Kabanata 12
Whys
Two years ago I've left everyone pero siya lang talaga ang gusto kong iwan, all those pain na idinulot niya sa akin. Pinagtabuyan niya ako na parang wala kaming pinagsamahan dahil sa isang "pagkakamali". And now he's asking for my forgiveness, siraulo ba ang taong ito? O ako ang siraulo kasi hinayaan ko na namang may mangyari sa amin?
Matapos niya akong puntahan sa Republic Wakeparks ay dumiretso kami sa isang maliit na lodge. Maggagabi na at tila pagod na pagod ang katawan ko kaya wala na sa plano ko ang umuwi pa. Tutal sinira na naman niya nag pagmumuni muni ko e ituloy tuloy nalang namin sa muling pag-uusap na sigurado akong wala namang patutunguhan.
"Thank you." Aniya nang makarating kami sa isang lodge dito sa Laguna.
"I'll sleep." Tanging sambit ko at humiga na sa kama.
Wala siyang maaasahang matinong sagot mula sa akin. All I feel now is pain and anger.
"Let's eat first." Aniya sabay upo sa gilid ng kama.
"Wala akong gana." Sagot ko habang nakatalikod sa kaniya at nakaharap sa pader.
"Kukuha lang ako ng pagkain sa labas. Magpahinga ka muna diyan." Sambit niya at saka umalis patungo sa labas.
Sobrang tahimik. Pagod ako pero hindi ako makatulog. Bakit nga ba ako sumama sa taong lubos kong kinamumuhian? Nagpapakatanga na naman ba ako at binibigyan siya muli ng pagkakataon upang saktan ako? Ano Hill? Sagot! Argh! Tanong ko sa sarili ko sabay sabunot sa aking buhok.
Yosi. Napayosi ako bigla kasabay ng mga kung anu anong bagay na gumugulo sa utak ko.
I've heard footsteps. Sa sobrang pagkabigla ko ay bigla kong naipitik ang yosing kapit ko. Kitang kita ang galit sa kaniyang maamong mukha. Ang matatalim niyang mga mata na nakatingin ng lagusan sa manipis kong katawan. Nakaramdam ako bigla ng takot at lamig sa aking balat.
Hindi ko na siya inantay pang magsalita. Pumasok na ako agad sa loob at akmang hihiga na sa kama nang higitin niya ang kaliwa kong braso.
"What was that?" Galit niyang tanong. Pero halatang halata ang pagpipigil niya sa nararamdaman niyang galit.
"Cigarette. Sigarilyo. Yosi. Hindi mo ba iyon alam?" Panunuya ko pero lintik na ang pagtambol ng dibdib ko dahil sa kaba.
"Don't give me a fool answer! Para saan 'yon!" Hindi na niya napigilan ang galit na kanina pa niya tinitimpi.
"Wala kang pakiaalam!" Sigaw ko sa mukha niya sabay higit ng braso ko mula sa madiin niyang pagkakahawak.
I've seen tears. Mula sa kaniya. I didn't expect that. Naluha siya matapos niyang suntukin ang pader.
"Alam kong wala na akong karapatan. Alam kong madami akong kasalanan sa'yo. Pero hindi mo kailangang wasakin ang sarili mo dahil sa akin." Madiin niyang sinabi habang pinapakalma ang kaniyang sarili.
I can't talk. Hindi rin ako makatingin sa kaniya. Hindi ko rin alam ang gagawin ko. Nakatunganga lang ako at hindi matinag sa kinatatayuan ko. Naubos ata lahat ng hangin sa katawan ko dahil sa halo halong emosiyon na pinipigilan ko.
Ten seconds. Nagbilang ako ng sampung segundo bago magsalita. Ito na ata ang pinakamahabang sampung segundo ng buhay ko.
"Bakit mo ako pinagtabuyan nung panahong kailangang kailangan kita? Why did you choose to hurt me before?" Halata ang pait na nararamdaman ko sa bawat salita.
BINABASA MO ANG
Lips Don't Lie
General FictionThey say lips don't lie but I guess they are fvcking wrong 'coz lips do lie, terribly.