Kabanata 24
Work
Natapos na ang meeting pero pinaiwan kami dito ni Mom. Ako, ang kuya ko, at si Rich.
"May gusto ka bang sabihin sa'min ng kuya mo?" Medyo gumaan ang ekspresyon ng mukha nito, hindi gaya kanina na sobrang seryoso at tila sobrang sungit nung nasa meeting pa kami.
Pinaglaruan ko ang sarili kong mga daliri. Hindi naman nila kita dahil nakatago sa ilalim ng lamesa. "Uhm. Ano. Sorry kasi 'di ko nasabi na engaged na kami ni Rich." Nahihiya kong sinabi habang medyo nauutal ng kaunti dahil sa pinaghalong hiya at kaba.
Biglang tumawa si Kuya ng malakas. "Bakit parang nahihiya ka diyan?" Nanunukso ang boses nito.
"It's not like that kuya." Alma ko dito.
"Then what? You're just busy with each other that you tend to forget to tell us that important event in your life?" Parang gusto ko na lang maglaho bigla sa hangin dahil sa sinabi niya.
I am kinda guilty, kasi nakalimutan ko talagang sabihin. Hindi dahil busy ako kay Rich. Masiyado lang akong maraming iniisip. Ugh.
"Sorry po." Yumuko ako. "I am just busy thinking about my business. Sorry." Paumanhin ko.
"You're a grown up already Hill. But it doesn't mean na wala na kaming say sa mga magiging desisyon mo sa buhay. Rich already talked to us bago pa man kayo ma-engage. Nagpaalam siya sa amin. Sa totoo lang, nagulat nga kami ng kuya mo na tinanggap mo ang proposal niya. Madalas hindi namin alam kung anong tumatakbo diyan sa utak mo. Nag-antay din kami na ikaw mismo ang magsabi sa'min. Anyway, are you sure about your decision?" Nag-angat ako ng tingin at napansing nakatutok lahat ng atensyon nila sa'kin.
Mabilis akong tumango. "Oo naman Mom." Tipid kong sinabi. Marami pa akong gustong sabihin pero mas pinili ko nalang na sarilinin ang iba. Ayokong marinig nila ang pag-aalinlangan ko tungkol sa mga bagay-bagay.
Buo na ang naging desisyon ko. I will do everything for my son's happiness. Making my son happy will also make me happy.
Mukha namang nakuntento na sila sa sagot ko dahil nai-dismiss na kami ni Mom at may meeting pa daw siya. Sabay kami ni Rich na uuwi sa bahay. Hindi ko alam kung nasaan si Mona. Nagtext lang siya na pupunta daw siya sa isang relative niya sa malapit. Hinayaan ko nalang dahil minsan lang naman 'yon makauwi dito sa Pinas.
"Sorry about telling our engagement to your family." Bigla akong napatingin kay Rich, na ngayon ay nasa driver's seat. Siya daw kasi ang magda'drive. Iniisip ko nga kung paano ito nakapunta dito.
"Paano ka nakapunta dito? Wala ka bang dalang sasakyan?" Natawa siya sa tanong ko.
"Grab." Mabilis niyang sagot. "Mas inalala mo pa talaga kung paano ako nakapunta dito?" Patuloy lang ang pagtawa niya habang umaayos ng upo sa kaniyang pwesto.
Sa totoo lang, ayoko na kasing pag-usapan 'yung tungkol sa engagement. Walang duda na mahal ko si Rich, kaya nga ako biglang pumayag. Ang problema kasi hindi ko alam kung talagang mahal niya ba ako. Nasa utak ko pa rin na ginagawa niya lang 'to lahat dahil sa anak namin. Nahihirapan talaga akong magtiwala.
Kahit pagbalik-baliktarin ko man lahat, nagsasama naman talaga kami dahil kay Rayven, dahil kailangan. Ako ang ina ng anak niya kaya natural na kuhanin niya ang loob ko para makasama ang anak niya. Pero sana lang mahal rin niya ako, gaya ng pagmamahal ko sa kaniya. Nakakapagod na rin kasing masaktan. Nakakaubos.
—-
Maaga kami ngayon sa location ng photoshoot. It seems like minamadali nila ang trabaho dahil ilang buwan nalang bago mag'December. Siguro sa iba ay matagal pa 'yon. But we need to aware the public na nandito na ito sa Pilipinas. Kaya lahat ay mabilisan. Ika nga ni Mom, bawal patulog-tulog sa mga ganitong panahon.
BINABASA MO ANG
Lips Don't Lie
General FictionThey say lips don't lie but I guess they are fvcking wrong 'coz lips do lie, terribly.