ng lahat ng takot ko.

"Honestly, I really don't care. I just want my son to be happy and me as well. Pagod na 'kong maging malungkot at ubusin ng takot dito sa puso ko. Napapagod na kong tumakbo." I looked at him helplessly.

"Sorry Kuya Ron. Kung sakali mang umiyak ako ulit pwede bang i-comfort mo nalang ako if that day comes? Pero pwede bang suportahan mo muna ako dito? Alam kong mabilis pero kasi hindi lang naman ako ang involve dito. I already have a child and I just want to give him a happy life... a complete family. Ayokong mangyari sa kaniya ang nangyari sa amin noon. Masakit dito." I pointed my chest.

He sighed and slowly nodded. "Alright."

May mga bagay sa buhay na madalas hindi ka sigurado pero kailangan mong sumugal. Hindi mo alam kung anong mangyayari pero kailangan mong subukan. Sa ngayon gusto ko lang talaga maging masaya ang anak ko. Kaya kahit ako man ay nabibilisan sa relasyon namin ni Rich... iniisip ko na lang si Rayven. Seeing him happy makes my heart happy also.

—-

"Mom wants you to be part of her brand before she approves my proposal."

Nandito kami ngayon at nakaupo sa sofa habang naglalaro si Rayven.

He looked at me like he's not believing those words that I uttered. "Seryoso?"

Lips Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon