Kabanata 6

29 0 0
                                    

Kabanata 6

Kurt?!

"I don't believe you."

These are the only words that I've uttered. Hindi talaga ako makapaniwala at ayaw kong paniwalaan ang mga sinabi niya. All those years? Sinong niloko niya?

"Hill. Look. Just listen first." Aniya saka hinigpitan ang kapit sa kamay ko.

Nagpumiglas ako dahilan upang magkaroon ng pagkakataon upang masampal siya.

Yeah. I slapped him hard. Kahit na nakakapanghina ang mga titig niya at kahit na mahal na mahal ko pa rin siya ay mas nanaig ang galit sa sistema ko.

"Just listen first?" I mocked him.

Namumula ang maputi niyang pisngi dahil sa sampal na ginawa ko sa kaniya. It's obvious na he's shocked dahil sa ginawa ko sa kaniya.

"Can you hear yourself?" Muli kong tanong saka tumayo sa kinauupuan ko kanina.

Nasa gilid na ulit ako ng kama ko.

"Don't ask me to listen first when you didn't know how to listen. Four years ago. Did you listen to me? No! Why? Because it's just a mistake right? So now, you better leave because everything is just a mistake. Everything!" Galit kong sambit sa kaniya.

Tumingin muna siya sa akin bago nagsimulang lumakad papaalis. Tila may gustong sabihin pero hindi na itinuloy pa.

Nang makaalis na siya ay nagsimula nang kumawala ang mga luha sa aking mga mata. Until now sobrang sakit pa din. Nadagdagan pa dahil sa mga nalaman ko. Bakit? I really don't get it. Hindi ko talaga makuhang maniwala sa kaniya.

Wala it's still the same. Nandito pa din iyong sakit. Akala ko naubos na kakaiyak ko kagabi. Hindi ko nga namalayan na nakatulog na pala ako. Sa sobrang dami nang mga nalaman ko buti na lang at nakaya ko pa. Sobrang gulong gulo talaga ako ngayon.

Bangag ako ngayon habang naglalakad dito sa company ng mom ko. I just want to ask something.

"Good morning po Miss Hill." Bati sa akin ng sekretarya ni mom.

Kinailangan ko pang ibaba nang kaunti ang suot kong aviators para tignan siya.

"Is she busy?" Tanging tanong ko.

"No Miss." Sagot niya.

Hudyat na iyon para tuluyan akong makapasok sa office ni mom. Nginitian ko muna ang secretary niya bago pumasok.

"Oh hija. What brought you here?" Gulat na tanong niya nang makita ako.

"Let's have a lunch." Seryoso kong sinabi saka umupo sa upuan sa harap ng mesa niya.

Tumingin muna siya sa kaniyang relo bago nagsalita.

"Okay. I'll have to attend my meeting first. " Aniya habang papatayo.

"Wait me here." Dagdag niya at humalik sa aking pisngi saka umalis.

Thirty minutes lang naman akong naghintay bago matapos ang meeting niya. Pagkadating niya ay kinuha niya lang ang kaniyang bag bago kami umalis.

Ako ang nagdrive papunta sa isang mall. Twenty minutes lang naman kaya wala rin kaming napag usapan.

Nang makarating na kami ay sa KKK kami dumiretso. I'm craving a Filipino cuisine kaya dito ko napagpasiyahang kumain.

"So what's the matter?" Tanong ni mom matapos naming umorder.

"Basang basa mo talaga ko 'no?" Natatawa kong sinabi.

Lips Don't LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon