Kabanata 7

30 0 0
                                    

Kabanata 7

Ex

"Baby. I miss you." Bati sa akin ni Kurt saka ako inakap.

Hindi niya pinansin ang gulat na tanong sa kaniya ni Rich kanina.

"Kailan ka pa bumalik?" Tanong ko kay Kurt saka kumalas sa yakap niya.

"Ba't ka nandito Rich?" Baling ko naman kay Rich.

Naunang sumagot si Kurt. Pero bago sumagot ay tumingin muna siya sa kaniyang relo.

"Around six p.m. darling."

Napakunot ang noo ni Rich bago siya nagsalita.

"I just want to talk to you." Aniya at halata ang pagiging hindi niya komportable.

"Kumain na kayo? Let's go to the dining." Sabay talikod ko sa kanila.

Magpapahanda sana ako kina manang ng pagkain kaso gabi na rin at ayoko ng abalahin pa sila. Kaya ako na ang magluluto ng kakainin nila. Kaso pagod na rin ako so I decided na mag order na lang kami.

Nag-order lang ako ng pizza at chicken wings. Wala naman silang reklamo kasi kumain na rin naman pala sila. Kaya sa terrace na lang kami pumwesto at nagdala ng ilang drinks, mga alak.

"Kailan pa naging bar ang bahay namin?" Natatawa kong tanong sa kanila.

Mas ayos na ang magbiro kahit papano kaysa naman maging hindi komportable sa sitwasiyon.

Sabay lang silang tumingin sa akin.

"So, you have a brother pala Rich." Pagbubukas ko ng topic.

"An older brother actually." Si Kurt ang sumagot.

"You didn't tell me na may kapatid ka pala. Akala ko ba loner ka lang sa mundo?" Natatawa kong sinabi kay Kurt.

Halata na naiinis si Rich dahil sa pag-igting ng panga niya paminsan minsan at pagkunot ng noo niya. Madalas din ang paglagok niya ng alak kaya halata na iritable siya.

"I have you baby. I'm not a loner." May lambing na sinabi ni Kurt sabay kindat.

"Whatever! Break na kaya tayo." Sagot ko kasabay ang malakas na pagtawa.

"Naging kayo?!" Sobrang gulat na sinabi ni Rich dahil napalakas ang boses niya.

Sabay pa kaming napatingin ni Kurt sa kaniya at biglang humagalpak ng tawa.

"Mag ex kami. Bakit?" Natatawa pa rin akong sumagot kay Rich.

Napailing siya saka tumayo at umalis bigla. Problema no'n.

"Habulin mo." Biro ni Kurt.

"Fvck you!" Irap ko sa kaniya.

"Gusto mo?" Aniya habang idinidikit ang sarili niya sa akin.

Tinulak ko lamang ang mukha niya.

Seryoso na mag-ex talaga kami ni Kurt. Isang relasiyon na napagkasunduan lang.

"Baby!"

Tawag sa akin ng isang lalaki habang naglalakad ako sa may mall.

Hindi ko siya nilingon. Una, hindi ko naman siya kilala. Pangalawa, isang linggo pa lang ako dito sa Paris kaya imposible na kakilala ko talaga siya. Pangatlo, nakakatakot baka sindikato o kaya holdupper.

Nagmabilis ako sa paglalakad. Kaso iyong lalaki naabutan ako at bigla akong hinawakan sa magkabilang balikat. Kinakapa ko ang pepper spray sa bag ko kaso ang lakas niya at naiharap niya ako bigla sa kaniya.

Lips Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon