Kabanata 19
Parents
I never thought na magkikita pa ulit kami. It's been what? Sixteen years... Sixteen years mula nung huli ko siyang makita... kasama ng bagong pamilya niya. For those years, I thought I am living my life, na masaya naman ako kahit alam kong siya 'yung dahilan kung bakit ganito ako ngayon. Wala akong ibang masisi. Alam ko naman na hindi tama na isisi ko sa kaniya lahat pero doon ako namulat. Namulat na ang pag-ibig kahit gaano pa ito kasaya, sa huli masasaktan at masasaktan ka lang.
"Okay ka lang?" Hindi ko napansin na may tao na pala sa bahay. Dire-diretso kasi ang lakad ko papunta dito sa kusina para kumuha ng beer. Tumingin lang ako sa kaniya at patuloy sa ginagawa ko, hindi ko kayang tumingin sa kaniya o kahit kanino, pakiramdam ko mahahalata na umiyak ako kanina.
"Where's Rayven?" Pag-iiba ko ng usapan matapos kong lumagok ng beer.
"Sleeping." Matipid niyang sagot. "What's wrong Hill?" Concern was evident in his voice.
"Nothing. I am fine. Pagod lang." Muli akong uminom ng beer.
Sa mga ganitong pagkakataon ayokong pag-usapan. Para kasing ang hirap sabihin kahit kanino na hanggang ngayon sobrang apektado pa rin ako ng mga nangyari noon. Na hanggang ngayon nasasaktan pa din ako kahit parang naka-move on na lahat ang mga tao sa paligid ko.
Si Kuya mukhang okay naman, never kong nakita na naapektuhan siya. Sa totoo lang parang mas gumaling nga siya sa lahat ng bagay lalo na sa negosyo, tila hindi niya ininda lahat ng nangyari. Tapos si Mom ganoon din, ni minsan hindi ko siyang nakitang umiyak, parati lang siyang masaya at mas nakilala pa sa negosyo. Bakit ako? Bakit parang nandoon pa din ako, tila kinain ako ng pangyayari na 'yon. Sobrang hirap, gustong gusto kong kumawala pero nahihirapan ako. Sa tuwing naiisip ko hindi ko maiwasan magtanong ng bakit.
Bakit may mga bagay na hindi natatapos ng maganda?
Bakit may mga taong umaalis na lang bigla?
Hindi ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Laking pasalamat ko kay Rich kasi hinayaan niya lang ako. Wala rin naman kasi siyang mapapala sa'kin kahit samahan pa niya ako, wala naman kasi akong planong magkwento.
"Is she busy? I have an appointment with her today." Nag-aalinlangan na ngumiti sa akin ang sekretarya ni Mom.
"May ka-meeting pa po kasi siya sa loob Miss Hill..." Hindi ko na siya pinatapos at dumiretso na ako sa loob ng opisina ni Mom.
I am removing my coat kaya hindi ko agad nakita kung sino ang ka-meeting ni Mom at saka nakatalikod kasi siya kaya hindi ko makita ang mukha niya. "Hill." Gulat na sambit ng aking ina. "What are you doing here?" She looked so tensed.
Lumakad ako palapit sa pwesto niya at humalik sa kaniyang pisngi. Ngingitian ko sana ang ka-meeting niya pero biglang napataas ang kilay ko nang malaman kung sino ito. "I have an appointment with you today, but it seems like na may importante kayong usapan ni Mister?" Bumaling ako sa kausap niya.
"Hill." Saway ni Mom.
"What? I don't know him. That's why I am asking." Napayuko ang lalaking pinag-uusapan namin. Marunong pala siyang mahiya.
"Hill." May pagbabanta sa boses ng aking ina. Umupo ako sa upuan kung saan sila nakapwesto. Apat na upuan na nakapalibot sa isang maliit na mesa, karaniwan itong ginagamit ni Mom 'pag may mga ganitong business meeting siya. So, business meeting huh?
Umupo ako ng maayos sa tabi ni Mom at humalukipkip sa aking pwesto. "So, business meeting? I never thought na magkasosyo pala kayo sa negosyo." Hindi ko mapigilan ang bibig ko sa pagsasalita. "I just saw you yesterday tapos ngayon ikaw ulit ang makikita ko? Bakit dati tila tinaguan mo kami at hindi ka namin makita. Tapos ngayon..." Puno ng hinanakit at panunumbat ang bawat salitang binibigkas ko.
BINABASA MO ANG
Lips Don't Lie
General FictionThey say lips don't lie but I guess they are fvcking wrong 'coz lips do lie, terribly.