Kabanata 32
Married
Dito kami dumiretso sa pinakataas na parte ng hotel, ang opisina ni Mom na mayroong sariling conference room sa loob. Tahimik kaming lahat na nandito - ako, ang kuya kong si Alex, ang tatay ko, si Rayven na anak ko na kanina pa ayaw humiwalay sa akin, si Rich kasama si Brit na hindi ko alam kung bakit kasama ang babaeng 'yun at si Uno na kanina pa naka-alalay sa aking tabi.
Walang gustong bumasag ng katahimikan kaya natinag lang ang lahat nang tumikhim at magsalita si Mom. "Plano niyo lang bang tumayo diyan hanggang mamaya." Masungit niyang sinabi dahilan para dali-dali kaming magsi-upuan.
Nasa tabi ko siyempre ang anak ko, medyo malaki na siya para kandungin kaya pinaupo ko na lang sa tabi ko at ini-usog ko na lamang ang upuan niya para mas malapit siya sa akin, 'yung tipong walang espayo sa pagitan naming dalawa. Sa kanan naman ay si Uno, katabi niya sa kuya Alex. Sa tapat naman namin ay si dad at sa tabi niya ay si Rich kaya katapat ko ngayon ang lalaking ayaw kong makita at kanina pa nakatingin sa akin pero hindi ko mabasa ang pinapahiwatig ng mga mata niya, siyempre katabi niya si Brit na kung nakakamatay lang ang tingin ay kanina pa siguro ako namatay dahil dito.
Tumingin kaming lahat sa kabisera dahil nandoon nakaupo si Mom, na kagaya dati ay parang she always screams with authority kaya nakakatakot na ewan lalo pa at diretso siyang nakatingin sa gawi ko. "I wanted to hate you.. but I cannot deny it to myself that I am happy, so happy because you are alive." nabasag ang boses niya dahilan para hawakan ni dad ang kaliwang kamay niya.
"Pero bakit? Bakit hindi ka agad umuwi nang maalala mo ang lahat? Instead you made some ploy to lure everyone here. For what?" Hindi ako agad makasagot, hindi dahil natatakot ako kundi dahil ayokong marinig ng lahat ang mga dahilan ko. Pero nandito na ako... papanindigan ko na ang plano ko.
"Because..." Binitin ko muna saglit, at hinawakan ang kamay ni Uno. "We just got married." Matapos kong sabihin iyon ay tila may mga imaginary kuliglig akong naririnig sa paligid dahil wala ni isang gustong magsalita kaya sinamantala ko ang pagkakataon para sabihin ang lahat ng gusto kong sabihin. Mga bagay na nalaman ko sa loob ng isang buwang pagtatago at pagpa-plano.
"It was not an accident." Mas naging gulat ang lahat. "Shocking right?" Ngumisi pa ako.
"Mga ilang buwan palang naman nung maka-alala ako ulit and Uno was there and is still here. He helped me to recover and to heal. But that's not the reason why I marry him.. you know our past and our story. I know na nakakabigla man lahat kasi parang bigla nalang akong sumulpot ulit. But I miss my son... wala akong planong guluhin lahat ng kung anong mayroon kayo ngayon. I just want my son back and my company. Tutal ilang taon naman kayong nabuhay na wala ako at inakalang wala na ako. You can continue your life. I just want my son---" Bago pa man ako matapos magsalita ay bigla na akong pinutol ni Rich.
"He's also my son. Hindi naman pwedeng basta mo nalang siya kunin. Hindi naman 'yan laruan na basta mo nalang iniwan at basta nalang din babalikan." Ramdam ko ang pait sa boses niya.
"He's right Hill. You just make things more complicated." Napailing si dad.
Umirap ako sa kawalan. "Coming from you?" Hindi ko napigilang sabihin. "We can ask Rayven kung kanino niya gustong sumama or he can visit you 'pag gusto mong makita ang bata." Baling ko kay Rich.
"You are so selfish." Nagulat ako sa sinabi ni Rich. "Nung mawala ka parang nawala na rin sa'min lahat tapos ngayon babalik ka na parang walang nangyari at gustong masunod lahat ng gusto mo? Unbelievable."
Kitang kita ko ang galit sa mga mata niya, parang apoy na nagbabaga. "Then you're married? What happened to you? I know that you don't love me even before pero tumira tayo sa isang bahay para sa anak natin. Of all people, ikaw 'yung tipo ng tao na ayaw ang hindi buong pamilya. And now... this?! Are you out off your mind? Anong akala mo sa bata, laruan na pwedeng hiramin natin nang salitan?!"
Nagulat ang lahat sa pagtaas ng boses ni Rich pero hindi ako nagpatinag sa mga sinabi niya. "So, is there any possible solution that you can suggest? I am married and you have your partner so anong gusto mong gawin natin, magbahay-bahayan ulit? I don't want to live in a place na parang laro lang ang lahat. I don't want my son to grow na pekeng pagmamahalan ang nakikita niya. Is that what you want?" Hamon ko sa kaniya.
"Annul your marriage and marry me again. That's what I want." Diretso ang tingin niya sa akin na tila tagos hanggang kaluluwa. "And for your information baka lang kasi na-miss ng private investigator mo." Saglit siyang tumawa. "Brit is just my business partner at ex niyang peke mong asawa. And for everyone's information, you cannot marry anyone dahil matagal na tayong kasal o nakalimutan mo na din? Sabagay... sobrang tagal na no'n, bago pa magkaroon ng Rayven."
I smirked para hindi niya maramdaman na apektado ako sa mga sinabi niya. "I don't care about your relationship with Brit like I really don't care about you anymore. Just like what I've said earlier, I am here for my son and for my company. Sorry if I forgot about everyone here. I just want my life back."
Iginala ko ang aking paningin. "Sorry din Mom sa biglang pagsulpot. Sa totoo lang nagpagamot muna ako bago humarap sa inyo at ayoko ma-miss ang launching ng bago kong line kaya I took it as an opportunity as my come back. Medyo flashy nga lang.. kaya sorry."
---
"You're married?" Pabalik-balik na lakad ni Uno.
Nakabalik na kami sa bahay matapos ng pag-uusap kanina. I need to talk to my mom alone.
"I don't know. Maybe he's just bluffing." I shrugged.
"You don't know?" There's a hint of accusation in his voice. "Hindi mo ba talaga alam o ayaw mo lang ipaalam?"
I looked at him intently and begging to trust me because I can't really recall and I really don't know kung totoo ba ang sinasabi ni Rich.
"I thought you came prepared? I thought ayos na ang lahat? I thought..." Pinutol ko siya.
"Can you please take a sit first." Medyo tumaas ang boses ko. "Mag-usap tayo nang hindi ka pabalik-balik diyan na parang natataranta na ewan. Nakakainis. I told you to trust me kasi kahit ako wala akong ideya sa mga sinabi ni Rich kanina. That's an honest answer, I really don't know. And now.. I don't know what to do anymore. I'll rest now, ikaw din. Hindi magandang mag-usap tayo nang ganito."
I left him there. I need space to think and I felt like naubos ang energy ko sa ginawa naming pag-uusap kanina.
Nagbabad ako sa bath tub at ipinikit ang aking mga mata. It's a tiring day at hindi ko naman agad naiuwi ang anak ko. I forgot to account Rich.. na hindi ko nga pala basta pwedeng balikan ang lahat nang ganoon na lang. Knowing him na pakiramdam ko ay kahit anong gawin ko ay kakabit siya dapat lagi ng mga desisyon ko. Na hanggang ngayon ganoon pa din.
He's a part of me.
Even if I don't want to. He'll always be a part of Hill... in everything.
BINABASA MO ANG
Lips Don't Lie
General FictionThey say lips don't lie but I guess they are fvcking wrong 'coz lips do lie, terribly.