Kabanata 8
Family
Ilang oras na kami nagkekwentuhan ni Ate Karen pero 'di pa rin siya pagod kakasalita. Ang dami niyang chika at ang dami niyang tanong. Tinulugan na nga siya ni Kuya kasi pagod daw sa biyahe, kaso wala tuloy pa rin siya. Walang kapaguran. Buntis e kaya hayaan na.
"Alam mo Sis, bet ko talaga iyang kulay ng buhok mo ngayon."
Pang ilang beses na niya iyang sinasabi sa akin. At trip na trip niya ang ice cream na kanina pa niya kinakain.
"Please lang Ate huwag na huwag mong paglilihian ang buhok ko. Masisira." Biro ko sa kaniya.
Napasimangot siya at biglang ngumiti. Weird. Parang baliw. Kung hindi lang ito buntis, naku.
"Kulay lang naman. Malay mo natural na brown ang kulay ng buhok ng anak ko paglabas niya. And I like your hair color talaga." Bulalas niya.
Napairap na lang ako sa kawalan. Walang sense kung makikipagtalo pa ako sa kaniya at buntis siya. Moody. Baka topakin pa kung kontrahin ko siya. Saka hindi naman brown ang kulay ng buhok ko. Copper blonde kaya ito. Tsk.
"Okay. Ate. As much as I wanted to keep hanging out with you. I need to go. Alis muna ako." Kaswal kong sagot sa kaniya.
Lumungkot ang itsura niya saka sumubo ng ice cream. Tunaw na ung ice cream niya pero trip na trip pa rin niya. Hay.
"Sa'n ka ba pupunta Sis?"
Tila bata siyang nagmamaktol.
"Kay mom. At yari na ako kay Kuya kasi bihira akong magtrabaho. 'Di naman ako habang buhay dito sa Pinas. I need to help mom. Baka itakwil na ako noon." Paliwanag ko sa kaniya.
Bumuntong hininga muna siya bago nagsalita.
"Sige na nga. Uwi ka agad ha. Dami pa kong chika sayo saka ikaw din dami mo pang dapat ichika sa akin." Aniya saka tumayo.
'Di pa pala siya tapos sa mga kwento niya. Ang dami na kaya niyang naikwento tapos di pa pala tapos? Aba matindi.
Tumayo na rin ako at dumiretso sa kwarto ko para maligo at mag-ayos.
It's so refreshing while I am taking a bath. Nakakastress din kasi memories kept flooding my mind.
"Hillary. Open this door. Humanda ka talaga sa aking babae ka."
Ang aga pa pero badtrip na agad sa akin si bakla. Manigas siya diyan. Tawang tawa ako habang siya ay inis na inis.
"Isa. Bibilang ako." Banta niya.
"Dalawa. Rich just let me finish taking a bath. Ano ba." Singhal ko sa kaniya.
"Please lang. Wag mong ubusin ang shower gel ko." Halata ang inis sa boses niya.
Hanggang sa pagligo may alaala ako tungkol sa kaniya. Nakakainis. Bakit ba kasi siya lang ang nakasama ko dati. Dapat pala nakipag friends din ako sa iba bukod sa mga pinsan ko at mga ate niya. Ako tuloy nahihirapan ngayon. Kunsabagay, I have trust issues nga pala kay mahihirapan din ako before kung nakipag-friends man ako sa iba. Hay life. Why so complicated!
"Ayyy. Perfect. Bagay talaga sayo kahit anong suotin mo." Masayang masaya siya habang ineexamine ako mula ulo hanggang paa.
Hanggang sa pagpili ba naman ng damit na susuotin ko ay naaalala ko pa din siya. Nakakagago na. Kahit saan ata ako lumingon may bakas ng alaala niya. Tss.
I decided to wear a maxi dress. Ang alam ni Ate sa office ako ni mom pupunta pero ito ang napili kong suotin kasi it's so comftable. I just matched it with a flat sandals. So comfy.
BINABASA MO ANG
Lips Don't Lie
General FictionThey say lips don't lie but I guess they are fvcking wrong 'coz lips do lie, terribly.